"Sabay-sabay natin ipanalangin ang mga asawa natin na mahilig tayong gawin alipin. Tugon." simula ni Skyler sa isang novena habang naka palibot sila sa isang malaking apoy sa tabi ng dagat kasama ang mga lalaking under ng kanilang mga misis na tulad ni Railey, Sebastian, Dwight, Dennis, Gabriel, Devin at s'ya. "Ang kapal ng iyong mukha palagi na lang kayong tama, pag sinuyo may mura pang kasama hindi na kayo na awa." tugon ng 6 na kaibigan. "Ano nanaman kalokohan ang pinag gagawa ng 7 na yan?" tanong ni Ara habang nakatanaw sa 7 lalaki na parang naka-upo na parang budah at nag dadasal. Hindi nila maulinigan ang sinasabi ng mga ito dahil sa lakas ng hangin at tunog ng alon ng dagat. "Epekto ng lambanog yan sinabi na kasi na wag yun ang inumin nila pinilit pa. Ayan mga high." ani Cleo.

