Masasabi mo nga naman talagang gwapo ang mukha: may matangos na ilong, perpekto ang hugis ng baba, litaw ang cheekbones, makapal na mga kilay, mahaba ang pilikmata, brown eyes, makapal na labi, itim na buhok, may isang kaakit akit na dimple sa pisngi kapag ngumingiti na talaga mamang nakakabighani. Siya ang pinakamatangkad na lalaki sa hanay. Ang bawat lalaki ay nakasuot ng isang pormal na suit, ngunit parang perfectly designed sa katawan niya ang suot niya. Pertfectly fitted kumbaga.
Nabigla siya noong napatingin din ito sakanya. Ngumiti kitang kita ang mapuputi at maganda nitong mga ipin. Nagpapakita ba ito ng interes sakanya? Maari bang naakit din ito? Natuwa ba siya na siya ay kanyang kapareha para sa kasal? Ang sigurado lang siya ay hindi mapalagay ang kaniyang isip habang naabot niya ang dulo ng pasilyo at lumiko upang pumunta sa tabi ng mga abay.
Tiyak napakaganda ng suot niyang dress sa araw na iyon. Karaniwan ay wala naman talaga siyang pake sa kung ano ang ayos niya at kung ano ang maganda sakanya. Ngunit, iba ngayon dahil mahalaga ang araw na ito para sa bestfriend niyang si Rochel dahil kasal niya ito.
Naghire ng professional na makeup artists para pagandahin silang lahat, at halos hindi makilala ni Liezel ang kaniyang sarili pagkatapos nito. Ang light pink na eyeshadow sakanya ay bumagay sa singkit niyang mga mata. Ang light peach na blushon ang dahilan kung bakit nabawasan ang pagiging bilog ng kanyang mga pisngi at binigyan ng kulay sa kanyang balat. Ang kanyang bibig ay kabighabighani, mapula at tila ba tinatawag ka para paulit ulit na halikan ang mga ito. Ang kaniyang matangos na ilong ay nabigyang pansin din. Sa tuktok nito, ang kanyang mahabang buhok, na karaniwang tuwid, ay na-curl sa isang classy way.
Talagang naramdaman niyang siya ay maganda ng araw na iyon - isang kakaiba at kaaya-aya na karanasan, na nagbigay sa kanya ng ilang pagiisip na at naunawaan niya na kung bakit nahuhumaling ang kanyang ina sa pangangailangan maging maganda. At ang hindi niya inaasahang magkakaroon ng interes sa kamangha-manghang guwapo na si Ericson Angeles. Kahit na alam niyang malabong mangyare ay binalaan niya na ang kaniyang sarili na hwag magkakaroon ng kahit anong nararamdaman para sa lalaking ito. Dahil alam niyang walang magandang maidudulot ang tulad nito sakanya.
Sa totoo lang wala naman talaga siyang koneksyon dito kung hindi bilang magkapartner sa kasal dahil siya ay isang bridesmaid at ito naman ay isang groomsman. Hindi ito isang bagay na pinili para kay Ericson. Sa kanyang itsura at sa yaman, malamang ay sanay na ito sa magagandang kababaihan na nagkukumahog para sa kanyang pansin. Marahil alam ni rochel na walang magandang gagawin ang kaniyang kapatid at alam niyang matitiis ni liezel ang ugali nito at minsan lang naman. At hindi niya dapat kalimutan na tinawag siya ni Rochel na isang mapagmataas na playboy.
Nagpasya si Liezel na huwag mag-alala tungkol sa anuman. Siya ang makakasama niya at makakapareha hanggang matapos ang araw, Might as well give her best shot. Pagkatapos ng lahat, wala namang mawawala sakanya. Pagkatapos nito, ang araw na ito ay magsisilbi na lang isang ala ala para sakanya.
Nagsimula ang seremonya ng kasal at pinilit niya ang kanyang isip na bigyang pansin ito. Karapat-dapat na ibigay kay rochel ang kanyang buong suporta — ang una sa kanyang mga kaibigan na magpakasal. Baka susunod ako na ang susunod, naisip niya, Pumasok naman sa kaniyang isip ang kaniyang kapare na si ericson. “To have and to hold from this day forth…” ngunit iyon ay tiyak niyang hindi mangyayare. Hindi pa niya kilala ang lalaki.
Si Rochel at Kent ay sa wakas ay idineklara na ganap nang magasawa. Ang sertipiko ng kasal ay nilagdaan. Sinimulan ng paglakad papunta sa labas ng simbahan, lahat ng dumalo ay sumunod nadin sa mga ito. Sa wakas ay dumating si Liezel sa harapan ni Ericson, para bang yelo na unti unting natutunaw. Ganyan ang kanyang nararamdaman habang nakatingin sa mga mata nito. Mula sa katawan paitas sa gwapong mukha ng binata.
“Ah, Hello! Ako nga pala si Liezel Santos.”
Nagbigay ito ng isang nakakaakit na ngiti “Alam ko,” sinabi niya sa isang malalim na boses. “Sinabihan ako ni Rochel tungkol sayo.”
“Uh-oh!” Inikot niya ang kanyang mga mata, ang kanyang puso ay lumulubog sa marami at iba-ibang paglalarawan na maaaring ginamit ni Rochel sa kanya para sa kanyang kapatid — sana hindi ang babaeng katumbas ng mapagmataas na playboy. “Anong mga salita ang ginamit niya?”
Mukha siyang nilibang sa kanyang maingat na tono. “Binalaan ako na ikaw ay isang mahalagang kaibigan at ako ay dapat na maging mabait.”
“Well ... maganda iyon.” Napangiti siya.
“Maybe, I should watch my words. Lalo na sa inyong magkakaibigan ikaw daw ang pinakamatalino”
Nagulat ito, at ang kanyang tingin ay dumulas sa kanyang kumikinang na labi. “Smart and funny, I see” sagot niya dito na may halong panunukso “I’m looking forward to getting acquainted with it.”
Mabilis na huminga si Liezel at lumingon siya nang diretso habang inaayos at kinakalma ang sarili. Tila ba ang presensya ni Ericson Angeles ang nagpakawala nang matagal ng gustong lumabas sa sistema niya. Ang nasa isip niya lang ay kung gaano niya nais na makilala ito at kung bakit siya tinatawag ng mga labi nito na para bang gustong halikan ito.
“Ericson Angeles, Hmm”
Madaming naglalaro sa isip niya ng mga oras na iyon.
“Hmm, yung mother ko kasi nagpangalan sa akin, So i don’t know. Alam ko nakuha niya sa paborito niyang artista before. Hindi ko lang maalala kung sino pero local artist nung kapanahunan niya. Kagaya na lang ng pangalan ni Rochel na hango sa pangalan ng isa sa sikat na sexbomb dancer before right?” Napangisi ito dahil sa mga ala alang bumalik “Ano kayang naiisip nila habang nagbibigay ng pangalan sa anak nila?”
Bigla siyang napaisip, ano kayang iniisip ng mga magulang niya kung bakit liezel ang ipinangalan sakanya? “Ikaw, Ano naman ang ipapangalan mo sa mga anak mo?” Tanong niya dito “Kung mayroon na” mabilis niyang idinagdag, hindi niya nais isipin ng binata na gusto niyang maging ina ng mga ito.
“Kyle, Kevin, Justine” Sagot naman nito.
Nagtaka ito at nagtanong pabalik. “Walang mga pangalan ng mga batang babae doon. Wala ka bang balak maganak ng babae?”