CHAPTER 18 JACOB's POV: LILIGAWAN ko si Cindy. Liligawan ko muna siya bago ko siya gawing asawa. Ito ang kahilingan at kagustuhan niya kaya pagbibigyan ko ang dalaga kahit na wala akong alam sa panliligaw. Susubukan kong pag-aralan ito para lang mapasaya ko ang babae. Malakas ang naging tama ko kay Cindy dahil pagdating sa kanya ay parang napapabago nito ang takbo ng isipan ko. Nagagawa niyang kontrolin ang desisyon ko sa buhay. Kaya masasabi ko na tuluyan ko nang nahanap ang katapat ko. Sa dinami-raming babae na nakasama ko, si Cindy ang bukod-tanging magpapatiklop sa akin. Yung pride ko at pagiging hayok ko sa katawan ng mga babae ay nawala dahil napalitan na ito ng pagiging seryoso ko sa iisang binibini. Sino bang mag-alkali na ang magpaparanas sa akin ng ganito ay walang iba ku

