Alexandrea POV. "Nasaan siya?" Huminga nang malalim si Sebastian. "Buhay siya." Pakiramdam ko ay bahagyang gumaan ang dibdib ko. Ngunit panandalian lamang iyon. Dahil ang sumunod niyang sinabi ay lalong nagpayanig sa mundo ko. "Pero nasa kamay siya ng mga taong matagal nang naghahanap sa kanya." Napatulala ako. Hindi ko agad naunawaan ang ibig niyang sabihin. "Sino sila?" Tumahimik na saglit si Sebastian. Ilang segundo siyang hindi nagsalita. Para bang nagdadalawang-isip. Hanggang sa tuluyan siyang napabuntong-hininga. "Alex..." Mabigat ang kanyang boses. "Ang mga taong iyon ang dahilan kung bakit dumanas ng matinding pagpapahirap si Senyor Rolando sa loob ng maraming taon." Nanginig ang mga kamay ko. "Anong ibig mong sabihin?" Muling nagtagpo ang aming mga mata. At un

