Maru's POV "Bakit po?..." parang nagdadalawang isip na ituloy ni Kevin ang sasabihin nya pagkatapos kong itulak si Acey paalis sa ibabaw ko. "Babe!" angal nung isa. Mabuti nga hindi sya nahulog sa kama. "Bakit mo ako tinulak? sarap ng tulog ko eh." dagdag nya pa at umupo. "Oh hi." bati nya kay Kevin. "Teka bakit ang aga mong umuwi?" "May bomb threat po kasi sa school namin." sabay kaming napa-what ni Acey sa sinabi ni Kevin. "Bakit hindi ko alam yan? sino naghatid sayo dito?" tanong ko sa kanya. Lumapit ako sa kanya at tinignan kung may sugat ba sya. Mamaya sa sobrang panic nila nung malaman yon ay nagsisitakbuhan sila palabas ng school at madapa ito. "Si Tito Christian po pero umalis rin po agad dahil may meeting po sya. Nandito po pala sila Jessica, sabi ni Tito kung pwede po daw na

