"Wag n'yo po akong ibigay sa kanya please po. Ayoko po sa kanya." hikbing paki-usap ni Yumi na yumakap na sa hita ni CLeo na hindi na mapigilan ang mapa-iyak na rin dahil sa paki-usap ng bata. Kung puwede lang talaga hindi n'ya ito ibibigay at kukupkupin na lang nila ito. Ngunit biglang dumating ang totoong ina ni Yumi after 2 weeks na nasa kanila ang bata sa paki-usap na rin nila sa mga taga DSWD. Naki-usap lang din pala si Yumi kay Cloud nung araw na itakas ito ng anak n'ya sa mga taga DSWD. Ngayon ayaw lumabas ni Cloud ng kuwarto nito dahil na laman ng anak na dumating na ang totoong ina ni Yumi at kinukuha si Yummy at ibabalik na sa Norway kung saan pala talaga ipinanganak si Yumi. Hindi raw alam ng babae na may sakit na si Anthony kung alam lang daw nito hindi na nito ibinigay ang a

