Nang makauwi ang dalaga ay kaagad na kinuha ng mga bodyguards ng asawa niya ang mga paper bags sa likod ng kotse. Ngayon niya lang din napansin na may body guards si Creed kung aalis ng mansion. Kinakabahan si Khadessi habang nakatayo at nakaharap sa mansiyon. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Biglang napatingin siya sa gilid niya nang maramdaman ang kamay ng asawa niya. Nakahawak na ito ngayon sa kaniya. "What's wrong?" seryosong tanong nito. Kaagad na umiling siya bilang sagot. Sabay na pumasok sila sa loob. Lahat ng katulong ay nakatayo at kaagad na bumati nang makapasok sila. "Maligayang pagdating po sa inyo," bati ng mga ito. Natigilan naman ang dalaga nang makita ang mga kasamahan niya. Paniguradong kung ano na ang pinag-iisip ng mga iyon. Tiningnan siya ni Creed. "Khadess

