Chapter 4: Punishment

1575 Words
Warning: Not suitable for young readers. This chapter contains hate speech and situations suitable for mature readers only. Ang masayang mukha ni Dianne ay napalitan ng takot nang makita niya si Yuhan at para siyang na estatwa dahil sa titig nito. Mas lalong binalot ng takot ang buo niyang sistema ng maglakad ito patungo sa kanyang kinaroroonan. "I want you to cook food for me!" Walang ganang saad ng binata. Nakahinga siya ng maluwag, akala niya sasaktan siya muli nito. "Why are you still standing? Cook some food for us!" Dugtong pa nito. "O....Okay." Sang-ayon niya baka magbago pa isip nito. "Make it fast." Saad ni Yuhan sabay alis. Tama ba ang kanyang narinig? Para sa kanilang dalawa ang lulutiin niya? Subalit napagtanto niya na hindi pala siya marunong magluto, sapagkat meron naman silang mga katulong para gumawa ng mga gawaing bahay. "Bahala na!" Saad niya sa sarili. Nagluto siya ng hotdog, ito lang kasi ang alam niya na madaling lutuin. Inilibot niya ang paningin sa paligid. Napansin niyang walang ibang tao maliban sa kanilang dalawa ni Yuhan. Ibig sabihin, may pagkakataon siya na makatakas dito, ngunit wala siyang alam kong saang lugar ang kanyang kinaroroonan ngayon. Sa kabilang banda, abala si Yuhan na nakatitig sa kanyang computer, habang binabantayan ang bawat galaw ng babae. Tama lang ang ginawa niyang pagdukot sa babae at dalhin sa private villa niya sa Bicol. Bawat sulok ng bahay ay may nakatagong camera, sinadya niyang ipakabit iyon noong nakaraang araw, dahil dito niya talaga balak ikulong ang kalaguyo ng kanyang ama. Malinis ang plano niya at walang sino man ang nakakaalam na dito niya dinala si Anne. Napansin niyang binuksan nito ang refrigerator at kumuha ng ice cream. Lumingon-lingon pa ito sa paligid tsaka isinubo ang pagkain na hawak nito. Paborito niya ang ice cream, kaya marami siyang stock sa freezer. Hindi naman sa pagdadamot, subalit ayaw na ayaw niyang may gumagalaw sa pagkain niya lalo na sa paborito niya. Ngunit imbis na mainis ay natuwa pa siya sa ginawa ng babae. Sumasayaw-sayaw pa ito na parang bata na animoy unang beses nakatikim ng ganung klase ng pagkain. Hindi niya alam kung bakit ganun ang kanyang naging reaksyon. Mayamaya pa ay naramdaman niya na kumalam ang kanyang sikmura, kaya naman nagtungo siya agad sa kusina para kumain. Naabutan niya si Anne na kumakain pa rin ng ice cream at nagulat ito nang makita siya. "Who told you to eat the food in the fridge?" "I'm sorry." Saad nito sabay tango ng ulo. "Next time, you won't eat and consume foods from the fridge without my permission, do you understand?" Tango lang ang naging sagot nito. Tinignan niya ang pagkain na nakahain sa mesa at biglang uminit ang kanyang ulo ng makita ang anim na pirasong sunog na hotdog. Samantala, kinakabahan si Anne sa magiging reaksyon ng binata. "Bakit iyan lang ang niluto mo?" "Eh kasi..." "You can't prepare a hotdog? Are you that stupid?" Singhal nito sa kanya. "Patawad, dahil hindi ako marunong magluto." Natatakot niyang saad sa binta. "Wow, just wow! Ikaw lang ang kilala kong bayarang babae na hindi marunong magluto!" "Hindi nga ako baya….." Hindi na niya natapos ang sasabihin nang bigla nitong inihagis ang pagkain sa harapan niya. Nagkalat iyon sa sahig kasama ang nagka basag-basag na plato. "Because of your stupidity, you will not eat for days!" "I want to go home." Umiiyak niyang saad. Hindi niya alam bakit iyon ang lumabas sa kanyang bibig. Lumapit ang binata sa kanya at marahas na hinawakan ang braso niya. "Aray! Nasasaktan ako!" Daing niya habang pinipigalang huwag umagos ang kanyang mga luha. "You can't get out of here!" "Hindi ako bayarang babae! Bakit ba hindi ka naniniwala?" "I don't want to hear your f*****g lies, so you better shut your mouth up, b*tch!" "Bakit mo ba ito ginagawa sakin? "Seriously? You really didn't know what you've done?" Singhal muli nito sa kanya. "Kaya ka ba galit sakin dahil sa share ko sa kompanya niyo?" Bukod sa ayaw nitong magpakasal sa kanya, iyon lang ang naisip niya na ibang dahilan kung bakit galit ang binata sa kanya. "What did you just say? Meron kang share sa kompanya? Hindi makapaniwalang tanong nito sabay bitaw sa kanyang braso. Hindi ba nito alam ang tungkol dito? Isip niya. "Yes, and your dad signed it already." Sagot niya. Hindi makapaniwala si Yuhan sa narinig mula kay Anne. Paano nagawa ng ama niya ang bagay na ito? How did his mistress get a share of his company? "You b*tch! Paano mo nabilog ang ulo ni dad, huh? Galit na tanong ni Yuhan sabay marahas na hinawakan ang magkabilang balikat niya. "Ano ba! Bitawan mo ko!" Mas lalo lang tumindi ang galit ng binata dahil sa nalaman. Hindi na ito nakapagtimpi at kinaladkad na niya si Anne papunta sa room niya. "Aray! Nasasaktan ako!" Reklamo ng dalaga. Tuluyan nang nagsilandas ang mga luha sa kanyang pisngi, dahil sa sobrang takot na nararamdaman. "Saan mo ako dadalhin?" Tinignan niya ang kamay nito na mahigpit na nakahawak sa kanyang braso at walang alinlangan na kinagat iyon dahilan para mabitawan nito ang kamay niya. Mabilis siyang tumakbo at naghagilap kung saan pwede dumaan. Umaayon sa kanya ang pagkakataon, sapagkat hindi sarado ang pintuan palabas, kaya naman wala siyang sinayang na oras, ito na ang pagkakataon niya upang makatakas sa mga kamay ng binata. "YOU b***h! COME BACK HERE!" Mas lalo niyang binilisan ang pagtakbo nang marinig ang galit na boses ni Yuhan. Hindi niya ininda ang sakit na nararamdaman. Wala siyang suot na tsinelas, kaya nagkasugat-sugat ang mga paa niya. Ilang saglit pa ay natatanaw na niya ang gate, ngunit ganun nalang ang kanyang panlulumo nang masilayan ang maraming guards na nakabantay sa labas ng gate. "Sino ka? Tanong ng isang guard. "Please, tulungan niyo ako!" Nagmamakaawa niyang pakiusap sa gwardya. "Parang awa niyo na buksan niyo ang gate!" Nagkatinginan lang ang mga ito at hindi siya pinansin. Desperada na siyang makalabas, kaya pinag tatadyakan na niya ang gate. "Please, tulungan niyo akong makalabas; mayaman ang pamilya ko, kaya nangangako ako na ibibigay ang anumang inyong naisin; hayaan niyo lang po akong makatakas!" Nawalan na siya ng pag-asa nang marinig ang tunog ng sasakyan sa kanyang likuran. Natitiyak niyang kotse iyon ng hayop. Hindi nga siya nagkamali, nakita niya itong lumabas ng kotse at naglakad patungo sa kanyang kinaroroonan. Hindi na siya nagtangkang tumakbo ulit, sapagkat napagtanto niyang magsasayang lang siya ng pagod at wala rin naman siyang sapat na lakas para gawin iyon. "You really tried to escape!" Singhal nito sabay marahas na hinawakan ang kanyang kamay. "BITAWAN MO AKO! Sigaw niya habang pinagkakalmot ang braso nito gamit ang isa niyang kamay. Kinaladkad siya nito papasok sa loob ng kotse. "Huwag mong sagarin ang pasensiya ko kung ayaw mong masaktan lalo!" Saad nito sabay paharorot ng sasakyang pabalik ng villa. Mayamaya pa ay nasilayan niya muli ang bahay. Nagmamadali itong bumaba ng sasakyan upang kunin siya. Nagpupumiglas siya ng buhatin siya nito. "Bitawan mo ako! Hayop!" "Are you really that stupid? Sa tingin mo talaga makakaalis ka sa lugar na'to?" Hindi na niya napigilang mapahagulgol nang dalhin siya nito sa basement at walang alinlangan na inihagis sa sahig. "You'll stay here the whole night! Yan ang parusa mo!" Sambit nito sabay alis. Agad siyang tumayo at tinangkang buksan ang pintu, ngunit sarado iyon, kaya wala na siyang nagawa kundi ang umiyak. Binalot ng takot ang buo niyang pagkatao nang biglang namatay ang ilaw. Sobrang takot siya sa dilim, kaya pakiramdam niya para na siyang mababaliw. "Masama ba akong tao para maranasan ang lahat ng ito? Ngayon, ay nagsisisi na siyang minahal si Yuhan. Namamaos na ang kanyang boses, dahil sa kasisigaw at masakit na rin ang kanyang ulo at tiyan dulot ng walang laman niyang sikmura. Ilang sandali pa at naramdaman niyang unti-unti na siyang nanghihina hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng malay. Sa kabilang banda, hindi makatulog at mapakali si Yuhan, iniisip kung ano na ang nangyari sa dalaga sa mga sandaling iyon. Hindi niya maunawaan ang sarili kung bakit nakakaramdam siya ng konting awa para sa kabit ng kanyang ama. May parte sa puso niya na gustong puntahan ang babae, ngunit taliwas iyon sa kanyang isip. Napansin niya kanina na dumudugo ang mga paa nito at may sugat din ang kamay, dahil siguro sa higpit ng pagkakatali niya noong nakaraang araw. Tinignan niya ang monitor at nagtaka siya nang makita na black screen ito. Chineck niya iyon at wala namang problema. Hindi naman niya pinatay ang ilaw sa basement, kaya bakit iyon madilim? Ngunit naisip niyang baka napundi ang ilaw doon, kaya naman kumuha siya ng flashlight at agad na nagtungo sa basement. Bigla siyang kinabahan ng maabutan ang dalaga na walang malay habang nakahandusay sa malamig na sahig. Kaya naman agad niya itong binuhat at dinala sa kanyang silid. Kinuha niya ang kanyang phone, para tumawag ng doctor. "Hello Samantha, I need your help right now!" Saad niya sa kabilang linya. "Bakit? May masama bang nangyari sayo?" Nag aalalang saad ng babae sa kabilang linya. "No! there's just someone who need your help!" "Fine, send me your location!" "Bilisan mo!" "Okay, I'll be there in 15 minutes!" Si Samantha, ay kaibigan niya. Isa itong fashion designer at kilala bilang isang magaling na doctor sa Pilipinas. Sinulyapan niya ang dalaga. Hindi niya napigilang titigan ang napakaamong mukha nito na hindi nakakasawang pagmasdan at may kung anong nag-udyok sa kanya na haplosin iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD