"Let go of my hand," malamig na saad ng binata. Kaagad na natigilan si Jamaica at tiningnan ang binata. "S-sorry, nabigla lang ako. Na-miss lang kita," saad ng dalaga. Huminga nang malalim ang binata at napatingin sa labas ng pinto. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at tinawagan si Amira. Ilang beses na iyon nagri-ring subalit hindi sinasagot ng dalaga. "Gusto mo ba siya?" tanong ng dalaga rito. Natigilan si Magnus at nag-dial ulit. "Bakit hindi mo masagot ang tanong ko? Kaya ba huminto ka na sa panliligaw sa'kin? Dahil ba sa kaniya?" mahinahong tanong ni Jamaica sa kaniya. Frustrated na napaupo ang binata at nakatitig lang sa cellphone niya. Siguradong iba ang naiisip ng dalaga. "I get it now," ani ni Jamaica. "She came before you," ani ng binata. Kaagad na napakunotnoo si Jamaic

