CH- 16

1605 Words
Alexandrea POV. Hindi ko inaasahang makikita si Sebastian sa restaurant. Sa dami ng lugar sa lungsod, bakit doon pa? At sa lahat ng pagkakataon, bakit ngayong kasama ko si Damian? Nang una ko siyang makita ay halos awtomatikong bumilis ang t***k ng puso ko. Kahit nasa kabilang bahagi siya ng restaurant, agad ko siyang nakilala. Imposible namang hindi, eh halos nakabisado ko na ang galaw niya at kabuuan. Masyado na rin pamilyar ang tindig niya. Ang paraan ng paglalakad niya. At ang presensyang kahit hindi nagsasalita ay agad kong mararamdaman. Ngunit ang mas hindi ko inaasahan… hindi niya ako nilapitan. Hindi niya ako kinausap. Hindi man lang niya ako binati. Para bang isa lamang akong estrangherong nagkataong nakita niya sa loob ng restaurant. At nakakainis na hindi ko maintindihan kung bakit ako naapektuhan. Samantalang ako mismo ang dahilan kung bakit siya nawalan ng trabaho. Ako mismo nagpaalis sa kanya. Kahit alam kong hindi patas ang naging desisyon ko. Nang mga oras na ‘yon, napabuntong-hininga ako habang tahimik na nakikinig kay Damian. May sinasabi siya tungkol sa isang charity event ngunit kalahati lamang ng mga salita niya ang pumapasok sa isip ko. Dahil ang kalahati naman ng atensyon ko ay nakatuon kay Sebastian. Hanggang sa tuluyan na itong mawala sa paningin ko. At doon ko lamang napagtanto na nakatitig pala ako sa direksyong iyon. "May problema ba?" tanong ni Damian. Agad akong bumalik sa ulirat. "Wala." mabilis kong sagot. At bahagya siyang ngumiti. Ngunit hindi ako sigurado kung naniwala siya. Dinampot ko ang baso at tahimik akong uminom ng tubig. Sa punto na ‘yon muling bumalik sa isip ko ang bagay na ilang araw nang gumugulo sa akin. Si Damian at si Mama… hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan. Kung bakit sa dami ng lalaki sa mundo… bakit siya… bakit si Damian Laurent? At bigla akong may naalala na isang eksenang matagal ko ng binabalewala. Sabi ko baka nagkataon lang. Isa medyo matagal na rin naman nangyari iyon. Sa katunayan ilang buwan na ang nakalipas. Nagmamaneho ako noon ng isa sa mga sasakyan ni Mama. Pagkatapos huminto ako ng maalala ang isang dokumento. At habang naghahanap ako sa loob ng kotse ay may nakita akong envelope. Hindi ko sana iyon papansinin. Ngunit aksidenteng nahulog ang laman nito… mga litrato at isa sa mga mukha na naroon ay si Damian. Noong mga panahong iyon ay hindi ko pa siya kilala. Kaya hindi ko na masyadong pinag-isipan. Ngunit nang araw na nasa opisina ko siya at nakaupo sa harapan ko… maliwanag na maliwanag na sa akin ang alaala. Siya ang lalaki iyon sa litrato. Sigurado ako pareho ang mukha. Kahit ang mga ngiti at mata ay iisang lalaki ang nagmamay-ari. Naptulol ang mga iniisipi ko ng kumatok ag secretary ko. Agad akong sumandal at hinintay ang pagpasok niya. “Chairwoman, narito po si Mr. Damian, meron daw kayong usapan ngayon.” “Sige, papasukin mo.” “Sige, po.” at sumara na ang pinto. Naghintay ako ng ilang segundo at muling bumukas ang pinto. Nakita kong pumasok si Mr. Damian. “Maupo ka,” wika ko bago tumayo dala ang basong may tubig nagtungo sa harapan niya. “Kausap ko ang iyong mama, at sabi niya sa akin ready na raw si Dr. Marvin, kailangan na natin magtungo doon para sa unang check up.” Napahigpit ang hawak ko sa baso. Ngayon sigurado na ako na may koneksyon siya kay Mama bago pa man ako sinabihang siya ang napiling sperm donor. At sigurado akong hindi iyon aksidente. Ngunit ayaw kong direktang tanungin si Mama. Kapag ginawa ko iyon, malamang na iiwas lamang siya sa sagot. O kaya ay sasabihin niyang wala akong dapat alalahanin. Hindi sapat na maging kampante o manahimik lang ako. Kailangan kong malaman ang totoo. Kaya kahit hindi ko gusto ang ideya... Nagpasya akong pakiharapan si Damian. Makinig sa mga sasabihin “Saan pala kayo nag-usap ni Mama?” biglang tanong ko. “Kagabi… ang ibig kong sabihin, tinawagan niya ako kagabi at sinabi ang magiging appoitment natin ngayon sa clinic ni Dr. Marvin. “May iba pa ba siyang sinabi o binilin sayo?” "May iniisip ka yata?" Napakurap ako nang magsalita si Damian. "Ganun ba ako ka obvious?" Bahagya siyang natawa. "Konti." Napangiti ako nang pilit. Pagkatapos ay nagkunwari akong casual lang ang susunod kong tanong. "Matagal mo na bang kilala ang mama ko?" Isang segundo… dalawa… tatlo at masyadong mabilis ang naging pagbabago ng ekspresyon niya para hindi ko mapansin. Ngunit mali siya, dahil nakita ko iyon hindi lang ako nagpahalata. "Hindi naman ganoon katagal." Hindi ko alam kung bakit pero hindi ako kumbinsido. "Talaga?" Tumango siya. "Nagkakilala lang kami dahil sa ilang mutual connections." Mutual connections, napakasimpleng sagot at napakagandang paraan para umiwas sa totoong detalye. Kaya pinili ko na hindi muna ako magsalita at tahimik lang akong tumango. Ngunit sa loob-loob ko ay mas lalo lamang lumakas ang hinala ko. May itinatago si Damian. At posibleng may itinatago rin si Mama sa akin noon pa. Habang iniisip ko iyon… hindi ko maiwasang maalala ang sinabi ni Sebastian noon. “Hindi basta-basta dapat ipinagkakatiwala ang pagkakaroon ng anak sa kung sino-sinong lalaki lang.” Napabuntong-hininga ako, nakakainis lang dahil kahit wala siya rito sa harapan ko ngayon… parang naririnig ko pa rin ang boses niya. At mas nakakainis doon… parang unti-unti ko nang naiintindihan kung bakit hindi siya tumigil sa pagpigil sa akin na maging sperm donor ko ang lalaking ito.. - Isang linggo na ang lumipas mula ng tanggalin ko sa trabaho si Sebastian. At sa loob ng pitong araw na iyon, isang beses ko lang siyang nakita doon pa sa restauran. Hindi ko alam kung bakit pero habang tumatagal, mas lalo akong nahihirapang magpanggap na ayos lang ako. Hindi ako makapag-focus sa trabaho. Hindi ko matapos nang maayos ang mga report. Kahit sa mga meeting ay ilang beses akong nawawala sa totoong topic. At sa tuwing mapapansin iyon ng mga empleyado ko, palagi ko na lang idinadahilan na pagod ako. Pero ang totoo, may kulang at alam ko kung sino iyon. At napabuntong-hininga ako habang nakatitig sa cellphone ko. Muli kong pinindot ang pangalan niya. Sebastian… Ilang segundo akong naghintay. Ngunit kagaya ng mga nakaraang araw, wala pa rin… unattended. Hindi ko alam kung pang-ilang tawag ko na iyon. At sa bawat pagkakataong hindi niya sinasagot, mas lalo lamang sumisikip ang dibdib ko. "Bakit hindi mo man lang sagutin?" mahina kong bulong. Muli akong napasandal sa upuan. Ngayon ko lang tuluyang naramdaman kung gaano ako nasanay sa presensya niya… Sa mga tawag niya. Sa pangungulit niya. Sa walang tigil niyang pagpapaalala na mag-ingat ako. Sa paraan ng paglalakad niya sa likod ko na para bang handa niyang saluhin ang anumang panganib na darating para sa akin. At ngayon, napakahimik… sobrang tahimik. Para bang tuluyan na siyang nawala sa buhay ko. Napapikit ako at habang ginagawa iyon ay muli kong naalala ang nangyari sa opisina. Ang galit ko, ang desisyon kong tanggalin siya. At ang paraan ng pag-alis niya nang hindi man lang ipinagtanggol ang sarili. Mali ako, ngayon alam ko na. Masyado akong nagpadala sa emosyon. Hindi ko man lang binigyan ng konsiderasyon ang dahilan kung bakit niya ginawa iyon. Oo, mali ang pakikipagsuntukan, pero kung tutuusin… ginagawa niya lang ang lahat para protektahan ako. Samantalang ako… ako pa ang unang tumalikod sa kanya. Napahawak ako sa noo ko, masakit isipin. Lalo na nang maalala ko ang gabing nakita niya kaming magkasama ni Damian. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa isip ko ang eksenang iyon. Naroon ako kasama ang lalaking ayaw niya. Ang lalaking paulit-ulit niyang pinipigilan na maging ama ng anak ko. At ano ang iisipin niya… patuloy pa rin kaming nagkikita.. patuloy pa rin kaming nag-uusap. Kahit yata ako ang nasa lugar niya… malamang iisipin ko rin na wala akong pakialam sa nararamdaman niya. Kaya pinili ko si Damian at binalewala ko ang lahat ng sinabi niya. Napakagat ako sa labi. Hindi ko alam kung bakit pero bigla kong naramdaman ang kirot sa dibdib. Hindi dahil kay Damian. Kundi dahil iyon kay Sebastian… saka ko pa lang napagtanto kung gaano siya nasaktan. At kung gaano ako naging unfair. Samantalang mas malaki pa nga ang kasalanan ni Damian kung tutuusin. Maraming bagay tungkol sa kanya ang hindi malinaw. Maraming tanong ang hindi niya masagot nang direkta. Ngunit si Sebastian? Isang pagkakamali lang…. Isang pagkakataong nawalan siya ng kontrol. At agad ko siyang pinarusahan. Napailing ako. "Bakit kasi ganoon ang ginawa mo, Alexandrea..." Ngunit wala namang sasagot. Ako rin ang may kasalanan. Tahimik kong kinuha ang cellphone at muling binuksan ang contact niya. At ilang segundo akong nakatitig doon. Pagkatapos ay dahan-dahan kong pinindot ang message box. Nag-type ako ngunit agad din huminto at binura. Nag-type ulit. At muli na namang binura. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Paano ba magsisimula pagkatapos ng lahat ng nangyari? Paano ba humihingi ng tawad sa isang taong nasaktan mo? At bakit parang mas mahirap iyon kaysa sa anumang business deal na nahawakan ko sa buong buhay ko? Napabuntong-hininga ako bago tuluyang ibinaba ang cellphone. Ngunit sa pagkakataong iyon… May isang bagay na sigurado ako. Kapag nakita ko ulit si Sebastian… hindi ko na siya hahayaan na mawala ulit. Pakikinggan ko na ang mga nais niyang sabihin. Dahil habang tumatagal na hindi ko siya nakikita... Mas lalo kong nararamdaman ang isang katotohanang matagal ko nang pilit tinatakasan. Hindi ko siya nami-miss dahil lang dati ko siyang bodyguard. Hindi rin dahil nasanay lang ako sa presensya niya… Kundi dahil sa loob ng isang linggong pagkawala niya… Unti-unti kong napagtatanto na mahalaga na siya sa akin nang higit pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD