Chapter 2: Ang Thalon at si Rahul

2078 Words
Pagkatapos ang tatlong subjects pananghalian na at kailangan naming pumunta kina Mr Robert, mabuti na lamang at susunduin ako ng parents ko. And aming landlord na si Mr Robert ay isa sa pinakaprominenteng tao sa bayan ng Vale, pag-aari nya ang pikana malaking lumber shop at pamilihan sa lugar na ito. Kilala rin ang kanyang pamilya sa mga kalapit-bayan. Sana hindi kami magtagal meron pa akong klase sa hapon. Meron pa akong isang subject bago magtanghalian, kailangan ko lang ilagay ang mga librong ito sa locker ko para naman mabawasan ang bigat na dala-dala ko, sandal lang ito. Habang naglalakad sa hanay ng mga lockers nahanap ko rin ang locker ko, ah, there it is. “Hey, Halea right?” sabi ng girl na may brown at maiksing buhok habang binubuksan ko ang lock combnation ng locker ko. Nginitian ko sya. “Yes, tama ka! At ikaw naman ay si?” “Hi, I’m Adrienne, nice to meet you!” sabi nya habang isinasara ko at inilalock ang locker matapos kong mailagay ang mga libro. “Pwede kang maupo katabi namin, may bakanteng silya sa tabi ko para sa subject na ito,” “That’s great, at least may kilala na ako,” sabi ko habang nakangiti papunta sa kanugnog na sild. Naupo ako katabi ni Adrienne mga dalawang hanay malayo kay Caleb. That’s a relief, kanina nya pa ako tinititigan na para bang isa akong aparisyono o kung ano pa man. Marami pa akong nakilalang ibang klassmeyt, ipinakilala ako ni Adrienne sa iba pang girls sa aming hilera. Umandar ang klase ng 45 minutes, si Mr Donner, ang Physics teacher ay hinamon kami sa mga problem solving equations na kanyang itinituro. Gumagamit sya ng mga halimbawang nakakatawa upang madali naming maintindian ang subject. “Hey Halea,”bulong ni Adrienne, “Saan ka manananghalian?” “Susunduin ako parents ko, pero babalik din ako mamayang hapon,” “Ganun ba, sige magkita na lang tayo mamaya,” “Sige,” “Bukas, ipapasyal ka namin sa aming hang-out kung hindi ka busy,” “Sure, masaya yun, I’ll see you later,” sabi kong nakangiti habang papalabas ng campus upang hintayin ang parents ko na dumating din makalipas ang ilang minuto. Si Elmo ang nagmamaneho, habang si Daddy ay nasa passenger seat. Ako at si Mommy naman ang nasa likod. Hindi kalayuan ang bahay ni Mr Robert, makalipas ang ilang liko pinasok namin ang isang malaking bakuran na may modernong villa. Ang laki ng bahay nila at makikita mo ang ilang kasambahay, pumasok kami at binati ang kanyang maybahay at anak.   “Pasok kayo Doktor, ako nga pala si Jenny at ito naman ang aking anak na si Veronica. Si Robert ay papunta na maya-maya nandito na sya,” sabi ni Mrs Stark "Kumusta, ito pala ang aking maybahay na si Elena at ang aking anak na si Halea,"pakilala ni Daddy Nakipagkamay kami sa kanila. Pumasok kami at naghintay sa may sala, naghanda ang kanilang kasambahay ng tsaa habang hinihintay si Mr Robert. Niyaya ako ni Veronica sa may hardin at sumunod naman ako para hindi ako mainip sa usaping pangmatanda. Maganda si Veronica, kuha nya ang mata ng kanyang ina na pinatingkad naman ng kanyang manipis na kilay at mahabang buhok. Napaka-elegante nyang kumilos at naka-uniporme rin sya kagaya ng mga girls sa school so ibig sabihin parehas ang school naming. “So which class are you in? Narinig ko galling sa school?” tanong nya habang papalakad papuntang hardin. “Nasa klase ako ni Ms Simien,” “So nasa Grade 9 ka, Ako I’m in grade 11,”sabi nya habang papaupo sa swing sa ilalim ng puno ng Duhat. “Halikang umupo sa tabi ko, Lea right?” Umupo ako sa kanyang tabi at inilagay ko ang aking kamay sa gilid ng aking hips habang nakadiin sa upuan.”That’s Halea,”pagtatama ko sa aking pangalan. “Halea, what a unique name,”sabi nya, “Ano ang tingin mo sa Vale sa ngayon?” “Salamat,”sabi kong nakangiti, “hindi pa ako masyadong nakalabas at gala, sa ngayon bahay at school pa lang so wala pa akong masabing particular. Maliban sa maganda at malawak na kalangitan sa gabi Nakita mo ang lahat kumpara sa dati naming tirahan. Idinuyan ng marahan ni Veronica ang swing at isinandal ang kanyang likod. Nanatili kami ng ganuon habang nakatigin sa langit at sa mga duhat sa puno. Narinig naming ang pagdating ng sasakyan ni Mr Robert. “Ah sa wakas dumating na rin si Daddy,” “Should we go in?” tanong ko habang nakatayo at nakatingin sa langit tintakpan ko ang aking mga mata habang nakatitig sa mga ulap. “Hintayin nating tawagin nila tayo, alam mo naman ang matatanda mag-usap ang tagal bago pa tuluyang mananghalian,” “Nakain ka ba ng ganitong prutas?” habang turo-turo nya ang duhat “Oo, may ganitong puno ang Lola ko sa kanyang bakuran,” “Mabuti naman, itong puno na ito ay seedless at matamis ang bunga,” “Ehem,” tunog galling sa may pinto. Tumayo so Veronica and tumakbo patungo sa lalaki na papalapit sa amin. “Rahul,”tawag ni Veronica “Hi, Ako nga pla si Rahul, inutusan ako ni Ninong Robert na tawagin kayo para managhalian,” pagpapakilala nya habang ibinibigay ang kanyang kamay. Kinuha ko ito at kinamayan, “Hi I’m Halea, the doctor’s daughter,” Iniangkla ni Veronica ang kanyang kamay kay Rahul, “he’s my future husband,”sabi nya sabay taas ng kanyang kilay at ngisi. Kinuha ni Rahul ang kanyang kamay at itinanggal sa pagkakaankla, “Veronica, itigil mo nga ang iyong kalokohan. Mamaya ay maniwala sya.”tumingin sya sa akin at nagsabi “Malayo kami sa sitwasyong kanyang nabanggit. Ninong ko ang kanyang Daddy, kaya para kaming magkapatid,”pagpapaliwanag nya. “You will be my future, sabi ni Daddy,”sabi ni Veronica ng may pagkainis, “tara na sa loob,”habang nakamartsa sya papasok sa kusina. Tumingin sa akin si Rahul at tumawa. Itinago ko ang aking ngiti para hindi mapahiya si Veronica. Kami ngayon ay nasa hapag at kaharap ko si Rahul. Nararamdaman ko ang kanyang patagong sulyap at sa tuwing mag-aabot ang aming paningin inilalabas nya ang kanyang ngiti. Napagtanto ko ang kanyang kakisigan, ang pogi nya pala, mayroong kakaibang kinang sa kanyang mga mat ana animo’y kulay berde pero kapag sinubukan kong tingnan ito ng maigi ang itim na kulay lang ang aking nakikita. Para bang may nakapalakas na pwersa sa unang tingin at habang minamasdan ko sya ang pwersang iyon ay unti-unting nagbabago at lumalabas ang malumanay nya katauhan sa sadyang nakakamangha. Para bang may dalawang taong naninirahan sa kanya. Hah, I’m getting weirder by the hour. Ako ba o itong lugar na ito. Ako ay tahimik habang nag-uusap ang mga matatanda tungkol sa business. Nagsasalita naman si Rahul sa tuwing tinatanong siya ni Mr Robert. Sumandal ako ng bahagya sa Mommy ko at ibinulong ang nalalapit kong klase sa hapon. Marahil napagtanto ni Mr Robert at inutusan si Rahul na kami ay ihatid papasok. Maagap akong nagpaalam at nagpasalamat bago tuluyang umalis. Makalipas ang ilang sandal, nsa loob na kami ng kotse ni Rahul. Duon ako naupo sa likod at hinala kong uupo si Veronica sa passenger seat at tama naman ang aking hula. “Okay ka lang ba dyan? Naaabot ka ba ng AC?”tanong ni Rahul. “Huwag kang mag-alala, malapit lang naman ang school,”sabi ko habang kami ay papalabas ng compound. Makailang sandali, narating na naming ang campus. Bumaba ako at kumaway ng pagpapaalam sa kanilang dalawa papasok sa loob. Narinig kong sinabihan ni Rahul si Veronica na pumasok. At dahil hindi ko sila narandamang pumasok inisip ko na marahil pumunta sila sa ibang lugar. Pagpasok ay nadaanan ko ang rose garden kung saan malimit magstay ang mga estudyante for breaktime, meron pa akong 15 minutes bago ang susunod na klase ng makita ko si Adrienne. Nakita rin nila ako and niyayang sumama sa kanila. “Kumain na kayo?”tanong ko “Oo, malimit kami sa canteen o kaya sa Jurassic Park,” bigkas ni Amelia na classmate ko at kaibigan ni Adrienne. “Jurassic Park?”tanong ko “Oh, iyon yung park sa likod ng Math building, iyong may mga malaking nets kung saan pwedeng gumapang iyong mga halaman, dati may display nang pterodactyl duon kaya iyon tinawag na Jurassic Park,”paliwanag ni Adrienne. “Ok, hindi ko pa iyon napuntahan,” “Kailangan maipasyal ka namin sa campus  pagkatapos ng klase para mafamiliarise ka sa lugar,” banggit ni Amelia. Dumaan ang mga boys at kami’y nilampasan, nakita ko si Caleb na nakatingin sa amin sa gilid ng aking mga mata. Hindi ako tumingin sa kanila para hindi makaagaw ng atensyon kaya sila ay nagpatuloy sa paglalakad. Narinig kong ang pagtawa at kilig ni Amelia, “nakatingin sya dito”, bulong nya sapat upang marinig ko at ni Adrienne. “Shh, marinig ka nila,” saway ni Adrienne, “So, Halea ikuwento mo naman kung papaano mo napatahimik si Caleb?” “Oo nga, narinig ko kung paano siya tuksuhin ng mga kasama nya, kung paanong hindi ka tinablan ng mga swabe nyang galaw,” usisa ni Amelia. “Wala naman akong ginawa, I just gave him the same dose of his own medicine,” “Gaya nang?” “ikwento mo naman sa amin ng buo,” “hahaha,” napatawa ako, “tinawag ko lang naman syang dog boy at furball pagkatapos nyang ipilit na bigyan ako ng palayaw na napaka corny,” Napatawa ang mga girls, “nainggit naman ako sa iyo, may lakas ka ng loob na tawagin siyang dog boy,”sabi ni Adrienne “Oo nga ayaw kaya niyang maikompara sa aso. Yung mga kaibigan nya Alpha ang tawag sa kanya, kaya imaginin mo na lang kung paano sya as Alpha dog,”hagikgik ni Amelia, “I got to tell this sa sister nya,” “Kilala mo siya ng ganun kalapit?”tanong ko “Yeah, magkaibigan kami ng sister nya kasi iisa lang yung barangay namin,” “Girls, tayo na sa klase,”yaya ni Adrienne. Pumasok na kami sa aming klase at naupo ako kasama nina Amelia. Maskomportable na ako ngayon dahil nakikipaghalubian na ako sa mga girls. Marami na rin akong nakilala at nakaibigan, kagaya ng iba hindi ako basta bastang na-attached sa kug kanino man. Malimit kaming lumipat nuon, kaya ang makipagkaibigan ng matagal ay minsan mahirap, physically at emotionally. Madalas na lang akong tahimik, nakikipagkilala pero hindi nagiging attached pero parang iba ngayon. Makalipas ang 2 subjects, mayroon kaming 30 minutes break kaya sumama ako kina Amelia at Adrienne. Bumili kami ng snack sa cafeteria at tumambay sa Jurassic Park. “Dapat mong makilala ung Nana ko, dapat tayong mag-outing isa sa mga araw na ito,”sabi ni Adrienne. “At bakit naman?” “Siya at iyong mga matatandang babae sa lugar naming sa bundok ay nabibilang sa tribo ng mga kababaihang nagsasayaw tuwing bago ang buwan at eklipse para magbigay pugay kay Dian Haliya,”kuwento nya “Dian Haliya?”tanong ko “Si Dian Haliya ay isa sa mga Dyosa ng Buwan,” si Adrienne pa rin “Narinig ko lang siya sa alamat ng bayan, hindi siya kasing popular ni Dian Miyari,” sabat ni Amelia “Hindi ko masyadong makuha, care to enlighten me, at kung bakit mag-iinterest sa akin ang Nana mo?” “well, ito ang unang pagkakataon na may makikilala siyang kapangalan ng paborito niyang Dyosa,” sabi ni Addrienne. “Plus, napatahimik  mo ang mayabang na Alpha,” hagikhik ni Amelia May mas weird pa ba dito?, “Okay, nakikinig ako,” “SI Dian Haliya gaya ng sabi ko ay kilala bilang Mandirigmang Dyosa ng Buwan, ayon sa kwento ay may suot siyang maskara upang itago ang kanyang ganda. Kilala siya sa kanyang pakikipaglaban sa dragong si Bacunawa. Sinasabing ang demigod, na isa sa mga anak ng diyos ng dagat ay naakit sa liwanag ng buwan, pero hindi ito pinansin ng buwan, Kaya ito ay nagalit at nagpalit anyo ito bilang si Bacunawa at nilamon ang buwan. Nang malaman ni Bathala ang nangyari inutusan niyang iluwa ang buwan. Dahil dito sinasabing ang liwanag ng kabilugan ng buwan na lamang ang ating nakikita at hindi ang liwanag ng bagong buwan .” Kwento ni Adrienne.  “Gaano kapopular ang kwentong iyan?” “Hindi masyado, iyon lamang nakatira sa bundok na nabibilang sa tribo dahil sila ay naniniwala pa rin sa kanya,” “ikaw, Amelia alam mo rin ba ang kuwento?” “hindi ang kuwentong iyan, pero alam ko na si Haliya at Miyari ay kambal. Sila ang fullmoon at new moon, ang aming tribo ay naniniwala kay Dian Miyara ang fullmoon,” “So parehas kayong nabibilang sa lumang tribo?” “Ganun na nga, pwede mong sabihin na ganun,”sabay nilang bigkas Napangiti ako habang kinakain ang aking chichirya, naalala ko ang aking panaginip kagabi tinawag ako ni Naga Unda na Dian Halea. Ngayon naman naririnig ko ang kwento ni Halea, things are getting interesting. “Alam nyo ba kung ano ang Naga Unda?”tanong ko sa kanila “Narinig ko na ang Lawa ng Unda pero hindi ang Naga Unda, sandali ang Naga ay isa sa kilalang nilalang na mariirnig sa mga alamat ng bayan ito ay parang sirena or Diwata ng isang lugar. “Gaya ng Nymph sa English myths?” “Oo parang ganun na nga,” “How about Lake Unda?” “Narinig ko na iyan sa mga lumang kanta ng tribo, pero hindi naman iyon totoo,” sagot ni Adrienne, “Saan mo naman narinig iyon?” “Wala, nanaginip lang ako,” sabi ko “kung napapanaginipan mo ang Lawa ng Unda at ang nilalang na gaya nyan, marami pang pwedeng ikuwento sayo ang Lola ko. Dapat natin mabisita ang Nana ko, excited akong ipakilala ka sa kanya,” Ngumiti na lamang ako, lalong nagiging kawiliwili ang lugar na ito sa paglipas ng mga araw.  

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD