Alexandrea POV. Paglabas ko ng opisina ay agad kong narinig ang malakas na pagbagsak ng kung ano mula sa loob. Kasunod noon ang galit na boses ni Sebastian at ang malamig na sagot ni Damian. Napapikit ako, Diyos ko... talagang hindi sila titigil. “Chairwoman?” nag-aalalang tawag ng sekretarya ko habang nakasilip sa direksyon ng opisina. Ngunit hindi pa man lang ako nakakasagot, muli na namang may malakas na kalabog akong narinig. At sa pagkakataong iyon ay tila may nabasag pa. Napabuntong-hininga ako bago ko marahang hinilot ang sentido ko. Ayoko ng gulo. Lalo na ng ganitong klaseng eksena. Dalawang lalaking wala naman relasyon sa akin… pero halos magpatayan dahil din sa akin. At ang mas nakakainis, pareho silang hindi nakikinig sa akin, matitigas ang mga ulo. “Tumawag ka ng guards.

