"You stupid girl, you really wanted to die, ha?" Asik ni Yuhan kay Anne nang magising ito.
Naiinis siya sa kanyang sarili, sapagkat hindi niya mawari kung ano ang nararamdaman niya para sa dalaga.
Kung hindi niya nailigtas ang dalaga tiyak na masasakal niya si Samantha, sapagkat kasalanan nito kung bakit hindi niya nabantayan ng maigi si Anne. Nagising na lamang siya kahapon na masakit ang ulo at ang huli niyang naalala ay dinamayan siya ni samantha na uminom, ngunit isa lang ang natitiyak niya walang nangyari sa kanila kagabi ni Samantha. Kahit ilang bote pa ng alak ang maubos niya, matatandaan pa rin niya kung ano ang nangyari.
Labis ang pag-aalala niya kahapon nang malaman niyang wala si Anne sa silid nito, kaya naman wala siyang sinayang na oras at agad hinagilap ang dalaga.
"Anong ginawa mo sakin?" Usal nito habang natatakot na sinusuri ang katawan.
Napansin niyang nanghihina ang dalaga at maputla rin ang mukha nito. Gusto niya itong lapitan, ngunit nag aalangan siya at hindi maintindihan ang sarili bakit niya nararamdaman ang ganito.
"Isn't it obvious? I changed your clothes!"
Tinignan siya nito ng masama.
"Nothing to worry, pinalitan ko lang ang basang-basa mong damit, okay? Mamatay ka sa lamig kung hindi ko ginawa iyon!"
Hindi niya talaga maunawaan ang sarili, bakit ba siya nagpapaliwanag? Dapat nga parusahan niya ang dalaga, dahil sa pag tangkang pag takas nito, ngunit bakit hindi niya magawa?
"Paano ako maniniwala sa isang manyak na katulad mo?" Usal nito na mahina ang boses.
"Don't act like a virgin; it doesn't suit you!"
Kung umasta naman, kasi ito parang hindi bayarang babae. Batid niya ang pagkatao nito, ngunit bakit ayos lang iyon sa kanya?
"I really hate you! Bakit mo ba ako iniligtas? Sana hinayaan mo nalang akong mamatay dun sa kagubatan!"
"Hindi kita iniligtas! You tried to escape for the second time; pinigilan lang kitang makatakas!"
Nag iwas ito ng tingin at agad na bumangon. Nakita niya na nahihirapan itong tumayo, kaya nilapitan niya ito para alalayan.
Nagulat siya sa taas ng temperatura ng dalaga.
"s**t, you have a fever!"
"Anong pake mo? Dapat nga matuwa ka pa, dahil may sakit ako ngayon, yon naman ang gusto mo diba ang saktan at pahirapan ako?"
"Huwag mo nang pilitin ang sarili mong makatayo, mas lalo ka lang mahihirapan!"
"I'll cook some porridge for you." Saad niya sabay alis patungo sa kusina.
"C'mon, wake up, Yuhan! Ano bang nangyayari sayo?" Usal niya sa sarili habang naghahanda ng pagkain para kay Anne.
Para siyang tanga, habang nagsasalita nang mag-isa.
Pagkaraan ng ilang minuto ay natapos na rin ang niluluto niya. Bumalik siya sa kanyang silid, kasama ang isang bowl ng lugaw at gamot para kay Anne.
"Kainin mo itong porridge and mushroom soup para makainom ka na ng gamot."
Wala siyang narinig na kahit ano mula sa dalaga. Nakatalukbong ito ng makapal na kumot na halatang giniginaw. Nilapitan niya ang dalaga at nag-aalangan na hinawi ang kumot. Nakapikit ito habang nangangatog sa ginaw.
"Your food is ready."
"Hindi ko kakainin yan!"
"Gusto mo bang mamatay sa gutom?"
"Mas gugustuhin ko pa ang mamatay sa gutom, kaysa maranasan ang kalupitan mo!"
"May sakit ka ba talaga? Bakit hindi ka mawawalan ng sasabihin?
"Bakit mo ba ito ginagawa ha? Pakakainin mo ako, tapos ano? Sasaktan uli at papahirapan din sa bandang huli?" Usal nito.
Napansin niyang nagsilandas ang mga luha sa pisngi nito na lalong nagpa kirot sa kanyang puso.
"Don't forget to drink your medicine after you finish your food." Saad niya sabay alis at nagtungo sa kanyang silid.
Hindi na niya kayang tingnan ang dalaga. Ito ang unang beses na nakaranas siya ng ganito. Yong pakiramdam na kumikirot ang kanyang puso habang nakikitang nahihirapan ang dalaga.
Sobrang naiinis siya sa kanyang sarili, sapagkat kasalanan niya kung bakit ito umiiyak ngayon. Nais niyang yakapin ito kanina, subalit na duwag siya, samantalang may kapasidad siyang gawin iyon. Biglang sumagi sa kanyang isipan ang ginawa niyang pananakit sa dalaga noong nakaraang araw.
Nahuhulog na nga ba ang loob niya kay Anne?
Hindi pwedeng mangyari yon Yuhan, nakakalimutan mo bang kabit ang babaeng yon ng ama mo. Isip niya.
"Damn Yuhan!" Bulalas niya at malakas na sinuntok ang pader.
Inihagis at pinagba basag na rin niya ang mga gamit sa kanyang silid sa sobrang inis na nararamdaman. Hindi matanggap na unti-unti na niyang kinakain ang mga sinabi noong una para sa dalaga.
Si Anne sa kabilang dako ay panay pa rin ang paghikbi. Kahit masama ang pakiramdam ay pinilit pa rin niyang bumangon. Kailangan maging malakas upang makapag-isip ng mabuti paano makakatakas. Nabigo mang muli sa pangalawang pagkakataon, buo pa rin ang loob niyang makaalis sa empyernong lugar na ito.
Sinulyapan niya ang pagkaing nakalagay sa tray, isang bowl na soup, apple, and grapes ang nakalagay don.
Tinikman niya ang porridge, habang panay pa rin ang agos ng kanyang mga luha. Naalala niya ang nangyari kahapon. Ayaw man niyang isipin, subalit iniligtas siya ng binata. Pwede naman nitong hayaan nalang siya doon sa kagubatan.
Ano ba ang nakain ng mokong na iyon at biglang bumait sa akin?
Nagtataka siya sa kakaibang pag-uugali na pinakita ni Yuhan sa kanya. Noong nakaraang araw lang ay halos patayin na siya nito tapos ngayon ay inaalagaan siya?
Kahit wala siyang gana kumain, inubos niya pa rin ang soup at lugaw na niluto nito, kailangang maging malakas ang katawan niya. Pagkatapos ay nagpunta siya sa banyo para magsipilyo.
"You can use and wear any of these."
Nagulat siya ng marinig ang boses ng binata mula sa kanyang likuran.
Lumingon siya at nasilayan ang binata na nakatayo sa harap niya.
Sinulyapan niya ang hawak nitong towel, damit pantulog at isang pares ng pambahay na tsinelas.
Tinitigan niya ang mukha nito. Sinusuri kung bakit nag-iba ang pakikitungo nito sa kanya. Naninibago talaga siya sa kinikilos ng binata.
"Here, kunin mo!" Dugtong pa nito sabay abot sa kanya.
Nag aalangan niyang tinanggap iyon. Hindi siya sanay na makita ang ganung katauhan ng binata at lalong hindi niya akalain na mag-iiba ang pakikitungo nito sa kanya ngayong araw. Gayunpaman hindi nabawasan ang galit na namuo sa puso niya.
"If there's something you need, just tell me."
Kung ganito lang sana ang ipinakita nitong pag-uugali noong unang beses silang nagkita, eh di sana hindi niya ito kinamumuhian ngayon.
"Ano ba ang plano mo sa akin? If it's all about my share sa kompanya mo, hindi ko na pag-interesan yon, hayaan mo lang akong makaalis dito."
Wala na siyang pake kung ano ang tingin nito sa kanya ngayon, isipin na nito ang gusto nitong isipin. Hindi rin naman ito naniniwalang hindi siya bayarang babae. Hindi na niya ipipilit ang sariling magpakasal dito.
Wala siyang narinig na sagot mula sa binata.
"Kung wala ka nang sasabihin, balik na ako sa kwarto." Malamig na saad niya.
Nakakailang hakbang palamang siya ng bigla nitong kabigin ang kanyang kamay na ikinagulat niya.
Tinignan niya ang kamay nito na nakahawak sa kanyang palapulsuhan. Ramdam na ramdam niya ang lamig mula sa mga daliri nito na animoy isang yelo na dumikit sa balat niya epekto marahil sa mataas niyang temperatura dulot ng lagnat.
Tinitigan siya nito. Kung hindi niya kayang makipag titigan dito noong una, ngayon ay malakas na ang loob niyang gawin yon.
Mga ilang segundo silang nagtitigan sa isa't-isa. Malungkot ang mga nito na tila ba nawalan ng mahal sa buhay at biglang namayani sa kanyang alala-ala ang unang beses itong nakita.
I wish I never loved you. Sana hindi na lang kita nakilala. Gusto niya iyon isumbat sa binata, ngunit umurong ang dila niya. Mabuti nang hindi niya bigkasin iyon, mas lalo lang siya nitong kukutyain.
Pinipigilan niyang huwag umiyak muli sa harapan nito, ngunit taksil ang kanyang mga luha at tuluyan na nga iyon nag-unahan sa pag-agos.
Ilang saglit pa ay naramdaman niya na lamang ang mainit nitong labi na nakadikit sa mga labi niya na nagpalaki sa kanyang mga mata at nagpa wala sa tamang huwisyo dahilan para maging blangko ang utak at diwa niya. Galit siya sa binata, kaya gusto niya itong itulak, ngunit traydor ang kanyang katawan.
Para siyang tuod at hindi malaman kung ano gagawin. Sa tanang buhay niya, ngayon lamang siya nakaranas ng halik, kaya wala siyang ideya kung paano tumugon.
Amoy na amoy niya ang pinaghalong mentos at tsokolate mula sa hininga nito.
Naramdaman niyang gumalaw ang mga labi ng binata at dahan-dahang ibinuka iyon at sinakop ang kanyang mga labi. Banayad at maingat ang paraan ng paghalik nito na tila ba punong-puno ng pagmamahal at pananabik. Pakiramdam niya nalulunod siya sa malalim na karagatan sa mga sandaling iyon.
Nahulog ang hawak niyang gamit dahilan para magising ang kanyang diwa, kaya naman agad niyang itinulak ang binata habang hinahabol ang kanyang paghinga.
Samantala huli na ng mapagtanto ni Yuhan na mali ang ginawa niyang paghalik sa dalaga, sapagkat isang malutong na sampal ang natamo niya mula sa palad nito.
"BASTOS!" Usal nito.
Ito ang unang beses na nakatanggap siya ng sampal mula sa isang babae. Hindi siya nainis o nagalit sa ginawa nito, bagkus natuwa pa siya. At yon ang hindi niya mawari kung bakit ganun ang kanyang naging reaksyon.
"You're indeed an actress. Don't act like it's your first kiss!"
Namula ang mukha ng dalaga na halatang nainis din sa sinabi niya.
Kung umasta naman kasi ito ay tila unang beses mahalikan.
"You're a pervert!" Singhal nito sa kanya.
"Stop calling me a pervert! Pasalamat ka pa nga at nahalikan ka ng isang gwapong katulad ko!"
"Bastos ka na nga, hambog ka pa!"
Ngayon niya lang napansin, mas lalo itong gumaganda kapag naaasar.
"So you mean I'm not handsome in your eyes?"
"Definitely yes!"
Napa halakhak siya sa naging sagot nito.
"You're just joking, right?"
"I'm serious, at lalong hindi ako nagbibiro. Manyak at hayop talaga ang tingin ko sayo!" Sambit nito na nakapagpa iba ng reaksyon ng kanyang mukha. Hindi niya matanggap ang naging sagot ng dalaga.
Gayunpaman, hindi niya inalintana ang sinabi nito. Mas lalo lang siya nabuhayan ng loob para asarin lalo ang dalaga.
Tinignan niya ang mga gamit na nahulog sa sahig.
"The floor is cold, you have to wear this always." Saad niya habang nakaluhod at ipinapasuot sa dalaga ang hawak niyang tsinelas.
"What are you doing?" Nagtataka na sambit nito.
"You still have a wound on your foot."
Napansin niyang hindi pa rin iyon tuluyang naghihilom.
Sa una ay ayaw nitong isuot ang tsinelas na hawak niya hanggang sa wala na itong nagawa at hindi na nakatanggi pa.
"Ang kulit mo rin, eh ano? Kung ito ang paraan mo para mapatawad kita sa lahat ng kahayopang ginawa mo sa akin, pwes nagkakamali ka, dahil hinding-hindi mangyayari yon!"
Aalis na sana ang dalaga ng muli niyang kabigin ang braso nito.
"I'm still talking to you, and I don't even ask you to forgive me!" Mahinahon na sambit niya.
Matalim ang tingin na ipinukol nito sa kanya.
"Ang sama mo talaga kahit kailan!" Saad nito habang nakatitig sa kamay niya.
Nanatiling nakahawak ang kanyang kamay sa braso ng dalaga hanggang sa napagdesisyonan niyang magtungo sa kusina.
"Bitawan mo ako!" Reklamo nito habang nakasunod sa kanya.
Hindi niya pinansin si Anne, bagkus dumeritso siya sa drawer kung saan nakalagay ang first-aid kit. Kinuha niya iyon habang nakahawak pa rin ang isa niyang kamay sa braso nito.
"Sit down." Utos niya sa dalaga.
Inirapan lang siya nito.
"Gagamutin ko sugat mo."
"Naka drugs ka ba?" Sambit nito na ikinagulat niya.
"Do I look like a drug user?"
"Wala ka kasi sa tamang katinuan." Mahinang sabi nito, ngunit dinig na dinig niya.
Hindi na siya nakipag argumento pa sa dalaga, maging siya man ay nagugulohan din sa kanyang mga ikinikilos.
Umupo siya at inabot ang mga paa ng dalaga.
"Ano ba! Akin na nga iyan ako na maglalagay!" Usal nito habang pilit kinukuha sa kanya ang first-aid box.
"Let me do this! May lagnat ka diba?"
"Ang kulit mo, ako na sabi eh!"
Tiningala niya ang dalaga, at sa hindi inaasahang pagkakataon, nasilayan niya ang hugis pusong nunal nito na tila ba sinadyang imarka sa dibdib nito. Maluwang ang suot nitong damit dahilan para makita niya iyon.
Ang totoo, hindi talaga siya ang nagpalit ng damit kay Anne kahapon, kundi si Samantha. Sinabi niya lang iyon sa dalaga, nang sa gayon maging komportable ito sa kanya.
Ukupado ang utak niya sa nakita, hindi dahil sa dibdib ng dalaga kundi dahil sa nunal nito na para bang nakita na niya iyon noon.
"Ibibigay mo lang pala, pinahirapan mo pa ako!"
Napukaw ang diwa niya sa narinig. Hindi niya namalayang nakuha na pala nito ang box.
Tumayo siya at sinulyapan ang dalaga. Hindi niya maunawaan ang sarili bakit gustong-gusto niyang nasisilayan ang mukha nitong hindi nakakasawang pagmasdan.
Sa maikling araw na kasama niya ang dalaga, natitiyak niyang masaya siya kapag kasama ito.