Chapter 2

1498 Words
"Mommy." may pag-aalala sa tono na tawag sakin ni Kevin. Ngumiti lang ako ng pilit sa kanya at inayos ang uniform nya. "Okay lang si Mommy, anak." sabi ko sa kanya. Alam kong naglalaro na sa isip nya kung bakit namumula ang mga mata ko na halatang galing sa pag-iyak. "Kevin, are you ready? let's go na baka mahuli ka pa sa klase mo." sabi ni Lorenzo habang inaayos nya ang neck tie nya. "Yes po Daddy." sagot ni Kevin pero nakatingin pa rin sakin. Hinalikan ko sya sa noo nya bago tumayo. Kinuha ko ang bag nya at ibinigay sa kanya. "Mag-aral ka ng mabuti okay?" sabi ko sa kanya. "Yes po Mommy." sagot nya. "Let's go Kevin." sabi ni Lorenzo at kinuha ang bag nya. Lumapit sya sakin para halikan ako pero umiwas ako. "Aalis na kami." tumango ako sa kanya habang hindi nakatingin sa kanya. Lumabas na sila ni Kevin. Nanghihinang napaupo ako sa upuan. Hindi ko na mapigilan ang pagluha ko na kanina ko pa pinipigalan dahil ayokong mag-alala pa masyado ang anak ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala akong lakas para pumasok sa trabaho. Nanghihina ako. Gusto kong magpahinga pero paano ako makakapagpahinga kung lagi kong naiisip na dito na titira ang babae ni Lorenzo? Hindi ko alam kung nananadya ba si Lorenzo para patirahin nya pa dito ang babae nya. Napapaisip ako ano bang nagawa ko sa kanya para pahirapan at saktan ako ng ganito? May nagawa ba akong mali? Napabuntong hininga ako. Wala akong maisip na dahilan para gawin nya sakin 'to. Baka sadyang naakit sya sa babaeng yon kaya nya nagawa 'to? Hindi naman kasi maipagkakaila na maganda at sexy ang babae nya. Kahit nung una ko itong makita, namangha ako sa ganda nyang tanglay, hindi sapat ang salitang dyosa para sa kanya. Ang makinis at maputi nitong balat, parang ang lambot nitong hawakan at the same time nakakatakot din hawak dahil baka sa sobrang pagkagigil ay magkaroon pa ito ng pasa at ang mala-anghel nitong boses na kay sarap pakinggan. Nanlaki ang mata ko sa mga naiisip ko tungkol sa babae ni Lorenzo. Nailing-iling ako. Ano ba itong pinag-iisip ko? dapat mainis ako sa babae nya pero pinupuri ko pa ito.  Maganda naman kasi sya, wala ng maipipintas pa sa kanya bukod na kabit sya ng asawa ko. Napabuntong hininga na lamang ako. Nagtungo ako sa kwarto namin para makapagligo. Papasok na lang ako sa trabaho, wala rin naman akong gagawin dito kundi isipin ang babae ni Lorenzo. Mas mabuti pang magpakabusy para hindi ko sila maisip pa. Nasa kaligitnaan ako ng pagliligo nang may rinig kong may nagdoorbell. No choice ako kundi labasan yung taong yon dahil baka mamaya importante pala yun. Lumabas ako na nakatapis lang, hindi ko na magawan pang magbihis dahil nakakahiya naman don sa nagdo-doorbell mamaya si Mama pa yon o parents ni Lorenzo pa yon. Binuksan ko ang gate. May isang babaeng nakatalikod ang bumungad sakin. May kausap sya sa cellphone nya pero nung maramdaman nyang bukas na yung gate ay lumingon sya sakin. Naka-shades sya pero alam kong napatingin sya sa katawan ko na nakatapis nga lang. "Seryoso? Ugh!" nagulat ako na hinila nya ako papasok ng bahay. Hindi agad ako nakapag-react dahil basta basta nya na lamang ako hinila papasok sa loob. "Te-teka! sino ka ba?!" don lang ako natauhan. Binitawan nya ako at nag-cross arms sa harap ko. "Wala ka bang damit para hindi magbihis?" napakunot ako ng noo sa sinabi nya. "Eh sa naliligo ako nung bigla ka nagdoorbell at sino ka ba huh?" grabe kung makahila sya papasok ng bahay namin para sya yung may ari ah. "Tsk.." tinanggal nya ang shades nya na ikanaguho ng mundo ko.  Oo nga pala, dito na nga pala titira ang babae ni Lorenzo. Bakit hindi ko napansin na sya pala ito? "Magbihis ka na." sabi nya at kinuha ang maleta nya na ngayon ko lang napansin. "Saan ang kwarto ni Lorenzo dito?" napakunot ang noo ko sa tanong nya. "At bakit?" aba parang balak nya pang makasama si Lorenzo matulog. Humarap sya sakin na may ngisi sa mukha. "Ano pa ba? doon ako matutulog sa tabi nya." sabi nya. Biglang nag-init ang ulo ko sa sinabi nya. "Wow huh? makikitira ka na nga lang dito, gusto mo pa sa tabi pa ni Lorenzo matulog." may inis na sabi ko. Pambihirang babaeng' to talaga kinareer nya ang pagiging kabit nya. "Well wala kang magagawa dahil pumayag na si Lorenzo sa gusto ko kaya yung mga gamit mo sa kwarto ni Lorenzo? pakitanggal na lang." sabi nya. Napanganga ako. "Napakawalangya mong kabit ka! ako pa talaga ang aalis sa kwartong yon!" hindi ko mapigilang sumigaw sa sobrang inis sa babaeng 'to. Napaka nya! ako pa talaga yung mag-aadjust saming dalawa?! ano sya? sya ba dito yung asawa? kabit lang naman sya ah! Ugh! masasabunutan ko 'tong kabit na 'to eh! "Kaya pala pinagpalit ako ni Lorenzo sayo." sabi nya habang nakatingin sa katawan ko. Napatingin naman ako sa katawan ko. Namula ako nung wala na pala yung twalyang nakatakip sa katawan ko dahil nahulog na pala ito sa sahig pero mas namula ako sa inis sa sinabi nya. Bago ko pa sya masampal ay nahuli nya na ang kamay ko at pinaikot sa likuran ko. Nasaktan ako sa ginawa nyang pagpilipit ng kamay ko sa likuran ko pero nanigas ako sa kinatatayuan ko nang maramdaman ko ang pagdampi ng mga labi nya sa balikat ko. "Not bad." bulong nya at dinampian ng halik ang balikat ko na ikinataas ng mga balahibo ko sa pinaggagawa nya. Mas lalo akong hindi makagalaw dahil sa paghaplos ng isang kamay nya sa hita ko, sinabayan nya pa ito na mga mumunting halik papunta sa leeg ko. Nanghihina ang mga tuhod ko, kung hindi nya pa hahawakan ang bewang ko ay matutumba ako. Tila nawalan ako ng lakas sa ginawa nya. "Dito pa lang nanghihina ka na? paano pa kaya kung sa kama na." bulong nya sa tainga ko. Doon ako nahimasmasan dahil parang nabastos ako sa sinasabi nya. Mabilis na humarap ako sa kanya at tinulak sya palayo sakin. Dinampot ko ang twalyang nahulog sa sahig at tinakpan sa katawan ko. Nakangising syang nakatingin sakin, naglakad sya papunta sa couch at doon na upo. Nag-cross legs pa syang tumingin sakin. "Siguro kaya iisa lang anak nyo ni Lorenzo dahil hindi mo sya pinagbibigyan sa gusto nya sa kama o..." tumigil sya saglit at tinignan ako mula paa hanggang ulo  "dahil hindi ka kaakit akit?" nakangising sabi nya. Namula ang mukha ko sa sobrang inis. "Wala akong paki kung hindi ako aakit akit, at least hindi ako yung tipong babae na sumasama pa sa lalaki na may asawa na." inis na sabi ko sa kanya. Nakakainsulto sya sa totoo lang, para sabihin sakin na hindi ako kaakit akit? para sa kaalaman nya sa tuwing nagbibihis ako sa harap ni Lorenzo ay nakikita ko sa mga mata nya ang pagkamangha sa katawan ko.  "Kaya sya naghanap ng iba para sa needs nya na hindi mo mabigay bigay." sabi nya. "Ikaw naman pumatol ka pa! hindi ka na nahiya, kababae mong tao nagawan mo pumatol sa may asawa't anak na, anong klaseng babae ka para maging kabit sa asawa ko? maganda ka nga pero makati ka naman, sana inilugar mo yang pagiging makati mo sa walang asawa!" sa inis ko nasigawan ko sya. Alam kong kabit sya ng asawa ko, hindi nya dapat ipagmukha pa sakin ng paulit ulit yon. Tumakbo ako papunta sa kwarto namin ni Lorenzo at kumuha ng damit. Kinuha ko na rin ang mga gamit ko. Kung gusto nyang makatabi si Lorenzo, edi go! tutal isa syang makating babae. Pero nasaktan ako na tama sya. Hindi ko maibigay ang needs ni Lorenzo kaya naghanap sya ng iba para gawin yon para sa kanya. Natatakot na kasi si Lorenzo na baka sa oras na manganak na naman ako eh mahirapan na naman ako dahil nahirapan ako sa panganganak kay Kevin tapos yung pangawalang pagbubuntis ko ay hindi nakasurvive yung baby namin dahil nahihirapan akong ilabas yon kaya simulan non ay hindi na namin iyon ginawa. Pero walang nagbago samin simula nung nawalan yung pangalawang anak na sana namin. Mas naging matatag kami at binigyan lahat ng atensyon kay Kevin dahil ayaw din namin ito mawala samin. Kaya hindi ko alam kung bakit bigla kami nagkaganito. Wala naman kaming pinag-awayan ni Lorenzo nung nalaman ko may babae sya. Maganda pa yung pagsasamahan namin non kaya nagtataka ako kung bakit nambabae si Lorenzo. Nagbuntong hininga akong lumipat ng kwarto ni Kevin. Siguradong magtataka sya kung bakit sa kwarto nya na ako matutulog at hindi sa kwarto namin ni Lorenzo. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Kevin ang lahat. Parang wala akong lakas ng loob para sabihin iyon sa anak ko. Ayoko syang masaktan at malayo ang loob nya kay Lorenzo dahil Daddy nya pa rin ito Ano ba kasi 'tong ginawa mo Lorenzo? -------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD