Kabanata 5: The Moment I Saw Your Face

5000 Words
Kabanata 5: The Moment I Saw Your Face “Olivia!” Agad na pumasok si Ava sa kwarto ko with full blast energy. Hindi man lang kumatok o ano pa man. “Hey, I’ve been calling you since earlier. Late na tayo. Anong oras na? Kanina ka pa nasa harap ng mirror.” “Oh, I’m sorry!” Nataranta akong mag-ayos ulit nang bigla akong hinarap ni Ava sa kanya. “Via, look at me.” Bigla niya akong pinakalma habang hinawakan sa balikat. “Breathe in, breathe out.” Paulit-ulit niyang sabi sa akin. “I know you're worried, and I cannot stop you from worrying. But please bear in mind that I am here to help. We’re here to help you.” Napayuko na lang ako bigla, I don’t know what to say, and I don’t know how to be grateful kahit na ganito na yata ako nagiging pabigat sa lahat. “I’m sorry.” “Tell me, what’s wrong? Gusto mo ba i-postpone na lang natin ang meeting? Nasa Baguio lang naman ang team, unahin na lang muna natin ‘yong mga bagay na makapagpapakalma sa’yo.” “I don’t want to cause any burden, Ava.” “Via, hindi ba sabi ko nga I will help you? Kaya ako nandito. Isa pa, hindi ka mag-iisa.” “Sige, let’s go. Sayang naman ‘tong nagbihis pa ako at nag-ayos.” “Tell me.” Hinawakan pa rin ako sa magkabilang braso ni Ava. “Tell me, nakatulog ka ba ng maayos dito kanina?” Pagtutuloy niya. This time, I wasn’t able to talk back. Napaupo na lang ako sa kama at napaluhod na si Ava sa sahig para sa akin, para lang makita ang mukha ko. “I know you’re not okay, so we’ll wait for you downstairs, okay? Bumaba ka once you’re ready, kahit dinner na lang muna?” Ngumiti si Ava sa akin habang ipinahid niya ang panyong hawak ko sa mga mata kong lumuluha. “Thanks, Ava.” “Let’s talk about it kapag handa ka na sabihin. Okay? Hihintayin kita sa baba.” “I’ll follow.” Sa pagkakataong ito, nagawa kong tumayo sa inuupuan kong kama. Lumingon ako ulit sa salamin at inilagay ko ang panyo sa bag ko. Pagkatapos nito, nagmadali akong bumaba sa hagdan. Nagulat na lang ako sa nakita kong tumambad sa akin pagdating ko sa ibaba, sa lobby ng hotel. Si Ava at ang mga iba kong highschool friends. “Beef pares?” Inangat niya ang supot na hawak niya habang nakita kong kumakaway ang mga kaibigan ko. Hindi ko inaasahang dito ko pa makikita ang mga old highschool friends ko. “Oh, huwag ka masyado malungkot ha. Ayan na oh, si Tasha at Becky. Ito, comfort food mo.” “Ava?! Tasha! Becky!” Agad akong napayakap sa kanila matapos ipakilala sa akin ni Ava ang dalawa sa pinakamalapit kong kaibigan noong high school. “How did you contact them? I—I mean, are you guys close?” Baling ko naman kay Ava napansin kong atat nanaman umalis. “They’ll be in-charge of my wedding documentation din kasi sa December. At sila na rin ang tutulong sa’yo for your video project, surprise!” “Wow ha, Ava? Talagang marami kang pasabog tonight ah. Kinakabahan na ako sa inyo ni Sean.” “Huwag ka mag-alala, after this, labas na kami d’yan, alam mo na.” Kumindat naman sa akin si Ava. “Shocks!” “Uy, kumusta ka na?! Nakauwi ka na pala ng U.S!” Salubong naman ni Tasha. “Oo nga, tagal mong hindi nagparamdam sa amin!” Naiiyak na sambit ni Becky. “Huy, okay lang ako. Kayo naman! Kayo ba? Saan kayo nag-si-stay ngayon?” Baling ko naman sa dalawa habang hindi pa rin makapaniwala sila ang tutulong sa akin sa video project ko. “Heto, dito sa Baguio nakipagsapalaran! May sarili kaming production group.” Sabi naman ni Tasha. “Light Studios, right? Tara, upo muna tayo dito.” Pag-aaya ko naman sa dalawa kong kaibigang babae habang tumango sila nang sabay. “Girls, maiwan ko muna kayo dito sa lobby ah, may naiwan pa kasi akong beef pares sa labas, para pagsaluhan na rin natin habang nag-uusap.” Nagmamadaling paalam ni Ava. “Beef pares? Parang ang dami natin n’yan? Are you sure? Mag-ingat ka ah.” “Oo, take your time na muna kasama sila, let’s have dinner together mamaya.” Huling sabi ni Ava bago um-exit sa aming hotel. “Alam mo ba, noong sinabi sa amin ni Ava na kailangan mo ng tulong hindi na ako nag-alinlangan tulungan ka! Excited din kami makita ka eh! Finally!” Sabik na sabi ni Becky. “Ako nga rin eh, hindi pa rin ako makapaniwala. I’m so happy for the both of you. Talagang sineryoso niyo ang filming industry. Congratulations, widely known kayo!” “Thank you, Via! Akala talaga namin hindi na mag-ba-bounce back ang industry namin since the pandemic happened. Ikaw ba, nag-law ka ba?” Pag-iibang usapan ni Tasha. “Huy, Tasha.” Pananaway naman ni Becky. “Okay lang, kayo talaga. Matagal na rin naman, well, ganyan talaga. Sometimes our dreams die. But some stays alive.” “Sorry ah, akala ko talaga kasi nag-law ka. Narinig ko lang kasi sa mga old schoolmates natin eh.” Aniya Becky. “Hay, mga marites nga naman. Hayaan mo na Becky. Wala ‘yon. Actually, I should be the one sorry. Kasi alam kong nag-expect kayo, pero wala eh. Unstable ang finance at mental health. There's too much balakid. Nakaya ko nga magtrabaho agad after graduation habang iniisip na baka kaya ko rin mag-law at the same time. Kaya lang, hanggang doon lang pala ako. Hanggang sa ayon nga, ‘di ko na nagawa ang gusto kong pag-aaral pa. But the bright side, napadpad naman ako sa U.S, akalain niyo ‘yon I really wanted to pursue fine arts sa college dati, kaso kumuha ako ng ibang kurso thinking it would prepare me for law school but it led me to arts again.” “Are you happy?” Tanong naman ni Becky. “I am, but a part of me still breaks a little, pero ganoon naman talaga, ‘di ba?” “Alam mo, hindi pa naman huli ang lahat eh.” Singit ni Tasha. “May pag-asa pa naman siguro, ‘di ba?” Aniya Becky. “Siguro sa ngayon, gusto ko na lang ng peace of mind.” “I wish you happiness and healing Via, sana mahanap mo ‘yon.” Mahinahong tugon ni Becky. “Ano ba naman ‘yang edad natin, nasa 30’s pa lang tayo. It’s not too late, ako naniniwala talaga ako d’yan. Kapag gusto mo may paraan at kung para sa’yo, para sa’yo!” Singit ni Tasha. “Haynako, kayo talaga! Kayo naman dapat ‘yong topic! Ngayon nga lang tayo magkikita oh!” Iniba ko naman ang usapan. Nakita kong panay ang lingon ni Becky sa labas, hindi mapakali at mukhang may hinahanap. “Becky… okay ka lang?” Usisa ko habang pinagmamasdan siya. “Oo, okay lang. May hinihintay lang ako!” “Oo, hinihintay niya ‘yong taong umaasa pa rin siyang magugustuhan siya pabalik!” Natatawang sambit ni Tasha. “Hinihintay? Boyfriend mo ba?” Naguguluhan kong tanong. “Soon-to-be boyfriend siguro!” Pang-aaasar ni Tasha habang kiniliti si Becky sa tagiliran. “Wow! One-sided love? Naku! Mahirap ‘yan!” Singit ko naman. “Hindi naman one-sided, ayaw niya lang sabihin na gusto niya rin ako. Nagtataguan pa siguro!” Bwelta naman ni Becky. “See! Alam na alam ko talaga ang mga ganyan na timpla ng mukha.” Natatawa kong pagpupuna. “Oh, ikaw ba Via, may nagpapatibok na rin ba sa puso mo?” “A-ahh, wa-la, Tasha.” “Akala ko magkakabalikan kayo ni Jaden.” Singit ni Becky. “A-hh. Wala eh, ganoon talaga. Naghihiwalay kung walang forever. Ganyan lang kasimple.” Natatawa kong tugon. “Hmmm, pero napaka-complicated naman ng cause of break-up, ‘di ba?” “Naku, ikaw Becky ah, duda na ako, bakit alam na alam mo?” “Syempre, Olivia! Alam ko talaga ‘yan!” Sabi naman ni Becky. “Naku! Olivia, alam talaga ‘yan ni Becky kasi nasa complicated relationship din siya as of the moment.” Natatawang singit naman ni Tasha at tinignan naman ni Becky si Tasha ng masama. “But kidding aside, you guys are good friends now?” Usisa ni Tasha nang lumipat ng tingin sa akin. “We actually don’t have any communication. I haven’t seen him for years, since I graduated.” “Mmm, kaya pala. Naku, paano na lang kaya kung isang araw magtagpo kayo ulit? Oh my gosh!” Matipid na tugon ni Tasha. Oo nga noh, paano na lang kaya? “Mukhang malabo naman na mangyari ‘yon. Baka nga nasa ibang bansa na ‘yon nagtatrabaho eh. Actually, wala talaga akong balita sa kanya. Malay ko ba kung nakakulong na ‘yon ngayon o stranded somewhere.” “Wow, ikaw naman, grabe ka d’yan sismars Olivia! Tunog abogado ka pa rin talaga! Malay mo naman sadyang ‘di pa talaga kayo dapat magkita ngayon?” Napaisip naman ako bigla sa sinabi ni Tasha. “Pero alam mo, ang lungkot ng ganyan. May iba kasi nagkakabalikan pa talaga. You know, when things become more clearer, kapag nag-usap ulit, kapag naayos, kapag baka pwede pa. When one takes the leap of faith. Kapag both of you are courageous enough. Pero pag walang ni isang kikilos, wala rin mangyayari. Hay. Alam mo may nabasa akong libro na ganyan ‘yong usapan! Kaso ang lungkot naman ng ending! Hindi naman sila nagkatuluyan ng bida. Tsk, not like the fairytales na nga, pabitin pa sa dulo pero may valuable lessons.” “Really? Kwento mo nga, Tasha. Better avoid those bitin schemes ha.” Natatawa kong banta. “So, ito na nga, may magkasintahan sa kwento. Iniwan ng lalaki ‘yong babaeng mahal niya kasi ayaw niyang mas masaktan pa. And another complicated love story was made. Kasi ‘di ba? Pag mahal mo, hindi mo sasaktan. Mayroon naman, kapag mahal mo, masasaktan mo rin. Like what that guy did. His only misconception was thinking that it would end the pain, but it made both of them hurt more. He got hurt, magaling lang siya magpanggap. Eh, ‘yong babae, hindi eh, she fought for him even it will make her look desperate, pero ‘di ba ganyan naman pag mahal mo? The problem is, ayaw na ng lalaki kaya sabi ni girl, tatanggapin ko ang desisyon mo kasi mahal kita. Kitams?! Ang gulo!” Pagsasalaysay ni Tasha. “And they were too young, too reckless and it’s either they know too much about love or they know too little about love. But from that day on, they knew that they loved each other truly. It’s just that they had to end it to start something new for themselves.” Pagtutuloy ko. “Yes! Tama, and alam niyo ba ang twist dito? The girl thought the guy cheated, but he insisted no. Ilang ulit ba naman nag-crosscheck si girl? So, the girl believed it instead na paniwalaan ang instinct niya. Wala rin naman daw kasi siyang ebidensya. So, ‘yon, bakit niya naman daw paniniwalaan ang sarili niya, ‘di ba? Until, lumipas ang maraming taon, they lived separate lives. And the sad part here is that, the girl asked for the truth again, just to clear things, this time, break na sila noong she gathered the courage to ask her ex again if he cheated on her. At kahit alam na ng ex niya na may hindi totoong rumors na pinagkalat ‘yong assuming na 3rd party tungkol sa kanya, her ex still answered that same cold and ill reasons, and of course the no.” Bulalas ni Tasha. “Ang lungkot no’n noh, hindi man lang kasi alam ng babae kung anong totoo. Siniraan pa siya! Inaway daw niya si feelingerang kokak na ‘yon?! Ang assuming 3rd party pa nag-claim! Kapal naman ng mukha! Girl, if I were her baka nasapak ko na ‘yong haliparot na ‘yon na sobrang tapang naman to admit it for herself with a disguised lie, ew! Samantalang the girl, she crossed every bridge just to fight for their relationship, and for the second time around, she did cross the same bridge just to at least clear things up. Sa point na ‘yon, she still trusted her ex to give him a chance na mag-justify, but the answer of that girl’s ex made it clear na wala na talagang pag-asa na magkaayos sila. Unless the ex will reach out on the same bridge.” Dagdag ko naman. “Nice. Alam mo pala ‘to Via?! Kabisado mo ah, at ramdam ko ang inis mo! Nabasa mo rin pala ‘yong kwento. Nakakaasar talaga ‘yon, I read that book year 2021. Grabe! Nakakainis, pandemic pa naman ang set-up noong nagtanong si girl sa ex niya, so can we just imagine how must have it been hard for her?! Kahit ako siguro ‘yon, mahihirapan din siguro ako masapak ‘yong impaktang nanira ng relasyon namin noh! With all the health restrictions, I mean—HOW?!” Reaksyon ni Tasha. “Oo, nabasa ko rin ‘yan. Nakikita ko rin kasi ‘yong sarili ko sa babaeng bida eh. Para bang ino-orchestrate ng author ‘yong love story ko, ‘yong halos buong two years mahigit na magkasama kami ni Jaden, naisulat niya na parang para sa akin, ang galing.” Kanina pa kami nagkukuwentuhan ni Tasha, pero pansin pa rin ang pagiging aligaga ni Becky, hindi siya mapakali at kanina pa upo’t tayo sa kinauupuan sa sulok. Nakatutok pa rin ang atensyon niya sa labas. “Pero, maiba tayo ng usapan, Via.” “Hmm, Tasha. Ano ‘yon?” Napunta nanaman ulit ang atensyon ko sa madaldal kong kaibigan na si Tasha. “Kumusta naman ‘yang puso mo, ngayon? As-in ngayon, hindi dati ah? Move on tayo ng very slight. Sa kwento kasi na ‘yon, may nakilalang bagong lalaki ‘yong girl, baka ganoon din sa’yo? Huwag mong sabihin katulad din kayo ni Becky ng characteristics ng lalaki ah! ‘Yong kay Becky kasi, parang may hidden feelings sa isa’t isa, tapos hindi maamin. Nagtataguan ba naman! Kaloka!” “Sus, ano ka ba! Matagal na ‘yon, college pa. Hmmm, alam mo may similarity kami nitong si Becky. Kaya lang, college ko nga lang nakilala ‘yong akin. Matagal na rin kami walang communication, iniwasan ko kasi siya, umalis ako ng Pinas. Ang labo niya kasi, parang mababaliw ako kapag nakita ko pa siya ulit. He’s triggering my anxiety.” “Oh, so mayroon nga? Sakto, college rin nagkakilala ‘yong lalaki at babaeng ‘yon sa kwento! Ganyan na ganyan din ‘yon eh! ‘Yan ‘yong nasa Epilogue ng librong nabasa ko. Ganyan na ganyan! Amazing! At si Becky naman, nakilala niya sa work na.” “Sige ganito, para may twist ang chikahan natin, at bago pa sila dumating—” “Sila?” “I mean, ‘yong beef pares, Via!” Sabi naman ni Tasha. “O-okay?” Nilingon ko si Becky na mukhang nadistorbo sa sinabi ni Tasha, napansin kong nilakihan niya ang mga mata niya dito, tila ba may silent conversation na nagaganap. Ano ba ‘to?! “Ito na nga, para naman mas masaya pa ang usapan, mabuti pa ay i-describe niyo na lang siya. ‘Yong lalaking tinutukoy niyo. Magsalitan kayo, tapos sabihin niyo ‘yong pangalan ng sabay, para mas masaya! Oh, ha? Simulan natin kay Ava.” Biglang pasok naman ni Tasha habang napapa-overthink pa ako lalo. “S-sa age, siguro nasa 31 na ‘yon. Medyo matanda rin kasi siya sa akin.” “He’s very outspoken, pero hirap mabasa.” Singit naman ni Becky habang nakatingin pa rin sa labas. “Uy, ganyan din ‘yong akin! The typical good boy, smart, tapos bookworm!” “Exactly the same, Via.” Natatawang tugon ni Becky habang drawn pa rin ang attention sa labas. “Passive masyado, noh? Hindi ko alam kung cool or shy ba siya, or he’s just really that mysterious. Pero alam niyo ba, we’re so close noong college, kasi barkada namin siya ni Ava and we’re classmates for years. Pareho rin kasi namin lahat pangarap mag-law school eh. Kaya lang, Ava became a doctor, and I became a multimedia artist, siya hindi ko na alam kung anong pinagkakaabalahan ngayon.” “Hey same! Close rin kami no’n ngayon, kami ni Tasha. We work on the same department sa studio. Actually, he’s our production director now. We are working as his production assistants. Siya ‘yong hinihintay natin ngayon! Ang tagal kasi may i-mi-meet pa daw na old friend.” Aniya Becky. “W-wait? We’re still waiting for someone?” Biglang hindi ko nagawang iproseso ang sinabi ni Becky at parang nawala ako sa usapan saglit. “Ay, hindi ba nabanggit sa’yo ni Ava, Via?” Napansin ko tila agad na kinurot ni Tasha ang tagiliran ni Becky matapos ako tanungin. “Sorry. Ikaw naman kasi unang nagsabi. Ingay mo!” Napansin ko rin na bulong ni Tasha. “Kaya pala hindi pa tayo nagsisimula, Becky. Noh, Tasha?” “Yes! Sorry sa inconvenience. We can’t work without him too eh! Anyway, balik tayo sa usapan natin tungkol kay guy, okay?! Mahaba pa ang time. We have the rest of the evening!” Mabilis na sagot ni Tasha. “Ah, him.” “Oo Via, la-l-lalaki!” Kinakabahan at nauutal na sabi ni Tasha. Bakit ba walang binabanggit ‘tong si Ava sa akin, bigla akong kinakahaban. “Akala ko pa naman beef pares lang ‘yong sadya niya, literal na kapares pa pala yata ninyo ang hinihintay niya o susunduin niya.” Pabiro kong sabi. “Naku, baka pares ni Becky.” Sabi naman ni Tasha na mukhang nabuking sa isang sikretong tinatago, sinaway nanaman siya ni Becky ulit sa pamamagitan ng kurot. Wala pa rin talagang preno ang bibig niya. “Aray! A-a-ang ibig ko sabihin, pares natin! Ako kay Via, para ‘di na ako third wheel tapos ikaw kay ano!” Sabi ni Tasha nang tinititigan si Becky. “Kay ano, Tasha?” Nalilito kong tanong. “Haynako! Balik na tayo sa usapan kanina! In fairness sa inyo ha, pare-pareho pa kayo ng characteristics. Baka naman sa pangalan pareho pa, naku! Huy, feeling ko talaga magkakaunawaan tayong apat, me, yours truly Tasha, si Becky, ikaw Via at si—” Agad na change topic ni Tasha ulit. “Oh, ayan na pala!” Agad akong napalingon sa direksyon na tinuturo ni Tasha. “At si Axel, of course!” Agad na tumayo si Becky sa kanyang kinauupuan at kinaladkad si Axel, tila nagbago ang sigla ng mukha niya, mas makinang kumpara kanina. Agad niya inakay ito sa braso at ipinakilala sa amin. Natulala na lang ako bigla, magkasama sila pumasok ni Ava kaso agad na kinuha ni Becky si Axel at dinala sa harap ko ngayon. “Axel?” “Axel, I want you to meet—” “Olivia Dy.” Agad nitong pagpuputol sa sinabi ni Becky at nag-aya ng handshake sa akin. “Uh, wait. I-I’m sorry, Ava, ha? Bakit hindi mo—” Baling ko kay Ava. “Surprise! Here’s Axel! Our long-lost barkada. Finally, magkikita na kayo ulit ni Axel!” “Hi, Via.” Muling pagbati ni Axel. “T-teka, magkakilala kayo? Is he the same Axel you’re referring to?” Singit ni Becky. Nagkaroon ng saglit ng katahimikan. “Ye—” I have to escape this, oh no. I have to cut what Ava might say. “H-h-hindi, ibang A-x-xel!” Agad kong sabi habang kinaladkad si Ava papalabas ng lobby ng hotel. “Excuse me lang ha. Lalabas lang kami ni Ava.” Dali kong kinaladkad papalayo si Ava. “Ano ‘to, Ava?! Bakit hindi mo sinabi sa akin na si Axel pala ‘yong production director?” “Kumalma ka muna, I’m sorry, Via. I didn’t know you’re going to act this way.” “Well then, Ava, sa lahat ng taong pwedeng makaalam sa kung paano ako mag-ri-react, ikaw ‘yon! Doktor ka, ‘di ba?! Kaya nga ako umalis, kaya nga ako lumayo, ‘di ba? Kasi alam kong hindi ako magiging okay kapag kaharap ko siya.” “Yes, I am a doctor. I am your doctor, but I am also your friend. We are also his friends. At kung ano man ang hindi niyo naging pagkakaunawaan ni Axel dati, ayusin niyo ngayon. Ito na ‘yong chance eh! Hindi mo kailangan takbuhan lalo ang mga bagay na ‘to, you will never heal if lagi mo tinatalikuran ang lahat.” “Ava naman!” “Via, it has been 7 years simula noong pinili mo iwasan kami. Pagbigyan mo naman ang pagkakataon, ang pagkakataon na mismo ang naglalapit sa inyo. Kung natatakot ka, hindi naman kita iiwan, I am here. Paulit-ulit ko ‘yan sasabihin sa’yo. Na kaya mo, kaya mo maghilom. And yes, I understand how you feel, that’s why I am doing this for you. You have to face your fears, no matter how scary it is. That’s the only way for you to heal, Via. I care about you. Huwag naman sana kami ‘yong iwanan mo ulit, Via.” “Kaya mo ba ‘to ginagawa? If you care about me bakit mo ako pinapangunahan?! Akala mo ba madali lang para sa akin ‘to? Akala mo ba ganoon na lang ‘yong 7 years para sa akin? NO!” “I’m sorry, Olivia. Hindi naman ganoon ‘yong intensy—” “Then, what Ava? What else do you want me to make believe? Kaya ba sikreto mong tinawagan si Axel? Alam ba niya na ako ‘yong tutulungan niya? Alam ba niya ako ‘yong makakatrabaho niya? At si Becky ha? Are they aware?” “Yes, I told him beforehand. Siya ang unang tinawagan ko to ask for help. At sinama niya pati high school friends mo na kasama sa team niya. Thinking na sana kahit papaano, kahit para sa friendship niyo man lang ng mga high school friends mo, you’ll be able to work comfortably with him kasi alam niyang iniiwasan mo naman siya. He cares about you.” “Seryoso ka ba, Ava? Sabi mo you’ll update me, ‘di ba? Ha? Now, since it’s already here. Tingin mo talaga ma-pu-pull off ‘tong project ko tapos sila ang kasama? Si Axel pa? Just because he cares about me, that does not mean I’ll work with him or talk to him! Hindi pwede ‘yon!” “Via, listen to me. Hindi ba talaga pwede o ayaw mo lang? Alam mo, sarili mo lang ang may kakayahan eh, hindi naman ako ‘yong may dapat magpasya dito. Hindi kita minamadali. Walang nagpipigil o sumasakal sa’yo. But you guys have to talk. I am telling this as your friend, not as your doctor.” “Ah, okay. Is that what you want us to do? Mag-usap? Sige, tignan natin. Tara, let’s go. Bumalik tayo sa lobby.” “Teka lang, Via.” “What?” “Please, just do this for yourself.” “Please? Anong gusto mong gawin ko? Manira ng relasyon ng iba? Ava, there is something going on between Axel and Becky. At kung ano man ‘yon, ‘di ko sisirain ‘yon para lang makatanggap ng clarity from that man.” “What?! Becky? And Axel? Via, walang girlfriend si Axel. Never pa siya nagka-girlfriend. Okay?” “What? Eh, ano ‘yong sinasabi ni Becky at Tasha kanina?” “Ano ba kasing pinag-uusapan ninyo kanina ha, Via?” “We’re talking about relationships, love, and friendship.” “And then?” Pabulong na tanong ni Ava ulit. “We’ve unknowingly talked about the same man all this time dahil ‘yong tinutukoy kong Axel, ‘yon din pala ‘yong tinutukoy na Axel ni Becky kanina. Nakita mo ba kung paano dumikit si Becky kay Axel kanina? Imposibleng walang nangyayari between them!” “Hmmm, I am seeing Olivia Dy in your statements. Not Becky. Teka nga, nagseselos ka ba?” Napairap naman ako. “Excuse me, Ava!?” “See? For all we know, you met him back when we were at college and you cut off your contact with him after graduation. Tapos sila, close sila dahil sa trabaho. What do you think will happen? Malamang, it’s just friendsh—” “I don’t know, I don’t even want to bother na malaman. Kahit ano pa ‘yan.” “You have to know it for yourself, Via. Hindi ba nga, we’re here for vacation also for your video project. I am already helping you, you just have to help yourself this time.” “So, ano sige, babalik tayo doon? I’ve wasted my energy na noon Ava, you know that very well. And now, ngayon pa? Nanaman? Ulit?” “Ano pa nga ba? Mag-di-dinner tayo kasama sila. We’ll talk about our plans for the project. Okay? Hindi ba?” “So, paano ‘yan, do I have to tell Becky na si Axel nga ‘yong tinutukoy ko?” “Would it hurt if she knew the truth? Dati pa naman ‘yon eh. Unless, you still feel the same for him.” “Excuse me again, Ava?” “Halika na.” Inakay naman ako ni Ava. “Pero kasi sinabi ko na kanina na hindi siya ‘yon eh.” “Haynako, sa mga oras na ‘to, sigurado ako, pinag-uusapan na nila tayo doon sa lobby. At Via, sa tingin mo ba talaga hindi ka ikukuwento ulit ni Axel sa mga kaibigan mo na ‘yon? She’ll find out. Whether you tell Becky or not, time will tell the truth. Now, are you coming back or not?” Muling pag-aaya ni Ava sa akin na bumalik sa loob ng lobby ng hotel. “Ano pa nga bang magagawa ko, nandito na ako, hahayaan ko nanaman ba ma-postpone ‘yong ginagawa ko dahil lang sa kanya? Swerte niya naman.” “Let’s go, Via.” Bago pa ako humakbang kasama si Ava, natigil ako nang mapansin na wala na ang suot kong relo sa wrist ko. “Teka, nahulog yata yong wrist watch ko somewhere!” Nataranta naman ako tumingin sa sahig. “What? Teka, here’s my phone torch, hanapin natin, baka nand’yan lang sa gilid.” Agad na binuksan ni Ava ang phone niya. “Ava, kapag ‘yong oras tumatakbo. Hindi na natin mahahanap pa ‘yong oras na ma-mi-miss natin.” “Oo nga, Via. Literal na hinahanap nga natin ‘yong oras, ‘yong wrist watch mo.” “Haynako, what I mean is the time for dinner! Halika na nga. Nagugutom na ako. Bumalik na tayo sa loob, ako na ulit ang kakaladkad sa’yo. Ipapahanap ko na lang mamaya sa mga hotel staff, baka may makita sila.” Bago pa kami makatapak ulit sa loob ng hotel, nakarinig ako ng kaluskos. Tila may naglalakad papalapit. Hindi ko na lang pinansin at agad na pumasok sa loob ng lobby ng hotel ulit. Agad na nakita ng mga mata ko si Axel, walang nagbago sa mukha niya, kahit pa siguro patuloy na umikot ang oras at mawala pa ang orasan ko. Kasunod kong pumasok ay si Becky. “Oh, Becky. Tapos ka na?” Tanong ni Tasha. “B-becky?” “Yes, Tasha! Nag-cr lang ako sa labas, nagpalamig na rin. Medyo mainit kasi kanina dito eh.” “Kanina ka pa ba nasa labas?” Dagdag ko dahil nagulat ako na sumunod lang siya sa amin sa pagpasok muli sa loob ng lobby ng hotel. “Oo, Via. Naiwan tuloy kami ni Axel dito. Kanina pa nga ‘yan, ang taga—” Aniya Tasha. “Hindi ah! Saglit lang ako napalabas.” Pagpuputol ni Becky sa sinabi ni Tasha. Napansin ko naman na tinititigan ako mula sa malayo ni Ava. “Ah, Becky. Can we have a minute?” “Sa labas? Sure!” Masiglang sabi ni Becky sabay hinawakan ang kamay ko habang humakbang kami papalabas ng lobby sa hotel ulit. “Uh—” Bago pa ako magsalita inuhan na ako ni Becky. “Sus, alam ko na.” “The Axel that I was talking about earlier.” Napakamot ako ng ulo. “It’s alright, ibang version ng Axel naman ‘yong sa’yo eh. Past sa’yo. Sa akin present, so iba pa rin. Same nga lang ng pangalan.” Natatawang sambit ni Becky habang napansin kong tumatagilid ang mga luha sa mga mata niya. “T’saka, it’s all in the past naman na, ‘di ba, Olivia? This time, ‘yong version ko ng Axel naman ‘yong susulitin natin. Syempre, sa work! Sana maging success ang prod.” Masiglang sabi ulit ni Becky habang tila hindi mapakali. It’s all in the past. “Ah-ha-ha. Oo! It’s all in the past.” “Oo nga pala, Olivia. May nakita akong wrist watch kanina, sa’yo ba ‘to?” Ipinakita sa akin ni Becky ang relong nasa palad niya. Agad niya ito inabot sa akin bago pa man ako sumagot ng oo. “Sa susunod, mag-iingat ka ah. Buti na lang sa akin napunta at hindi sa iba. Ipaayos mo na, mukhang sira na eh. Oh ayan, sa’yo ‘yan.” Inabot niya sa akin ang relo ko at nauna na bumalik sa loob. Naiwan akong nakatulala at napaisip bigla. Ibabalik mo rin ba siya sa akin kapag hindi ko sinabing it was all in the past?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD