"Ikaw ba si Cleo Razon. Maari ka ba namin ma imbitahan sa prisinto?" "Kung dahil sa pag papaputok ng baril sa isang pang publikong lugar ang dahilan ng patawag sa akin sasama ako." ani Cleo. "Sa prisinto na po tayo mag-usap kasama ng complinant." "Ako ang abogado n'ya, sasama ako." wika naman ni Dwight saka humarap kay Sevy. "Ikaw na muna bahala kay Skyler balitaan mo kami, on the way na rin si Dennis at Railey. "Sige." sagot naman ni Sevy. Nasa sa hospital sila ngayon dahil dinala nila sa hospital si Skyler na walang malay na mukhang naturukan na pang patulog. Magising man ito saglit lang tutulog na ulit mag didilat lang ito ng mata at tatawagin ang pangalan ni Cleo kapag nahawakan na ni Skyler ang kamay ng asawa tutulog na ulit ako. Pare-pareho pa silang nagulat ng makita ang mg

