CHAPTER 11

1009 Words
ANGEL POV Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya. "Yun na nga eh, hindi kayo mukhang 40 years old pero mukha kayong bata tingnan. Tapos ang ganda pa ng inyong katawan. Ang dami ngang mga likes and comments kapag nag post kayo ng mga shirtless photos niyo eh." "Oh bakit naman pati sila ay nasama? Sa bagay, hanggang tingin lang sila sa katawan ko kasi may nag mamay ari na nito eh..." Alam ko kung ano ang weakness nitong si Uncle sa babae kaya nag tanong ako ulit sa kanya. "Talaga? Paano kung halimbawa na may seksing babae na lumandi sayo tapos nag Aya siya na makipag one night stand?" Iniisip ko pa lang ito ay gusto ko na kaagad manabunot kaya kawawa kung sino man ang gustong lumandi sa kanya kasi hindi ako nakakaramdam ng awa sa mga ahas sa paligid ko. "Hahahah! Kahit na sila pa ang pinaka seksing babae sa mundo ay tatanggihan ko pa rin sila," saad niya, hinawakan niya ako sa aking baba, " Pwede bang wag mo nang bigyan ng sakit ng ulo ang sarili mo? Araw araw na tayong magkasama. Kung may babae man na lalapit sa akin, natitiyak ko na mapapansin mo kaagad. Now let us take our breakfast kasi kanina pa ako nagugutom eh!" Kumain na kami at sa bawat pagkakataon na magkaka tinginan kaming dalawa ay nag ngingitian kami. Ang sarap talaga ng mga nakaw na sandali namin. Walang katumbas ang saya, nag uumapaw ang kaligayahan ng puso ko kaya sana ay dumating na ang pagkakataon na maipagmalaki ko na ang aming pagmamahalan. "Siya nga pala, hindi na kita pipilitin kung ayaw mo nang mag aral. I know that is the main reason kung bakit ka nag tampo sa akin." Buti at nabanggit na niya ang tungkol rito kaya naman ay nag bago na ang ihip ng hangin. Bago ako sumagot ay hinawakan ko muna ang kanyang kamay at tumingin ako ng diretso sa kanya. "Nag bago na ang isipan ko babe. Matapos sabihin ni Cindy sa akin na babalik siya sa pag aaral, napagtanto ko na gusto ko na pala ulit bumalik. Alang alang sa parents ko, gagawin ko ito para no comment na ang mga bashers ko!" Mas lalo pang naging malawak ang ngiti sa kanyang labi pagkatapos ng kanyang narinig mula sa akin. "Talaga? That is good to know, mabuti at mag bago na rin sa wakas ang isip mo. I will make sure na matutuwa nito ang iyong mga fans dahil mag babalik ka na sa pag aaral mo and of course your parents as well. Basta ako na ang bahalang tumulong sa pag aaral ko kapag nahihirapan ka." Ngumisi ako, "No thanks na babe! Nandiyan naman si Cindy sa tabi ko kaya natitiyak ko na tutulungan niya ako sa pag aaral ko. Kaya nga ako pumayag na bumalik sa school. Kung may tulong ka man na ibibigay sabl akin, yun ay ang pag aayos ng schedule ko. Ayaw ko na mahirapan akong mag adjust kaya hangga't maaari ay priority ko pa rin dapat ang work ko." "Anong priority mo ang work ko? Tama ba ang narinig ko? Pag aaral ang una mong aatupagin, pag husayan mo." Dito na ako sumalungat sa sinabi niya. "Babe, hindi ko naman kaylangan na galingan sa pag aaral ko kasi wala na akong plano na maging chef kapag naka graduate. Gusto kong kuhain ang course na ito para kapag naging mag asawa na tayong dalawa ay ipagluluto kita ng masasarap na pagkain araw araw. Ang sabi nga nila, dapat ang misis, magaling mag luto para parating happy ang hubby!" Kahit kaylan ay huling huli ko talaga ang kilig nitong si tiyo Lucas na mas lalo pang namumula sa mga sandaling ito. Gusto ko na maging isang mabuting misis niya at lutuan siya ng mga masasarap na pagkain palagi. "You know, you don't need to do that pero katulad ng araw araw kong pinapaalala sayo, mag ipon ka ng pera kasi hindi permante ang showbiz. Mahirap itong tanggapin ngunit darating ang time na malalaos ka at ibang tao na ang papalit sayo. Kaya hanggat nandito ka pa sa prime mo, wag ka nang masyadong maluho. Eh wala ka ngang binibili na murangmga gamit. Lahat ay mahal at branded." Natawa ako sa part na ito kasi guilty talaga ako sa pagiging maluho. Marami akong mga luxury items kasi ito ang hilig ko. Pero palagi kong ipinaalala sa sarili ko na deserve ko ito sapagkat nagpupuyat ako sa trabaho at ito ang paraan ko upang i-reward ang sarili ko. "Eh artista naman ako kaya ayos lang maging maluho. Alangan na mag suot ako ng mga damit na cheap. Malamang ay ma bash ako ng todo kaya dapat palagi kong inaayos ang sarili ko." "Naiintindihan kita sa bagay na yan ngunit i-apply mo ang sinasabi ko sayo na magtitira ka sa sahod mo. I am your manager kaya yung itatabi ko sa bank account mo na pera ay wag mo na kuhain ulit. Save for your future, after all ay nag mamalasakit lang din ako sayo." "Walang problema... at tsaka kung dumating man ako doon sa point na mag hirap ako, ibebenta ko na ang mga gamit kong binili para may pera ako hehe!" pag bibiro ko sa kanya ngunit sobrang impossible nitong mangyari. Basta ako, proud na gastadora ako na bibilhin ang kahit na anong gusto ko kasi bakit ko titipirin ang sarili ko? Nasa 20's pa lamang ako kaya matagal pa bago mangyari ang kanyang sinasabi. Nais kong mag enjoy sa buhay kasi bata pa ako. Ayaw kong magkaroon ako ng mga what ifs sa buhay ko kapag tumanda na ako. Ang sabi nga nila, minsan lamang dadaan sa ganitong edad kaya mag enjoy habang bata pa. Pagkatapos namin kumain ay naligo muna ako at nag toothbrush ngunit nagulat ako ng bigla siyang pumasok sa loob pagkatapos kong mag sipilyo ng ngipin. Mabuti at naiharang ko kaagad ang twalya sa aking katawan bago pa man niya ito makita. Sa gulat ko sa nangyari ay titig na titig ako sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD