Acey's POV Nakatingin ako sa labas ng bintana habang nakatingin kay Maru na nagbubukas ng gate. Lumabas si Lorenzo ng bahay at pinuntahan si Maru na nasa tabi na ng kotse. Nag-uusap sila hanggang sa pumasok na ng kotse si Maru at umalis. Naiwang nakayuko si Lorenzo sa labas. Umalis ako sa pagkasandal sa pader at tumungo sa kama. Pinatay ko ang ilaw ng lampshade at natulog na. Kinabukasan, maaga ako nagising dahil may trabaho pa akong gagawin sa bookstore ko. Tumungo ako sa kusina. Nakita ko si Kevin na mag-isa lang sa kusina. "Goodmorning little boy. Nasaan Daddy mo?" tanong ko sa kanya. "Tulog pa po. Tita, I'm hungry." sabi nya. Nako, ako pa sinabihan nya ng ganyan wala akong alam sa pagluluto kahit pa magprito ng hotdog hindi ko alam. Napakamot ako ng ulo. "Hindi ako marunong maglu

