Hindi na muna humabol si Laida ngayong semester. Nagkasakit ang kaniyang mama kaya kailangan niyang mag-focus muna sa paghahanap buhay upang may makain sila ng kaniyang buong pamilya. Hindi ko na lang din pinakialaman pa ang desisyon niya dahil alam ko naman na mahirap ang kalagayan nila. Hindi din naman ganoon kadaling pagkasyahin ang badget nila. Ilan sila at wala ang kanilang ama upang magtaguyod o mag-provide para sa kanila. Bakit ba kasi ginawa ng lalake iyon? Nakagawa na nga siya ng hindi dapat sa kompanya tapos dinagdagab pa niya. Sana nag-isip-isip siya. Sana naisip niya ang kaniyang mga anak. Sila tuloy ang labis na kawawa ngayon. Four times a week na lang ako nagpupunta kina Laida dahil madalas kaming may group activity at sangkatutak na assignments na kailangan tapusin. Na

