CHAPTER 20 CINDY's POV: "BAGAY ba ito sa akin?" bigkas na tanong ko pagkalabas ko ng fitting room. Nakaupo lang sa sofa si Ninong habang nagbabasa siya ng dyaryo. Halos pabalik-balik kasi ako sa loob ng fitting room para sukatin lahat ng damit na binili nito para sa akin. At para hindi siya mainip ay pinili niyang magbasa sa hawak nitong dyaryo habang naghihintay siya na matapos ako. Nasa ibang boutique na kami ni Ninong Jacob. And I can say na mas maganda itong boutique kumpara sa napuntahan naming una. Masyado kasing makati ang saleslady sa kabila. Hindi katulad dito na disiplinado at marunong rumespeto ng relasyon. Kaya nagustuhan ko itong boutique sapagkat very accommodating and approachable sila. NAPAANGAT naman si Ninong ng kanyang tingin para tingnan ang kasuotan ko. Nagawa nit

