Nakahinga naman ako ng maluwag nang malaman ko na isa lang palang pusa ang nagiingay sa basement. ngayon ay pinapakain ko ang kuting dito sa kusina at halatang gutom na gutom dahil na din sa kapayatan nito. hinimas himas ko ang ulo nito habang siya ay kumakain, kumuha din ako ng malinis na tubig at pinainom sa kanya. Sanay naman akong magalaga ng pusa dahil puro pusang labas ang bahay namin at kumukuha din ng pagkain. *Whispers* napatigil ako at tumingin sa paligid kahit sa likuran ko ngunit wala naman. Nawala nga yung isang tunog, may bumubulong parin. Napailing ako at naghilamos ako ng mukha. Kaya pa to Rose, kaya pa. Tutal andito ako sa kusina ay naghanda ako ng makakain namin ni Sir Sven. mag gagabi na rin kayabkailangan ko na siyang maipagluto at mapakain. pagkatapos kong makaluto

