Chapter 3

2097 Words
CHAPTER 3 "Uy Zag! Naka kain ka na ba?" bungad na tanong ni Athene kay Zag na kasalukuyang nag-babasa ng libro sa library. Tapos na ang lunch time at vacant nila ngayon kaya sa library lang talaga mahahagilap si Zag sa mga oras na ito—alam ni Athene 'yon. "Yes, I'm done. Kayo ni Sevence tapos na?" malamig na sagot ni Zag. "Yup! busog na busog nga ako eh, alam mo ba nilibre niya ko ng drinks, tsaka feeling ko ang bait bait niya," masiglang pagkukwento ni Athene. Ngumiti lamang ng pilit sa kanya si Zag. "That's good." Maikling sagot nito at ibinalik ang atensyon sa binabasa nyang libro. Umupo sa tabi nito si Athene. "Zag, thanks nga pala sa fresh fruits. It's so yummy! lalo na nung shinare ko 'yon kay Sevence. He even liked it," dugtong pa ng dalaga na medyo hinihinaan ang boses dahil nga nasa library sila. Tumango-tango lang si Zag sa dalaga at hindi ito tiningnan. Ayaw niya kasing makitang kumikinang ang mga mata ng dalaga na kinukwento si Sevence. He hates to admit to himself that Athene is with Sevence which supposed to be him. "Ano ba 'yang binabasa mo at ayaw mo akong tingnan?" naka pout na reklamo ni Athene sa binata. Isinara ni Zag ng marahan ang kanyang binabasang libro at malamig na tinignan ang dalaga. "Ano bang titig ang gusto mo? ganito ba?" Saka inilapit ni Zag ang kanyang mukha sa dalaga. Isang inch nalang at halos mag dampi na ang mga labi nila. Napaatras naman si Athene sa ginawa ng binata at kinaltukan ito. "Sira ba ang ulo mo?" marahang pagsusungit ni Athene. "Hindi, pero 'yong puso ko yata sinira mo," wika ni Zag at bago iniwas ang kanyang tingin kay Athene. Napataas naman ng kilay ang dalaga. "Tsk! Para kang engot, d'yan ka na nga." Iniwan nga ni Athene si Zag. Napa iling-iling na lamang ito at bahagyang natawa sa inasal ni Athene. Kahit kailan talaga ay pikon si Athene at iyon ang pinaka nagustohan niya sa dalaga. Kapag kasi pikunin siya ay mayroong rason si Zag upang mag lambing dito. Bago paman maka labas si Athene ay sinundan na niya ito. Patapos na rin naman ang vacant time nila at oras na para sa klase. Nang maabutan niya ito ay agad niyang hinawakan ang mga kamay nito. Bolta-boltaheng kuryente ang naramdaman niya sa pag hawak niya ng kamay ng dalaga. Palagi naman niya itong ginagawa pero ngayon lamang niya ito naramdaman. Kakaiba ang pintig ng kanyang puso. Halos parang may kumakarera sa loob. "Uh, Zag? Can you not hold my hand?" Pag-puna ni Athene sa ginawa ni Zag na siyang ipinagtaka nito. "Why? Dati naman natin itong ginagawa," paliwanag pa ni Zag. Kasalukuyan na silang naglalakad patungo sa classroom nila. Nagkibit-balikat na lamang si Athene at hinayaan si Zag na hawakan ang mga kamay niya. Inaamin niya sa sarili niyang nagitla siya ng kaunti sa ginawa ng binata at nakaramdam siya ng konting kaba. Pagkarating nila sa klase ay binitawan na ni Zag ang mga kamay nito. Nais pa sana niyang patagalin ang paghahawak nito sa kanyang kamay pero ayaw niyang ulanin sila ng kantyaw ng kanilang mga kaklase. "Zag, nariyan na sa mesa nyo ni Athene mga answer sheets ninyo," wika ni Heven na nakikipag-chikahan kay Jarryl. Magpinsan kasi ang dalawa. Wala pa ang instructor nila ngayon. "Zag look! Ang taas ng score ko o! sino kaya ang sumagot sa ibang items?" Nag-isip ng malalim si Athene. May mga items kasi siyang hindi sinagutan at nagulat na lamang ito at nasagutan na iyon at wasto pa ang lahat. Tahimik lang si Zag pero masaya ito na masaya si Athene dahil kahit papaano napasaya niya ang dalaga. Nanatili siyang tahimik at hindi inamin na siya ang nasa likod noon. "Patingin naman ng answer sheet mo," sabi ni Athene. Agad namang itinago ni Zag ang kanyang answer sheets. "Ayaw ko nga." Pagdadamot nito at inilayo ang answer sheet sa dalaga. "Damot naman patingin lang eh." Naka-pout na sabi ni Athene. "Uy, Zag! congrats! perfect score ah." Masayang pagbabalita ni Jarryl marahil nakita na agad nila ito. Nanlaki naman ang mga mata ni Athene. Ngayon ay hindi na niya kailangan pang tingan ang papel ni Zag. "Na-perfect ni Zag?" pag-uulit ni Athene. "Oo, talino eh," sagot naman ni Jarryl. Tahimik lang si Zag na nakangisi sa dalaga. "Iba ka talaga bespren! ang hirap kaya ng activity na 'yon!" Tinapik tapik ni Athene ang balikat ni Zag. "bespren." Tanging naibulong ni Zag sa kahanginan. "May sinasabi ka ba?" tanong ng dalaga. "Wala—bespren," sagot ni Zag na pinagdiinan ang salitang bespren sa dalaga. Imbis na maging masaya siya ay nasira na lamang yata ang kanyang araw. •••••••••••• "Zag, I forgot to tell you na hindi ako makakasabay sa 'yo sa pag-uwi ha? Sasamahan ko kasi si Sevence sa mall, may bibilhin lang," ani Athene na siyang pumawi sa mga ngiti ng binata. "Gano'n ba, o sige mag-ingat kayo," tanging nasabi na lamang ng binata at nauna na itong nag lakad. Walang buhay nyang binitbit ang kanyang bagpack. Athene seems happy with Sevence. Iyon ang tanging nasa isip niya. Parang kailan lang ay sila lamang dalawa. Sa kanilang dalawa lang umiikot ang kani-kanilang mundo. Ngayon ay tila iba na ang mundo ni Athene. Kumaway kaway lamang ang dalaga kay Zag sa di kalayuan. Kinuha niya ang kanyang cellphone upang i-chat si Sevence na naghihintay siya rito sa labas ng gate. - To Sevence Hi! class is over. I'm waiting at the gate. - sent Agad naman na nagreply ang binata. - To Athene I'm on my way there. - sent Ilang saglit pa nga ay nariyan na si Sevence at nagliwanag ang mga mata ni Athene nang makita niya ang binata. Unang beses niya kasi itong nakita na nakauniporme at napaka guwapo nito sa kulay abo nilang uniporme. "Hi, sorry natagalan," wika nito. "No worries! let's go?" Masiglang sagot ng dalaga. Napakalapad ng ngiti nito sa kanyang labi at halos mapunit na nga ito sa labis niyang pag ngiti. Nag taxi sila papuntang E-Mall. Malaki ang E-Mall at may apat na palapag. Napakaraming tao ang naririto sa ganitong oras dahil uwian na nga. Una nilang pinuntahan ay ang National Book Store. Nag-hahanap kasi si Sevence ng book sa isa nilang subject. Mayroon na rin naman itong bagong kaibigan sa kanilang section pero mas gusto nitong kasama si Athene. Masayahin kasi ito. "Athene, hindi ba't ikaw 'yong kumanta last time? sa welcome program for freshmen's?" pagtatanong ni Sevence sa dalaga. "Yup, that was me. Kami ni Zag 'yon," sagot naman ng dalaga na siyang dahilan ng pag-ngiti ni Sevence. "Your voice is angelic, I like it," he added. Umiwas naman ng tingin ang dalaga at medyo nahiya sa compliment ni Sevence sa kanya. "Sa-salamat," medyo nahihiya nitong sagot. "You know what, I can invite you two for a gig at our mini-bar," pag-iimbita pa nito. "Well, that's not bad! sure! sasabihan ko agad si Zag for that thing. I'm sure matutuwa 'yon because we both love this thing!" Masiglang tugon ni Athene na siyang ikinatuwa naman ni Sevence. "You'll earn 1,500 each of you in just a night. Kakanta lang naman kayo, and stress reliever na din 'yon after school." Dugtong pa nito. Pumayag na agad si Athene at isa pa, minsan lang lumapit ang oportunidad. Matagal na rin kasi niyang gusto na mag gig, hindi naman sila kinakapos sa pera but she just want it. She just wants to sing. ••••••••••••• "Thank you talaga! thanks for today also," Sevence said with his widest smile na halos hindi na makita ang mga mata nito. "Sure! basta ikaw," kinikilig na boses ni Athene pero hindi niya iyon pinahalata. Ayaw niyang malaman ng binata na humahanga siya rito. Sapat na sa kanya na palihim niya itong nagugustohan. It's past 6 in the evening at nag-aabang na silang dalawa ng masasakyan. Hindi pa naman late pero sa tingin niya ay nag-aalala na ang mommy niya lalo pa't hindi pala siya nakapag-paalam. Unica Hija pa naman ito. Pagkarating niya sa bahay ay bumungad agad sa kanya ang kanyang mommy. "Sweetie, ginabi ka na. Kung hindi pa pumunta rito si Zag ay hindi ko pa malalaman na nag-mall ka pa." Nag-aalalang tinig ng kanyang mommy Sally. "I'm sorry mom, I forgot to tell you. Buti nalang nasabi ni Zag, wait—is he still here?" Athene asked. "Yes sweetie, pumasok ka na muna at mag-di-dinner na tayo, Zag will join us for dinner tonight." Sabay pasok nila sa loob at sa kitchen na dumiretso ang mommy niya. Nakita agad ni Athene si Zag na naka de-kwatro sa sala at nagbabasa na naman ng libro. "You know, ang sipag mo talaga, itiklop mo na nga iyan." Sabay hablot ni Athene ng librong binabasa ni Zag. "Hey! Give it back!" Inagaw nito pabalik ang kanyang libro pero hindi parin ito binibitawan ng dalaga. "Ayaw mo talagang bitawan ha," may pagbabanta na boses ng binata at kiniliti sa may bandang bewang ang dalaga dahilan para mapatili ito at maihagis ang kanyang librong hawak. Halos nakayakap na silang dalawa sa isa't isa. Maya maya pa'y nagkaroon ng katahimikan at bigla na lamang silang napabitiw. "Ikaw kasi eh, nandito na nga ako, sa libro ka parin naka tingin." Pagmamaktol ni Athene. "Anong ako? ikaw nga tong nag hanap ng iba eh nandito lang naman ako," halos pabulong na wika ng binata. "Ano?" "Wala, ang sabi ko guwapo ako." Pag-iiba ni Zag ng topic. Siguro nga ay hanggang parinig na lamang siya sa ngayon. Una ay hindi niya pa tiyak kung ano nga ba talaga ang nararamdaman niya, pangalawa ay parang ayaw na lamang niyang alamin dahil baka maging kumplikado pa ang lahat. "Dinner is served!" masayang wika ng mommy ni Athene nang palabas ito ng kusina. May hawak siyang isang tray na may lamang bowl ng sinigang na bangus at isang plate ng garlic buttered shrimp. Amoy palang ay halos tinutunaw na ang kani-kanilang mga sikmura sa gutom. They all rushed to the kitchen. "Mommy, paimpress ka naman masyado rito kay Zag, kumakain naman iyan ng tuyo," natatawang kantyaw ni Athene sa mama niya. "Ofcourse, sweetie, dapat ay itrato ng maayos ang magiging son-in-law ko," wika ng mommy niya na naka ngiti pang nilagyan ng ulam ang plato ni Zag. "Thanks Tita." "Thank you sa shrimp o sa pagiging future son-in-law ko?" pilyang tanong nito. "Sa shrimp po," natatawang sagot ni Zag. "So sweetie, ayaw mo ba kay Zag? matagal na kayong magkakilala. I think he's the best for you!" Suhestyon ng kanyang mommy. "But mom-" hindi pa naman ito natatapos magsalita ay pinutol na kaagad ito ni Zag. "She likes someone else tita and I support her," sagot ni Zag upang matapos na ang awkward na usapan. Inaamin niyang nasaktan siya mismo sa sinabi niya pero iyon ang totoo. Ngayon, alam na niya sa sarili niya that he loves Athene pero hindi siya ang gusto nito kaya wala naman siyang choice kundi suportahan na lang ang dalaga kung saan siya masaya. "By the way mom, A friend of mine asked me if I would like to have a gig on their mini-bar, kami ni Zag. You know, I just thought of it as a good idea." Pag-iiba ni Athene ng topic. Napatingin naman sa kanya si Zag at ang mommy Sally niya. "Who's that friend?" her mom asked. "S-Sevence po a-ang name niya," she answered at bahagyang napataas ang kilay ng kanyang mommy. Si Zag naman ay hindi iyon pinansin at nagpatuloy sa pagkain. Si Sevence na naman? "I can smell something fishy about that Sevence," pagdududa ng mommy. "Tapos na ho ako, thanks for these good food tita, I will surely come back." Pabiro pa ni Zag na totoo namang nasarapan sa luto ng mommy ni Athene. "Uy Zag, akala mo tapos na? mag huhugas tayo ng plato." Pabiro ni Athene. Bahagya na lang na natawa ang mommy nito at hinayaan na ang dalawa na mag kantyawan na parang aso at pusa. Tinitoo naman talaga ng dalawa ang pag huhugas ng plato. Iniisip ng binatang si Zag na sana palagi na lamang ganito. Na siya ang kakulitan ni Athene. That only him can make her smile like that. It's sad in his part that Athene is crushing another man. Why does it need to be others? kung pupuwede naman na siya nalang. Sana siya nalang.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD