Ngumiti ito nang peke sa kaniya. "Oo ako nga," sagot nito. Umayos ng tayo si Khadessi at hinarap ang dalaga. Ilang saglit pa ay nagbukas na ang elevator. Pumasok silang dalawa. Ilang minuto lang din ay nasa loob na sila ng condo unit ni Khadessi. "Maganda ang condo mo," ani ni Marionette. "Thanks," sagot niya. "Magkano ang bili mo rito?" tanong pa nito ulit. "I can't tell you," sagot niya rito. "At bakit?" tanong nito. "I just can't tell you, ano pala ang kailangan mo?" kunot ang noong tanong niya rito. Umupo si Marionette sa sofa at kaharap naman niya ang dalaga. "You know, Creed and I. We've been together for quiet some time now. At hindi ako makakapayag na isang tulad mo lang ang sisira sa amin," ani ni Marionette. Nanatiling tahimik lamang si Khadessi sa gilid. "We loved

