Accidentally got pregnant by my Master..
Chapter4
#theconfession
#Eureka
Hindi ako makasagot sa tanong ni Madam Leah sa akin kung sino ba talaga ang Tatay ng pinag-bubuntis ko pakiramdam ko nalulon ko yata ang dila ko.
Abot abot ang kaba na naramdaman ko.
Kaloka anong biro ba to??
Grabe naman sino ba kasi yong sender.
Na nagpadala ng pregnancy result ko Kay Madam Leah.
Ayan tuloy nalaman niya.
Para tuloy akong nasa hotsit ngayon.
"Tell me Eure Sino?"Alam ko nagpipigil lang siyang wag magalit sa akin. O wag akong masigawan.
Napailing na lang ako.
Hindi ko talaga kayang sabihin.
Natatakot ako.
Ayokong madisaappoint ko siya ang kaisa-isang tao na nagtiwala sa akin sa kabila ng kahirapan namin sa probinsya.
Si Madam Leah hinanap niya ang pamilya ni Lolo dahil gusto niyang makabayad sa UTANG na loob niya sa lolo ko dahil minsan na nitong nailigtas ang buhay ng asawa ni Madam.
She offered wealth..
Pero tinanggihan ng lolo ko instead sinabi niya kay Madam Leah na pag-aralin na lang ang isa sa mga apo niya.
Imagine ang dami niyang apo pero isa Lang ang gusto ni lolo na pag-aralin..
Pero Sinabi ni Madam Leah kaya niyang pag aralin lahat ng mga apo ni Lolo.
Pero tumanggi si Lolo..
At Sinabi niya"Pumili ka lang ng isa Madam, isa Lang,, "
Kaya no Choice si Madam.
Ayaw abusuhin ni Lolo ang kabaitan niya.
So nakahelera kaming lahat.
At yon na nga ako ang napili ni Madam.
Ang taas ng expectation sa akin ng pamilya ko, pero anong ginawa ko? Pinahiya ko lang sila.
Shit...
Ayaw ko nang umiyak.
It's no use mapapagod lang ako.
Saka baka mapano na tong Baby sa tummy ko kung palagi na lang akong iiyak.
Nakayuko pa rin ako.
Hiyang-hiya talaga ako sa nangyari sa amin ni Master Phaton.
Ayaw kung makita ang disappointment sa mukha ni Madam.
Natatakot ako na baka magalit siya kapag nalaman niya na si Master Phaton ang ama ng dinadala ko.
Baka itakwil niya ito.
Ayaw ko nang dagdagan pa ang mga problema...
"Please talk Eure... Sabihin mo sa akin. Para mabigyan natin ng justice ang nangyari sa sayo. Look,hindi na iba ang turing ko sayo. Itinuring na kita na tunay na apo,since napakadamot ng tadhana sa akin at isa lang ang ibinigay sa akin na apo. Eureka,please,tell me. Hindi ako magagalit,sabihin mo lang sa akin. "Malumanay na wika ni Madam. Natouch ako sa sinabi niya,ramdam ko naman talagang di iba ang tingin sa akin ni Madam,kaya nga ang laki ng respeto ko sa kanya.
Pero ano daw justice???
Parang Narape Lang???
O di kaya pinatay???
Hindi ko na alam ang gagawin..
Natatakot ako.
Natatakot talaga ako.
Pero sa kabila ng takot na naramdaman ko mas nangingibaw pa rin ang hiya na naramdaman ko.
Nahihiya ako Kay Madam.
Nahihiya ako dahil sinira ko ang tiwala niya.
Ano bang gagawin ko?
Gulong-gulo na ang isip ko.
Kaloka naman magbiro itong si tadhana.
Pak na Pak isang araw lang.
Buhos na buhos ang mga revelation...
"I'm sorry po Madam..... " Tanging nasabi ko.
I'm out of words...
Ayaw ko ng magulo pa sina Madam at Phaton ng dahil sa akin. Mabubuhay naman ang baby kahit walang tatay.
Determinado akong wag sabihin kay Madam Leah,hindi na dapat palakihin pa ang mga bagay na to.
"Bakit ayaw mong magsalita Eureka? Sabihin mo sa akin kung sino ang Tatay ng bata sa sinpupunan mo.. Sabihin mo sa akin, kahit pa si Phaton pa yan... Kailangan niyang panagutan ang ginawa niya sayo"This time medyo tumaas na ang boses ni Madam Leah.
"Ho?"Parang nabingi ako ng marinig ang sinabi niya.
Panagutan????
No way!!!!!
Mas Lalong hindi pwedeng malaman ni Madam na si Master Phaton nga ang ama ng bata.
Ayaw kung magkagulo ng dahil sa akin.
Ayaw ko.
Si Master Phaton paano siya napasok sa usapan...??
May alam na ba si Madam?
O baka nanghuhula lang siya.
Sana naman wala pa siyang idea..
Grabe naman talaga ito.
Pinagpapawisan na talaga ako.
Kahit pa air-con ang buong silid..
"So Hindi mo talaga sasabihin sa akin?? "
Napalunok na lang ako.
Titiisin ko na lang.
Ayaw kung magkagulo pa sila ng dahil sa akin.
Ayaw kung makasira ng relasyon.
Ayaw kung magkasira sina Anya at Master Phaton ng dahil lang sa akin.
Ayaw ko...
I'd rather be alone in this mess.
Dahil ginusto ko tong mangyari..
" Eureka kanina pa tayo dito pero ayaw mong magsalita. Hindi ako makakapayag na lalaki ang tiyan mo na walang kikilalaning ama ang batang yan... Hindi ako makakapayag na magtitiis ka sa kalagayan mong yan tapos malaya ang may gawa niyan sayo... Kung ayaw mo talagang magsalita may isang tao pa akong pwedeng tanungin sa mga totoong nangyari. Detail by detail... "
May ibang taong may alam sa nangyari sa amin na Master Phaton???
Oh no Kinabahan talaga ako.
Ano ba kasi itong si Madam nanahimik na nga ako dito.
Ayaw ko na ngang maghabol
tapos siya pa itong gumagawa ng paraan....
Sino naman kaya yon.
Tama na Madam please.
Tigilan na natin to.
Pero alam kung hindi siya titigil. Dahil nangako siya kay Lolo bago ito namaalam sa mundo na aalagaan niya ako..
Napahinga na lang ako ng malalim.
Wala na akong magagawa kundi ang hintayin ang susunod na hakbang ni Madam Leah...
Dahil sa dami ng iniisip ko hindi ko napansin na may kumakatok na pala sa pinto.
"I think he's here!!! :" Nakangiti pang wika ni Madam. Kanina lang parang bulkan na sasabog na siya.
Nandito na siya...
Sino kaya?
Hindi na lang ako lumingon naghintay na lang ako sa kung sino man ang pumasok...
Bahala na.
Nang iangat ko ang tingin ko ganon na lang ang pamamanhid ng katawan ko.....
Napatanga na lang ako...
No.
No
No.
Kaloka talaga.
Bakit siya nandito?
Hindi siya pwedeng pumunta dito.
Hindi!
Tiningnan ko siya ng mapait.
Pero ako din ang unang nagbaba ng tingin.
Hindi ko pala kayang salubungin ang mapanuri niyang tingin sa akin..