Matapos nilang mag-usap ng binata ay umalis na ang dalaga. Nakita naman niya ang mga kasamahan niyang kasambahay na nakatingin lamang sa kaniya. Hindi na siya magtataka na may halong malice ang mga tingin nito. Napailing siya at pumunta sa kusina. Nilapitan naman niya agad si Manang Martha..
"Manang," tawag niya rito. Ngumiti naman ito sa kaniya.
"Oh, Esay?" ani nito at nilapitan siya.
"Kamusta naman? Okay na ba? Nakapag-usap na ba kayo ni, Senyorito? " tanong nito sa kaniya. Mahinang napatango naman ang dalaga.
"Opo," sagot niya.
"Okay ba?" tanong pa ulit nito. Napatango naman siya at ngumiti.
"Malapit na pala ang kaarawan ni, Senyorito?" tanong niya. Ngumiti naman si Manang Martha.
"Oo, paniguradong nandito na naman iyong mga naga-guwapohan niyang mga kaibigan at pinsan. Baka magka-boyfriend ka na, " nakangiting tukso sa kaniya ng matanda. Kaagad na natawa ang dalaga.
"Kayo talaga, marunong din pala kayong tuksohin ako ha," nakangiting ani niya.
"Eh si Senyorito, Esay? Ayaw mo ba sa kaniya? Magkahawig kayo ng mukha ha. Sabi ng Nanay ko noon. Kapag ang babae at lalaki magkamukha na hindi naman magkadugo posibleng magkatuloyan," nakangiting wika niya.
"Talaga?" tanong ng dalaga habang nakangisi. Hindi niya alam na may gaoon pala noon. Tumango naman agad ang matanda.
"Imposible po 'yan, Manang. T'saka hindi kami bagay ni, Senyorito," nakangiting ani niya rito.
"Walang imposible kung mismong puso na ang nagsasabi, Esay," ani ng matanda.
"Magsabi ng ano?" tanong niya.
"Na mahal niyo ang isa't-isa," sagot nito. Kaagad namang natawa ang dalaga.
"Si Manang talaga kung anu-anong sinasabi. Kain tayo mamaya, Manang. Ang tagal na rin simula noong huli tayong kumain nang sabay, " ani niya rito. Tumango naman agad ito at ngumiti na rin.
---------------------------------
Nakatayo lamang ang dalaga sa harap ng salamin. Nakasuot siya ng simpleng puting bestida na medyo hapit sa katawan niya sa itaas at hindi naman masiyadong flowy sa baba. Ngumiti siya sa harap ng salamin at sinuklay nang maayos ang buhok niya. Nang makontento sa itsura ay lumabas na siya ng bahay nila. Natigilan pa siya nang makita si Cross na nakatayo sa gilid ng kotse nito. Nilapitan naman niya ito.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ng dalaga. Alas-sais na ng gabi, ilang minuto po ay alas-siete na. Ngayon ang kaarawan ng amo nila.
"You are going to, Creed's house right?" tanong nito sa kaniya. Tumango naman siya nang mahina. Binuksan nito ang pinto ng kotse at sumenyas na pumasok siya. Kaagad na tinuro ng dalaga ang sarili niya. Tumango namn agad ang binata. Imbis na magreklamo ay sumunod na rin siya. Awkward na napatingin lamang ang dalaga sa labas ng daan.
"You look stunning," komento ng binata.
"Ngayon lang kita nakitang magsuot ng dress. I've always saw you wearing t-shirts and jogging pants," dagdag pa ni Cross. Nahiya naman agad ang dalaga sa narinig.
"Salamat," mahinang ani niya. Ilang sandali pa ay nakapag-parking na ang binata sa garahe ng mansiyon. Nasa sampung sasakyan na ang nakaparada.
"Let's go?" aya ng binata sa kaniya. Gusto niya sanang umayaw. Parang umuurong na ang sarili niya.
"Are you scared?" tanong ni Cross sa kaniya. She shaked her head and smiled a little.
"Just tell me if you feel uncomfortable, I can drive you home. Sasamahan kita," ani ng binata. Kaagad namang nangunot ang noo ng dalaga.
"I hate parties, pumunta lang ako kasi birthday ni, Creed," dugtong ni Cross. Napatango naman agad ang dalaga.
" I will be fine," ani niya at sinigurado ang binata.
"Are you sure?" tanong nito ulit. Tumango naman siya. Nagulat pa siya nang hawakan ng binata ang kamay niya papunta sa pool area. Pagpasok nila ay kaagad na tinakpan ng dalaga ang mata niya. Samu't-saring ilaw ang bumungad sa kaniya. Maraming babae at lalaki. Wala siyang nakikitang dehado sa mukha. Lahat ng bisita ng binata ay guwapo at magaganda. Humigpit ang hawak ni Cross sa kamay niya. Napatingin naman siya rito at akmang hihilahin ang kamay niya subalit lalo lamang iyong hinigpitan nang hawak ng binata. Nagtaka naman siya. Hinila siya nito papunta sa kinaroroonan ng amo niya. Nakikipagtawanan ito sa mga pinsan niya. Natigilan ito nang makita silang dalawa at nagdikit ang kilay nang makita ang magkahawak na kamay nila ni Cross. Kaagad na hinila niya ang kamay niya sa hawak ni Cross. Umupo na ito sa upuan at pinaupo na rin siya. Naiilang naman ang dalaga dahil sa dami ng nakatingin sa gawi nila. Hindi siya sanay sa atensiyon.
"I'm glad you came," ani ni Creed sa kaniya.
"Happy birthday po, Senyorito," bati niya rito. Napatango naman agad ang binata at nagpasalamat. Nakatuon lamang ang tingin ng dalaga sa pagkain sa harap niya. Nahihirapan siyang lumunok dahil halos ang mga katabi niya ay nakatingin lang sa gagawin niya.
"Bathroom lang po ako," ani niya at hindi na hinintay na makasagot ang mga binata. Nang makaalis ay napailing si Saint.
"I didn't know na may igaganda pa pala siya," ani nito, he was mesmerized with her beauty.
"Napansin mo rin pala, lagi kasi siyang naka t-shirt at jogging pants," komento pa ni Luther.
"Ang ganda ng katawan," ani ni Keith. Nanatiling tahimik naman si Creed habang nakatingin sa hawak niyang baso. Hindi niya maintindihan kung bakit biglang naiinis siya sa nakikita kanina. Cross and Khadessi holding each others hand. Ni hindi niya napansing napahigpit na ang hawak niya sa baso.
"Are you okay bro?" tanong ni Luther sa kaniya. Ininom niya ang laman ng kaniyang baso at ngumiti.
"Of course," sagot niya rito.
"What can you say about, Khadessi?" tanong ni Keith sa kaniya. Nanatiling tahimik si Cross sa gilid at hinihintay ang sagot ni Creed.
"She's different," tanging sagot niya. Ilang saglit pa ay lumakas pa ang tugtog na EDM music sa malaking pool area.
"I think we should stop the bet," ani ni Cross. Kaagad na nagtingin sila at napatango rin si Saint.
"I think so too, because honestly? I like her," ani ng binata. Napataas naman agad ang kilay ni Luther sa pinsan niya.
"What? I simply like her. She's beautiful and I don't find any reason not to like her," paliwanag pa ni Saint. Napatango naman agad si Luther. "You have a point," wika niya.
"Don't make fun of her. Khadessi is too fragile. Let's stop our bet. I don't think it's right betting someone as if we owned her," ani ni Cross na sinang-ayunan naman ni Saint.
"Why are you all backing out now? Ginagawa naman natin 'to hindi ba?" natatawang tanong ni Keith.
"She's not just any woman from the bar. She's innocent and I don't want to take that innocence away from her," malamig na ani ni Creed. Manghang napatingin naman agad ang apat sa kaniya.
"Are we hearing it right?" tanong ni Saint sa kaniya at ngumisi.
"Dumbass," ani niya rito at binato ng chips.
Natawa naman ang apat sa sinabi niya. Sumandal ang binata sa upuan at tiningnan ang mga bisita niyang nag-e-enjoy.
"Hi babe," bati ng babae sa likod niya. Kaagad na napapikit siya at pilit na hinarap ito.
"Beatrice!" bati niya rito. Ngumiti ito at hinalikan siya sa pisngi.
"Hapy Birthday!" ani nito at umupo sa gilid niya. He knows too well that she's seducing him. She's wearing a skimpy red two piece. Nagsingitian lamang ang mga pinsan niya. Alam nila kung gaano ka-obsessed si Beatrice sa kaniya. Ilang saglit pa ay bumalik na si Khadessi at umupo sa tabi ni Cross.
"Oh! At sino ka naman? Girlfriend mo, Cross?" tanong ni Beatrice. Kaagad na umiling si Khadessi.
"H-hindi, magkaibigan lang kami," sagot ni Khadessi at napatingin sa dalaga na nakalambitin kay Creed. Nakatingin din pala si Creed sa kaniya kaya nginitian niya ito nang tipid. Kaagad na kumunot ang noo ni Beatrice. Ilang sandali pa ay may dumaan na waiter at may dalang margarita. Kumuha siya ng dalawa at ibinigay kay Khadessi ang isa. Takang tiningnan naman niya ang dalaga.
"Drink that," pekeng ngiting ani Beatrice.
"Hindi kasi ako umiinom," sagot niya rito. Beatrice rolled her eyes. "Try it, isang shot lang naman," pilit nito sa kaniya.
Alanganing tinanggap iyon ng dalaga. Nakatingin lamang ang limang binata sa gagawin niya. Napalunok siya at sumimsim. Kaagad na napaubo siya. Parang sinusunog ang ngala-ngala niya sa init.
"Bottoms up," ani ni Beatrice sa kaniya.
"Don't force her," sabat ni Cross. Napatingin naman si Khadessi kay Creed. Umiiling ito. Tiningnan niya si Beatrice na nakataas ang kilay. Pikit matang ininom niya ang laman ng glass at napapikit sa sobrang sama ng lasa. Ilang minuto pa ay may kung anong nangyayari sa katawan niya at panlasa.
"How was it?" tanong ni Beatrice. Napangiti siya at nag thumbs up.
"Masarap, medyo masama lang ang lasa nu'ng una," ani niya. Ilang sandali pa ay dumaan ulit ang waiter. Cross tried to stopped her from drinking subalit hindi siya nakinig. Nakamasid lamang si Creed sa kilos niya. Medyo papikit-pikit na ang dalaga nang magpaalam siya na pupuntang CR. Nakangiting tiningnan naman agad siya ni Beatrice. Naglalakad ang dalaga nang sinadyang inilagay ni Beatrice ang paa niya sa daan kaya napatid ang dalaga at dumeritso ito sa pool. Kaagad na napatayo si Cross at Creed nang makitang nahulog ang dalaga. Nag-aalalang naglakad ang binata papunta sa pool nang hawakan ni Beatrice ang kamay niya.
"Where are you going?" tanong nito sa kaniya. Sinamaan niya ito ng tingin at tumalon t'saka kinuha ang dalaga sa pagkakahawak ng kaibigan niya. Inalalayan niya itong makatayo nang maayos. Mabilis na kinuha niya ang towel sa gilid nang makitang bumabakat ang katawan ng dalaga sa damit nito. Lalo lamang siyang nainis nang makita ang mga kalalakihang nakatitig sa dalaga. Their stares was filled with lust.
"Party's over," matigas niyang ani at iginiya na ang dalaga papasok sa loob. Medyo nahihilo na ang dalaga at hindi na niya alam ang nangyayari. Napahawak siya nang mahigpit sa binata nang kargahin siya nito.
"Creed, wait!" tawag sa kaniya ni Beatrice. Napapikit siya at asar na tiningnan niya ito.
"What?" inis niyang sagot.
"What the f*ck is happening?" tanong nito at masamang tiningnan ang dalagang karga niya.
"Sh*t happened. Go home, party's over," malamig niyang saad at tinalikuran ito. Maingat na pinahiga ng binata sa couch ng kuwarto niya ang dalaga at iniwan saglit. Kumuha siya ng t-shirt at boxers niya para makapagbihis ang dalaga. Pagbalik niya ay napamura siya sa nakita.
"Oh f**k!" ani niya. Kasalukuyang hinuhubad ng dalaga ang suot niyang dress kaya't nakabalandra ang katawan nito sa harap niya. Everything was on it's right places. Napatingin siya sa ibaba niya at lalo pang napamura.
"Bloody hell," mura niya. His member was waving. Ipinilig niya ang kaniyang ulo at nilapitan ang dalaga. Hindi siya puwedeng magpadala sa tukso.
"Khadessi," tawag niya rito. Nakasandal ang dalaga sa couch at papikit-pikit.
"Khadessi," tawag niya ulit.
"Hmm," ani ng dalaga. She stirred and opened her eyes. Napangiti siya at hinawakan ang mukha ng binata.
"Senyorito," she said in a drunk voice. Napalunok si Creed nang mapansing tila nangungusap ang mata ng dalaga. Para bang isang tawag pa nito ng pangalan niya ay mawawalan na siya ng kontrol. He doesn't want to take advantage of her. But he was not a saint. Nakangiting tiningnan siya ng dalaga.
"Get dressed," ani niya rito. Khadessi pouted and nodded her head. Ibinigay niya sa dalaga ang damit niya. Nanlaki ang mga mata niya nang hubarin ng dalaga ang undergarments niya.
"Don't do silly things, Khadessi. I don't want you to wake up having regrets," ani ng binata at napaubo nang peke. Kaagad na tumalikod siya but still a wrong move. Nakikita niya ang dalaga na nagbibihis dahil sa malaking salamin sa harap niya. Itinuon niya sa ibang direksiyon ang tingin. He was truly having a hard time. His manhood was fully awake.
"Done," ani ng dalaga at umupo sa couch. Kalkulado ang bawat kilos ng binata. He doesn't know what to do. He was getting out of control. Nilapitan niya ang dalaga at kailangan niyang dalhin ito sa ibang kuwarto.
"Can you walk?" tanong niya sa dalaga. Tanging mahinang ungol lamang ang sagot ng dalaga. Tinulungan ito ng binata na makatayo subalit napatid ang paa nito dahil sa kalasingan kaya't pareho silang dalawa na nahiga sa couch. Their lips touching each other.
Tbc
zerenette