Chapter 28 CINDY's POV: TAKOT at KABA ang siyang umaapaw sa damdamin ko habang pauwing tinatahak ni Jacob ang kanyang bahay. Hindi mapakali ang kamay ko ngayon. Pakiramdam ko, buong katawan ko ay nanigas at nanlamig nang makita ko mismo ang pagmumukha ni Karen sa labas ng kotse na siyang nakatanaw sa amin ni Ninong. Nahuli niya kami ni Ninong Jacob na magkahalikan. Halos alam pa naman ni Karen ang pagmumukha ni Jacob. Tiyak na makakarating agad ito kay tita Mildred. Pagdating pa naman sa mainit na balita ay hindi niya ito pinapalagpas. Dakilang sipsip pa naman ang babaeng 'yon. Walang pakandungan ang bunganga kapag nagsalita na. "Relax, honey. Kung iniisip mo si Karen, ako ng bahala sa pinsan mo. I can handle this problem," pahayag ni Jacob habang binabalingan niya ako ng tingin. Gu

