Alexandrea POV. Matapos kong marinig ang buong kuwento ni Papa, para akong nawalan ng lakas. Tahimik lang akong nakaupo sa tabi ng kanyang kama habang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang lahat ng kanyang sinabi. Ang galit, hinanakit at ang sama ng loob na ilang taon kong itinanim laban sa kanya. Lahat iyon ay parang bula na biglang naglaho. Dahil ngayon ko lang nalaman ang katotohanan. Hindi niya kami iniwan, walang kasalanan si Papa. Dahil sa step mom ko, gusto niyang himukin ako ni Papa upang magkaroon siya at anak niya ng access sa lahat ng pagmamay-ari ko. Ngunit hindi sinunod ni Papa kaya pinabugbog siya at ikinulong sa lihim na silid. Pinahirapan nila ang aking ama at inalisan ng kalayaan. Napapikit ako habang pilit pinipigilan ang pagtulo ng mga luha. Sa kabila ng mga

