KABANATA 2

2126 Words
ELIZA'S POV "Congratulations! Puwede ka ng magsimula sa Lunes," anang HR head na nag-interview sa akin. Napangiti ako, kaytagal kong hinintay ang pagkakataong ito. Ang mapasok ang Monteverde Group ay isang napakalaking hakbang na para sa akin. "Thank you Miss Gonzales," tugon ko nang may malawak na ngiti sa mga labi. Alam kong matatanggap ako rito, paano ba namang hindi eh bukod sa gumraduate akong Cumlaude ay top notcher din ako sa katatapos lamang board exam. Maraming kumpanya ang nag-offer ng trabaho sa akin ngunit mas pinili kong mag-apply bilang sekretarya sa Monteverde Group. Matagal na rin mula nang huli kong nakita sa telebisyon ang pamilya Monteverde, sa Amerika na yata naglalagi ang magaling kong ama na si Don Mauricio Monteverde at asawa nitong si Donya Elena Garcia Monteverde. "mabuti naman at walang sagabal sa mga plano ko." ito na lamang ang naiisip ko sa mga sandaling ito, mukhang umaayon sa akin ang pagkakataon. Tumayo ako saka kinamayan si Miss Gonzales at nagpaalam. "See you on Monday Miss Arguella," sabi pa nito bago ako tuluyang makalabas ng pinto. It's call for celebration! Magsisimula na ang aking misyon. Kinuha ko ang cellphone sa aking shoulder bag at i-dinayal ng numero ni Jelay, ang lukaret kong best friend. "Hello ateng! kumusta ang interview mo?" malakas nitong tungayaw sa kabilang linya hindi pa man ako nakakapagsalita. "Besh, magsisimula na ako sa Monday!" excited ko namang balita sa kaniya. Kaklase ko si Jelay mula pa noong high school at taga Abra rin ito kung saan ako lumaki. Sabay kaming nag-aral at nagtapos sa isang prestihiyosong University sa Maynila. At dahil may kaya ang pamilya nito ay ipinagbukas siya ng sariling negosyo, isang resto. Restaurant sa umaga bar naman sa gabi. "Naku ateng i-celebrate na iyan! malapit mo nang makilala ng personal ang dream guy mo!" pambubuwisit pa nito sa akin, wala nang ginawa kundi alaskahin ako kahit sa mga seryosong bagay. Kaya siguro hindi pa nagkaka-boyfriend dahil sa ugali nitong alaskador! Maganda naman ang kaibigan kong ito, matalino sa totoo lang ay mabilis nitong napalago iyong resto niya. Iyon nga lang, akala mo laging nasa palengke sa laki ng boses. "Jelaay! Parang awa mo na tumigil ka! papunta na ako d'yan, lalaklakin ko lahat ng mamahalin mong alak at nang malugi ka na! Masyado ka nang maraming nalalaman," ganti ko namang biro sa kaniya, kahit hindi naman talaga ako sanay uminom ng alak. "Oh, sige na! Kung hindi ko lang naman alam na isang tagay lang ang magpapagapang sa iyo pa-uwi," dagdag pa nito. Ayun at klinaro pa! "Loka-loka talaga, sige na hintayin mo ako," sabi ko saka in-off ang cellphone. Nag-taxi na lamang ako para mabilis makarating sa resto ni Jelay. Ala-una na rin kasi at gutom na rin ako. Hindi pa ako nag-agahan kanina dahil sa pagmamadali ko. Ayaw ko kasing ma-late. Todo porma at gayak pa naman ako dahil ang akala ko ay si Troy Monteverde ang mag i-interview sa akin. Pero mabuti na ring hindi para mapag-isipan ko muna kung ano ang ikikilos ko sa harap nito. Magpapaganda ba ako lagi? Ako kasi ang magiging private secretary nito, ibig sabihin ay lagi ko siyang makakasama. Mas mabilis kong mapag-aaralan ang pasikot sikot sa kumpanya at ang mga aktibidades nito kaya pabor sa akin ang posisyon ko. Ang iniisip ko ay kung paano ko pakikisamahan ang isang kaaway. Napabuntong hininga na lamang ako, siguro ay maging kaswal na la- Muntik na akong masubsob nang pabarag na nag-preno si manong driver ng taxi. Lokong driver 'to, ang ganda pa naman ng pag i-imagine ko! "Sorry po ma'am may dumaan kasi," sabi nito na tiningnan pa ako sa rear view mirror. "Nasaktan ba kayo ma'am?" tanong pa niya. "Mas masakit pa rin ang sikmura kong kanina pa kumakalam kuya, kaya please ihatid mo na ako sa pupuntahan ko," sabi ko na lamang. "Pasensya na ma'am, iniwasan ko kasi iyong babae, baka kasi masaktan na naman ako," may pa-drama pang sagot ni manong. Natawa naman ako sa banat niya. "Manong, kung papansinin n'yo lahat ng dadaan sa buhay n'yo ay talagang masasaktan kayo lagi," ganting biro ko pa. Masarap kausap si manong, marunong mang-entertain ng gutom na pasahero. Kahit paano ay naaliw naman ako sa biyahe kahit na medyo ma-traffic, rush hour na kasi. Ilang sandali pa ay huminto ang sinasakyan kong Taxi sa harap mismo ng resto ni Jelay. Nagbayad ako kay manong driver saka bumaba, hindi ko na kinuha ang sukli, bonus na iyon sa magandang serbisyo niya kahit muntik nang maka bangga! Mabilis kong hinagilap si Jelai nang makapasok ako sa gusali kung saan naroon ang kaniyang resto. Nakita ko naman agad siya sa counter, kahera naman ang papel nito ngayon. Noong nakaraan ay waitress ito. Matipid kasi talaga ang kaibigan kong ito kaya siguro mabilis umasenso. Kung kaya lang rin naman niya ay hindi na siya kukuha ng ibang gagawa para bawas pa raw sa babayaran. Oo nga naman, kung magsisipag ka lamang ay makakatipid ka. "Jel!" sabi ko saka ako kumaway sa kaniya. Naupo muna ako sa bakanteng silya habang hinihintay si Jelay, marami pa rin kasing kostumer nang mga oras na iyon. Hindi naman nagtagal ay lumapit na siya sa akin at sinimulan na naman akong pagsabihan. "Ateng Congrats! Pero alam mo mag-iingat ka d'yan, delikado ang gagawin mo," bungad agad niya sa akin. "Ano ka ba naman, siyempre nag-iingat ako. Huwag kang mag-alala at matanda pa sa'yo `tong plano ko," sabi ko namang nakatawa lang pero ang totoo kinakabahan din ako. "Oh, ano ang gusto mong kainin, baka gutom lang yan. Kinakabahan ako sa'yo besh!" sabi ni Jelay sabay abot sa akin ng menu. "Ex adobo in heaven, Ex adobo in hell," malakas kong basa sa menu. Nagtataka akong tumingin sa kaniya. Maluwag ang ngiti niya. Ngayon ko lang kasi napagtuunan ng pansin ang menu. Ilang beses pa lamang din akong pumunta rito dahil busy rin ako sa buhay. Busy sa pag i-stalk sa mga Monteverde, lalo na kay Troy Monteverde. "Paki paliwanag Miss manager," mataray kong tanong na animo isa akong kostumer. "Anong kalokokan ito?" dagdag ko pa. Humagalpak siya ng tawa at tulad ng dati ay agaw atensyon na naman ang kaniyang boses. Nagtinginan pa sa amin ang ilang kumakain. "Besh, ang katumbas ng Ex ay pork. Sweetheart naman ang chicken," paliwanag niya. "Mayroon din kaming Sweetheart inasal with heavenly sauce and hellish sauce," sabi pa niya. Hindi ko maintindihan kung broken hearted ba itong kaibigan ko o sadyang malala lang ang tama sa ulo, "bakit ambibiter ng mga pagkain besh, broken ka ba noong ginawa mo itong menu?" tanong ko pa. "Ateng, uso ang hiwalayan ngayon kaya bilang comfort sa mga broken ay puwede nilang orderin ang mga ex nila," mahabang paliwanag ni Jelay. Hindi ko alam kung paano pumatok ang ganitong kalokohan niya pero natutuwa ang karamihan habang umo-order. "Sige na, kung ano ang best seller mo ay titikman ko pero ilista mo muna at wala pa akong suweldo," sabi ko pero alam ko namang sagot na naman niya ang tanghalian ko at pipilitin pa akong mag-uwi ng kung ano-ano. Ito ang kagandahan ng may kaibigang yayamanin at talagang umaapaw ang biyaya. "F*ck it Alegra! Kilala mo ako, once na itinapon ko ay hindi ko na binabalikan pa!" malakas na dagundong ng boses sa mismong likuran namin. Napahinto kami sa pag-uusap ni Jelay at sabay na napalingon sa pinanggalingan ng boses. Halos magmakaawa ang babae sa lalaking nakatalikod sa amin. Maganda ang babae pero may pagka maldita ang aura at mukhang may sinasabi sa buhay base sa mapang-husga naming mga mata ni Jelay. Siniko ko si Jelay, tumabi siya sa akin at bumulong. "Ayan! ayan ang sinasabi ko, magbe-break na yan tapos mamimis ni babae si lalaki at babalik balikan ang paborito nilang pagkain dito sa restaurant hanggang sa tumaba at tumandang dalaga na lang si babae, mukhang bruha eh," mahabang litanya ni Jelay. "Tumahimik ka baka marinig iyang mala bakulaw na boses mo," sabi ko na lang habang napapa-iling. Marami talagang alam itong kaibigan ko. Umalis siya sandali para nagmando sa kaniyang mga tauhan. Medyo istrikto kasi siya pagdating sa trabaho. Mamaya pa ay dumating na ang sandamakmak na pagkain sa aming mesa. Sinabayan akong kumain ni Jelay, ipina-balot rin niya ang sangkaterbang hindi namin naubos, halos hindi pa nga nagalaw dahil nalipasan na yata ako ng gutom. Tumayo ako para pumunta ng restroom, abala ako sa paghahanap ng tisyu sa aking shoulder bag habang mabagal na naglalakad sa pasilyo nang biglang bumangga ako sa isang malapad na balikat. Muntik na akong mawalan ng balanse mabuti na lamang at nahawakan ako sa beywang ng nakabanggaan ko. "Watch out lady!" paangil na sabi nito sa akin. Kumunot ang noo ko nang marinig ang mataas na boses nito, after all hindi naman siya babangga sa akin kung naka tingin din siya sa dinadaanan niya. Nagtaas ako ng tingin at akmang magsasalita na ako para kontrahin siya nang magtama ang aming mga mata. 'Oh em ji! ang guwapo niya. Medyo mahaba ang balbas at bigote nito at hapis ang mukha pero bakas ang ka guwapuhan nito. Hindi ito dugyot tingnan kahit mukhang hindi ito naligo nang ilang araw. Magulo rin ang buhok nito. Padarag niya akong binitiwan hindi pa man ako nakapagsalita. Para akong tanga habang inaayos ang nagusot kong damit sa higpit ng hawak niya. Nakatalikod na ito at tila may kausap sa telepono kaya hindi niya napansin ang beauty ko. Parang pamilyar siya, hindi ko lang matandaan kung saan ko nakita. Napabuntong hininga na lang ako saka mabilis na tinungo ang restroom. Hay, bihira ako magka gusto sa mga pisikal na katangian ng isang lalaki, kaya suwerte sana ng lalaking iyon kung nice lang eh di isasama ko na sana siya sa mangilan ngilan kong crush hmp! Mabilis na lumipas ang oras, nagkuwentuhan lamang kami ni Jelay at eto gabi na naman. Nag-taxi na naman ako pauwi sa inuupahan kong apartment. Kahit na malayo pa ang Lunes ay kailangan ko nang mag-beauty rest para fresh kong haharapin ang lalaking kinamumuhian ko sa buong buhay ko. Si Troy Monteverde! TROY'S POV Alegra is asking me to have lunch with her, akala niya hindi ko pa alam ang mga pinag gagawa niya habang wala ako! She's been my girlfriend for almost 1 year, noong una ay akala ko sinisiraan lang siya ng mga kaibigan niya sa akin dahil hindi lingid sa akin na may gusto sa akin ang mga ito. Mga babae nga naman, napapa-iling na lamang ako habang tinitingnan si Alegra na naghihintay sa restaurant kung saan namin napagkasunduang magkita. Tumayo siya nang makita ako at agad akong sinalubong ng mainit na halik sa mga labi ngunit hindi ko iyon tinugon thinking that she's been with another man when I'm not around ay nandidiri na ako. "Honey kailan ka pa dumating?" malambing na tanong sa akin ni Alegra. Pumunta lamang naman ako rito para pormal at personal na tapusin ang namamagitan sa amin ni Alegra. Biglang nag-ring ang telepono sa bulsa ko. Si Mama iyon, naglalambing dahil hindi ko na raw tinatawagan. "Ma, I'll call you back may aayusin lang ako," sabi ko saka ini-off ang cellphone. Bumaling ako kay Alegra na naghihintay pa rin sa akin. Naka order na ito at kasalukuyang inaayos ng waiter ang pagkain sa mesa. Magsasalita na sana ako nang namataan ko sa salaming dingding ng restaurant ang isang babae na tila batang kumakaway pa sa driver ng taxing sinakyan nito. Pumasok ito sa restaurant na kinaroroonan namin. Kumaway sa kung sinong kakilala sa counter ng restaurant. "Honey, kumain na tayo," tawag pansin ni Alegra sa akin at medyo isiniksik pa ang katawan sa akin. Bahagya akong lumayo. Naiinis na ako ngayon dito, dati ay paghanga at mahuhulog na nga yata sa pagmamahal pero heto at sinira naman ang tiwala ko, kaya tulad ng mga nauna kong relasyon ay mauuwi na naman sa wala. "Alegra, we're done," seryoso at malumanay kong pahayag sa kaniya. Tiningnan niya ako, "seriously? Pagkatapos mong mawala ng ilang buwan ay iyan ang ipapasalubong mo sa akin?" may halong galit at pagtatampo ang boses nito. "You heard me right, siguro naman ay alam mo ang dahilan," and I show her naked photo with unkown guy, at wala na akong paki-alam kung sino man iyon. Once I loss my trust ay hindi na iyon maibabalik pa. "Please, magpapaliwanag ako," halos lumuhod si Alegra sa harapan ko pero wala ng second chance pa sa akin. Once a cheater will always be a cheater! "F*ck it Alegra! Kilala mo ako, once na itinapon ko ay hindi ko na binabalikan pa!" sabi kong tumayo na. Naghihintay na si Mama sa tawag ko kaya nagpunta na lamang ako sa restroom. Wala namang tao sa mahabang pasilyo kaya dito na lamang ako pumwesto para tawagan si Mama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD