2 years later... "Khadessi, ikaw na ang susunod," nakangiting sambit ng make up artist niyang si Blanc. Kaagad siyang tumango at confident na tumayo at rumampa sa runway. May fashion gala ngayon para sa charity event ng mga kompaniya. Isa siya sa mga runway model ng Rendi brand. Matapos ang halos mahigit isang taong pagta-trabaho bilang runway model sa ibang bansa sa tulong ng Ate Heart niya ay naging kilala na siya sa fashion industry. Nakapag-ipon at nakapagpundar ng ilang business sa Pilipinas. Ngayon ang pinakahihintay niyang event. Matapos e-model lahat ng mga damit ay huli niyang isinuot ang pinaka-mahal na koleksiyon ni Rendi Vendagard at katabi niya ito sa stage. Nakangiti lamang siya sa iba't-ibang kislapan ng camera. Matapos ay pumunta na siya sa back stage kasama ang mga co-mod

