CHAPTER 67 THE MAFIA LADY BOSS Joemar Ancheta “Ano naman ang pagkakaiba sa pagsasabi ng diretsuhan sa ginagawa kong pagpaparamdam lang.” “Malaki.” “Paanong naging malaki?” “Malaki kasi kung diretsuhin mong sabihing mahal mo ako, sasabihin ko din ng diretso kung ano ang nararamdaman ko sa’yo.” “Hindi ko ba sinasabi sa’yo na mahal kita? Na gusto kita?” Kumunot ang noo ni Leigh. “Hindi pa… yata.” “Mahal kita. Gusto kita.” Seryoso niyang sinabi iyon. “Mahal din kita at mula noon, nauna pa akong nagkagusto sa’yo, ngayon may probleama pa ba?” Lumaki ang mga mata ni Leigh. Hindi siya makapaniwala. “Mahal mo ako?” sinusukat ni Leigh kung nagsasabi ng totoo si Liam. Natawa si Liam. Hindi niya kasi mapigilan dahil sa tingin ni Leigh na parang seryosong nanunukat. “Gago ka pala e

