"Will the jury foreperson please stand? Has the jury reached a unanimous verdict?" ani ng Judge sa seryosong boses. Tahimik ang mga tao sa loob at seryosong nakatingin sa biktima at suspect. Tahimik lamang si Manggisian at Magnus. Nasa likod nila ang ama't ina nila. Nakangiti lamang na parang demonyo sa kabilang bahagi ng court room si James, Mikhaela at ibang kasamahan nito. Tumayo ang lalaking naka-tuxedo na itim at seryosong nagsalita. "Yes, your honor," ani ng foreperson. Tumayo naman ang babaeng sa pagkakaalam ng dalaga ay ang clerk at nilapitan ang foreperson t'saka kinuha ang maliit na papel. Maingat na nilapitan niya ang Judge at ibinigay ang papel sa kaniya. Napalunok ang dalaga't ramdam ang paninigas ng katawan at panlalamig. Halo-halo ang nararamdaman niya. "Don't wor

