Pangalawang araw ko na dito sa bahay nila Acey at lagi na kumakain si Acey, tatlong beses sa isang araw pero madalas pa din syang tahimik at tulala, minsan pa nga ay umiiyak sya. Nasa tabi nya lang ako palagi dahil sa ayaw nya akong umalis sa tabi nya at dahil natatakot na din ako na baka gawin ulit ni Acey ang pagsugat sa pulso nya kahit sabihin nya na hindi nya na yon uulitin. Ngayon ay nasa tabi ako ni Acey sa higaan nya, parehas kaming nakasandal sa headboard. Katulad ng ginagawa nya nitong nakaraang araw, nakatulala sya sa labas ng bintana habang ako nagbabasa ng libro na ginawa nya kahit natapos ko nang basahin, binasa ko ulit. Nasa part na ako nung umalis na si Lorenzo papunta sa ibang bansa, which is sa America kung saan nandon si Arch. Lahat ng mga panlalait na sinabi sakin ni A

