Chapter 1

1118 Words
Papasok palang si Finn sa loob ng company nila, nasa may entrance palang siya, ramdam niyang may tension, kasi nag kumpulan ang ibang mga employees, madami ang security guards sa reception area, nakita niya ang chief security officer, na may kausap na isang babae. "Maam lumabas na ho kayo dito, hindi po magustohan ni boss Finn na nandito kayo, magagalit po yon pag nakita ka." Rinig niyang sabi ng chief security, napakunot ang nuo niya sa narinig, nakatalikod ang babae sa gawi niya, kaya hindi niya nakita ang mukha nito. "Anung nangyari dito, at sino yon?" tanong niya sa guard na nasa entrance. "Boss Finn si maam Marian nakapasok po." "What! paano siya nakapasok?" Hindi na nakasagot ang security guard, kasi umalis na Finn sa harapan nito, at mabilis na naglakad papunta sa babaeng kausap ng security officer. "Why are you here! anong kailangan mo?" Galit na galit na tanong ni Finn sa babaeng ayaw na niyang makita. "Diba sabi ko sayo, huwag kanang tumapak sa company ko, huwag kanang magpakita dito." dagdag pa ni Finn na namumula ang mukha sa galit. Humarap siya sa mga guards, "Diba kabilin bilinan ko sa inyo, na huwag nyo na siyang papasukin, dito sa company ko, paano to nakapasok?" Galit niyang wika sa mga ito. "Boss Finn pasensya na po, nalusotan po niya kami, kinalmot po kasi niya yon isang guard na humarang sa kanya. Huwag po kayong mag-alala, hindi naman po siya naka akyat sa office nyo." Paliwanag ng chief security officer ng company niya. Hinawakan ni Finn ang braso ni Marian. "Ang kapal din naman ng mukha mo, nanakit kapa talaga ng empleyado ko." nangigil na diinan ni Finn ang paghawak sa braso ni Marian "Aray! ko Finn nasasaktan ako, please patawarin muna ako, maawa kana sakin, pinagsisihan kuna ang ginawa ko." Sabi ni Marian na naiiyak. "Huh! awa? hindi ka dapat kaawaan sinungaling ka! sinira mo, kami ni Ayca." Sabi ni Finn na mas hinigpitan pa ang paghawak sa braso ni Marian. "Finn please, forgive me. tutulunngan kita humingi ng tawad kay Ayca." "Tulong! paano ha? hanggang ngayon hindi ko pa nahanap ang asawa ko, hindi ko alam kong buhay pa ba siya, makikita ko pa ba siya!" Sigaw ni Finn sa kaharap, at marahas na binitiwan ang braso nito. "May kasalanan ka din Finn, naging mahina ka. Bakit hindi mo pinaniwalaan si Ayca, na asawa mo? diba mas pinaniwalaan mo pa ako. So hindi lang ako ang may kasalan dito!" Sabi ni Marian habang umiiyak. Isang malakas na sampal, ang pinadapo ni Finn sa mukha ni marian, kaya sumalampak ang babae sa sahig. "Ang kapal ng mukha mong sabihin yan, nilinlang mo ako, pinaniwala mo ako sa isang fake news." Duro ni Finn kay Marian. "Naniwala ka kasi ang hina mo pag dating kay Ayca, nagiging bobo ka pag si Ayca na ang topic." Sabi ni Marian habang umiiyak. Hinawakan ni Finn, si Marian sa magkabilang braso at tinayo. "Ou, nagiging mahina ako pagdating Ayca, kaya sinamantala mo yon." Sabi ni Finn sa nanlilisik na mata. "Umalis kana dito sa company ko, huwag kana babalik, hindi kuna alam kong anu pa magagawa ko sayo, sa oras na makikita kita ulit dito." Mariing sabi niya at Marahas na binitiwan si Marian, "Ouch!" daing ni Marian sumalampak ulit siya sahig, dahil sa marahas na pag bitaw ni Finn sa kanya. Walang nagtakang tumulong sa kanya, at alam niya ang dahilan, takot ang mga ito na madamay, sa galit ng boss nila. Humarap si Finn, sa mga security. "At kayo! kong maka pasok pa ulit yan babae na yan dito, kahit hanggang dito lang sa reception are, tatanggalin ko kayo lahat, naintindihan nyo ba." Sermon niya sa mga guards. " "Yes boss, hindi na po ito mauulit, sorry po talaga." sabi ng security chief. At humarap din sa mga empleyadong, nandoon. "At kayo back to work, alam kong may kumuha ng video, oras na may lumabas na video sa social media, sa nangyari kanina, ikaw na video, tatangalin ko." Galit na sabi ni Finn. Tahimik na lumabas si Marian, sa building ng company ni Finn, habang umiiyak, paika-ika siyang lumakad, masakit ang balakang niya. Dalawang beses ba naman siyang sumalampak sa sahig. Masakit din ang mukha niya dahil sa sampal ni Finn, feeling niya bumakat ang kamay nito sa mukha niya. Galit na galit talaga si Finn sa kanya, hindi niya alam kong anong gagawin para mapatawad siya nito. Alam din niyang isa sa kinagalit ni Finn, dahil hindi parin nakita si Ayca. Ginamit na nito lahat na connection, nag hire n ito ng mga di kalibre na mga detectives, pero walang parin lead kong nasaan si Ayca. Nag banta na si Finn sa kanya, kong malaman nito may masamang ng nangyari sa asawa nito, pahirapan siya nito, ipa block list siya sa lahat n bansa. Kong mangyayari yon hindi na siya makaalis nang bansa. Dasal niya na sana makita na si Ayca, pinagsisihan na niya ang nagawa niya, sana mapatawad siya nito. "Kawawa din naman si maam Marian." Sabi ni Lera isa sa mga receptionist. "Yeah, pero kasalanan din naman niya yon." Sabi ni Jeny na isa din sa receptionist. "Sabagay, kasalanan nga naman ni maam Marian." "Anu ba kasi kwento, bakit galit na galit si sir Finn kay maam Marian? Tanong ni Mae, baguhan na receptionist. "Nagpkalat ng s*x video, si maam Marian involving ang asawa ni sir Finn, kong titingnan mo parang totoo pero edited lang pala. Naniwala si sir Finn pinalayas niya asawa niya, mula noon ang dating sir Finn na mabait, understanding pala ngiti, naging masama ang ugali." kwento ni Lera. "Bakit ginawa ni maam Marian yon?" Tanong ni Mae "May gusto siya kay sir Finn, gusto niyang maghiwalay, ang mag asawa para mapunta sir Finn sa kanya." wika ni Jenny "Pero nagtagumpay lang siyang paghiwalayin ang mag asawa. pero hindi ang mapunta sa kanya si sir Finn." sabi naman ni Lera. "Wait hindi ba nagpaliwanag, ang wife ni sir Finn n hindi siya yon? Tanong ni Mae " Nagpaliwanag pero naging bingi na sir eh, wala na siyang pinakinggan." sagot ni Jenny. "Bakit mas naniwala si sir Finn kay maam Marian, kaysa asawa niya?" Tanong uli ni Mae. "Kahinaan ni sir Finn asawa niya, pagdating sa asawa niya pinanwalaan niya lahat." "What! ang weird naman ni sir Finn." komento ni Mae. "Hep! hep! girls, tama na yan pag-usap nyo about si Finn, umayos kayo dyan, huwag kayong mag kumpulan." Sabi ng supervisor nila, na hindi nila namalayan nakalapit sa kanila. "Sabi ng E.A. ni sir Finn, nandito lang daw si sir buong araw, wala itong appointment sa labas, kaya dapat ayusin natin mga trabaho, baka tayo mapagbuntunan sa galit nun." dagdag na sabi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD