“WHERE do you think you’re going?” Muntik nang atakin sa puso si Ace nang marinig ang boses na iyon ni Miguel. Nakaupo ito sa hood ng kotse nito na akala mo ay may hinihintay. It was eleven o’clock in the evening when she sneakily went outside with her backpack ang her suitcase. Umakyat pa siya sa mataas na bakod para lang walang makapansin sa pag-alis niya. Only to be disappointed to see Miguel after she went down. “Anong ginagawa mo dito?” paasik na tanong niya dito kahit na panay ang tambol ng puso niya. Posible palang maka-miss ng isang tao kahit ilang oras pa lang kayong naghihiwalay. Ganoon kasi ang nararamdaman niya. O hindi kaya, nami-miss niya ito in advance dahil akala niya, hindi na niya ito muling makikita? Nang makapasok siya sa silid kanina ay hindi na si

