CHAPTER 26 CINDY'S POV: MATAMIS pa sa asukal kung magmahal ang mas matanda. Iyan ang siyang napatunayan ko nang maging nobyo ko si Ninong. Wala siyang oras na inaksaya pagdating sa pag-aasikaso sa akin at pagpaparamdam niya ng special treatment. Kagaya na lamang ngayong araw, siya ang nagsusuklay ng buhok ko. Nakasanayan na kasi ni Jacob na suklayan ang mahaba kong buhok para maging straight ito at maging malambot. Sino bang mag-aakala na sa laki ng katawan niya, pagdating sa akin ay tumitiklop ang kaangasan ng binata. "Sigurado ka ba talaga na ihahatid mo ako, honey? Baka sa sobrang paglaan mo ng oras at effort sa akin ay hanap-hanapin ko na 'yan," ani ko sa binata matapos niya akong suklayan. Ang bango na ng buhok ko dahil sa conditioner na kanyang nilagay at ginamit. Tiyak na

