"Good morning, Babe." Hindi talaga ako magsasawang titigan ang mukha ni Hannah, ang sarap ng gising sa umaga kung ganito ang una kong masisilayan. "Hmm...." I kissed her forehead. Pagod pa siguro dahil sa pinagsaluhan namin ng magdamag. Napangiti ako sa mga naalala ko. I gently kissed her lips. "Mag-aayos at aalis na muna ako, Babe. I need to go to HQ." "Okay...." tipid na sagot ni Hannah. "Magpapahanda ako ng breakfast mo." Bumangon na ako para makapag-ayos. I went out after fixing myself and checked Hannah's Mom in other room. Tulog pa ito at naghihilik pa, mukhang napagod ng husto. I wonder how she managed to live in hiding for 10 years. Bumaba na ako at tinungo ang kitchen, inabisuhan sina Manang na magluto ng agahan para sa mga bisita saka ako lumabas. Nakaabang na rin sina JR at

