Tila walang pagod na naramdaman si Maid nang makarating sa hospital. Mas nanaig ang matinding kaba lalo na ngayon na kaharap niya ang doctor. Doon siya agad nagtungo pagdating na pagdating sa lugar. Lalo at hinihintay na pala siya ng doctor na siyang tumitingin sa kanyang inay.. "Tatapatin na kita, Ms. Dugay," paunang sabi ng doctor. Batay sa mukha nitong seryoso, mukhang hindi basta-basta ang kalagayan ng kanyang ina. "She's not getting better after all we did." "Ho?" maang na tanong niya. Hindi ito maintindihan. "We will run more test on her. Hindi ko lang gustong bugyan ka ng false hope that's why you're here," ika ng doctor na lalo niyang ikinalito. "A-anong ibig ninyong sabihin?"tanong niya. Hindi na mapakali sa kanyang inuupuan. Bakit imbes na mabawasan ay mas naging patong-paton

