Sebastian POV. Makalipas ang ilang araw, dumating din ang araw ng pag-uwi ng ina ni Alexandrea sa Mansion Alegre. Malaki na ang naging pagbuti ng kalagayan nito kumpara noong unang araw na maospital. Ngunit kailangan pa rin nito ng regular na therapy at tulong sa pang-araw-araw na gawain. Hindi pa rin nito maigalaw nang maayos ang kalahati ng katawan. Tahimik akong nakatayo sa tabi ng bintana ng VIP room habang pinagmamasdan sina Alexandrea at ang kanyang ina. Si Alexandrea mismo ang nag-asikaso sa lahat. Mula sa mga gamot at schedule ng therapy. Hanggang sa mga espesyalista na kailangan ng kanyang ina. Sa kabila ng lahat ng nangyari sa pagitan nila, hindi niya pa rin ito pinabayaan. At iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit mas sinisiguro ko na ligtas siya. Mabuting babae at mapag

