"Girl, iyon ba ang ex mong nanakit sa'yo?" tanong ni Jeremiah sa kaniya. Kaagad na natawa ang dalaga at tumango. Nakagat ng bakla ang labi niya. "Sh*t! Ang hot at super guwapo. Muntik nang madulas ang dila ko kanina. Grabe, super guwapo niya girl. Kung makatitig sa akin kanina para bang papatayin ako. Are you sure na hindi iyon in love sa'yo? " tanong nito sa kaniya. "Aya, huwag kang magpapalinlang sa lalaking 'yon. Tsaka thank you sa pagsakay sa kagagahan ko kanina. Naiinis na kasi talaga ako sa kaniya eh. Hindi ko na alam kung paano siya patitigilin," ani niya sa kaibigan. "Okay lang girl, tsaka paparating na rin si, Blanc mamaya. Sumakto pa talaga na kasama ko si, baby Uzi," ani nito sa kaniya. Napangiti na rin siya. "Alam mo girl sa tingin ko lang ha, mahal ka nu'n," ani ni Aya.

