Nakaupo si Jared sa mesang nakalaan sa kanila sa vip room sa isang restaurant sa loob ng hotel. De Luca hotel and resort has one hundred rooms capacity. May boutique shop at restaurant sa hotel which caters the needs of all the tourist. Bukod sa mga iyon ay nasa harapan mismo ito ng dagat. Over looking ang bawat terasa ng hotel at makikita ang magandang tanawin. Ang dagat, ang paglubog at pagsikat ng araw. Ang kabihasnan sa malayo. Tanaw na tanaw ang lahat ng iyon. That's why the island was called island of Tanaw. Maging ang kinaroroonan ni Jared ay tanaw ang alon sa labas. Humahampas iyon sa mga malalaki at puting bato. Pero hind iyon ang labis na dahilan kung bakit masaya si Jared. A certain person made him giddily. "Mukhang hindi ako mahihirapan talaga. Tita Rainnah can help me," bula

