CHAPTER 65 THE MAFIA LADY BOSS JOEMAR ANCHETA Ngunit paano ba niya sasabihing may mas malalim pang dahilan kung bakit niya ito sinusubaybayan. Yung pagligtas niya kay Leigh aksidente lang. Yung mas inuna niyang imbestigahan at samahan siya kaya namatay si Avi, para sa kanya kapabayaan. Ngunit hindi niya sasabihin iyon. “Naguguluhan kasi ako.” Muling humitit at nagbuga ng usok ng sigarilyo si Leigh. Nakatingin ng diretso kay Liam. “Saan ka naguguluhan?” “Sa nararamdaman ko.” “Nararamdaman mo sa?” “Sa’yo?” “Sa akin?” napalunok siya. “Pinagti-tripan mo ba ako?” “Bakit mo naman naisip na pinagtitripan lang kita?” “Kasi, di ba trabaho mo ‘yan?” Paano ba niya babawiin ang kasinungalingang iyon. “Nagpapabayad ba ako sa’yo?” “Hindi,” napainom si Liam ng beer. Paano ba niya babag

