Naglalakad ang dalaga papunta sa likod ng restaurant. Doon kasi siya dumadaan. Alas otso pa naman nang umaga kaya wala pang hugasin. Nilinisan niya muna sandali ang lababo. "Diwata?" tawag sa kaniya ni Andy. Nilingon niya ito. "Bakit?" sagot niya at nagpatuloy sa pagpupunas. "Pinatatawag ka ni, Sir," ani nito. Kaagad na napatigil siya at kinunotan ng noo. "Ako? Sigurado ka ba?" tanong niya rito. Kaagad na napatango ang binata. Naghugas ng kamay ang dalaga at nagpunas na rin. Lumabas siya ng kusina at pumunta sa opisina nito. Kumatok muna siya ng tatlong beses. "Come in," ani nito. Kaagad na parang may kung anong bumundol sa dibdib niya. Pakiramdam niya ay nangyari na ito. Napaka-pamilyar ng boses ng binata. Kaagad na pinihit niya ang pinto at pumasok sa loob. Nakatayo lamang siya

