Tahimik lamang silang dalawa sa loob ng sasakyan. Kanina pa rin si Magnus hindi umiimik. Ang lalim ng iniisip at hindi mabasa ng dalaga. "Ahm, ang galing mo pa lang maglaro," saad ng dalaga. Tiningnan lamang siya sandali ng binata at itinuon ulit ang tingin sa daan. "How did you know? You sleep the entire time," ani ni Magnus. Natigilan si Amira at nakagat ang labi niya. "Hindi, nakita kitang naglaro bago ako nakatulog," sagot ng dalaga. "You are gazing at Jerome," ani ng binata. Kaagad na napangiti ang dalaga. "Ang guwapo niya kasi," kinikilig niyang saad at hinarap ang binata. Tahimik lamang ito. Hindi na rin nagsalita ulit ang dalaga. Mukhang mapapadalas ang pag-uwi niya ng gabi dahil sa paghihintay sa binata. "He's asking for your number," ani ni Magnus sa kaniya. "Sino?" t

