CHAPTER 6

1145 Words
Bumalik kami sa Evidence Room kung saan naka-store ang evidences. Kinuha ni Hannah sa drawer ang mga rosas na lanta na. Nakalagay ang bawat isa sa resealable bag na may label sa loob at labas nito. Naroon ang description, Police case number at identifier ng victim, date, location, chain of custody, location of collection, collector's name and identifier at kung saan na-route for analysis. Blangko ang part ng brand name at serial number. "Masyado nang lanta ang mga rosas ng victims last month. Pwede pa ba 'yan?" I nodded. "Ito pa rin ang mga rosas na 'to, kahit abo pa sila, I will still know their history." "Great. Ito ang sa unang victim." Inabot sa akin ang pinakalantang rosas. Itim na at kalas-kalas na sa tangkay. Kinuha ko ang isang petal saka pumikit. Nakita ko kung paano ito pinitas ng florist, binenta sa supplier at nakarating sa retailer, ang Rosalia Florist Shop, San Jose Branch. Papagabi na nang may lumapit na lalakeng naka-face mask na may markang bungo, kasing katawan ito nung nakita ko sa pang limang victim. Bumili ng long stemmed rose at iniabot ito ng nagtitinda. Sumakay ito ng tricycle habang bitbit ng kanang kamay ang rosas. Pumara ang lalake sa tapat ng dental clinic, Delgado-Policarpio Dental Clinic. Dinistrungka ng lalake ang pinto ng driver's seat ng kotse na nasa tapat ng clinic, saka pumasok doon. Nasira din ang alarm ng kotse. May isang babae ang lumabas ng clinic bitbit ang bag niya, sinubukang i-deactivate ang alarm pero hindi ito tumunog, nagtataka man ay sumakay na rin ito ng kotse. Hindi pa niya nai-start ang kotse ay may sumunggab na sa kanya mula sa likuran. Tinakpan ng killer ang bibig ng biktima gamit ang kaliwang kamay na may hand gloves habang sinasakal ng kanang kamay ang leeg nito. Pilit hinahablot ng biktima ang buhok ng salarin at nanlalaban ang kaso naka-bull cap 'to. Maya-maya ay nalagutan ng hininga ang biktima. Bumaba ang lalake at itinulak ang katawan ng biktima pa-passenger's seat saka ito sumakay. Pinaharurot ang kotse saka inihinto sa isang kakahuyan sa dulo ng San Jose, itinapon doon ang katawan ng biktima bago ito umalis dala ang sasakyan. Sinabi ko kay Hannah ang mga nakita ko. "Mukhang same style ang ginagawa niya, bibili ng roses, sasakay ng tricycle patungo sa target, sasakay sa kotse, papatayin ang biktima doon, itatapon ang biktima sa kung saan saka aalis dala ang sasakyan... nahanap na ba ang sasakyan ng mga biktima?" Napabuga ng hangin si Hannah. "Unfortunately, hindi pa." "Na-check na ba ang CCTV ng lahat ng posibleng madaanan ng sasakyan?" Umiling ito. "Mahirap makipag-coordinate sa ibang ahensya ng gobyerno. Maraming proseso bago sila magbigay ng kopya ng CCTV. Hanggang ngayon naka-pendin pa rin ang request namin. Saka walang gaanog CCTV sa area ng pinagtapunan sa mga biktima. Mukhang kabisado niya ang buong San Jose." "What if i-check n'yo ang CCTV ng mga store na nasa paligid ng posibleng nadaanan ng kotse? Kahit isa man lang sa mga sasakayan ay ma-trace ninyo. Ang laki ng kotse para hindi mahanap." "Sige, ipapautos ko 'yan sa investigation team natin." Napaupo si Hannah sa monoblock sa receiving area ng Evidence Room, dala ang iba pang mga rosas. Napahawak ako sa baba ko. "Ano ba ang similarity ng mga biktima?" Nag-angat ng ulo si Hannah saka napatingin sa akin. "Make a table of comparison," suggestion ko, "age, profession, marital status, looks, personality, kung may common friends sila, suot ng biktima, kulay o brand ng kotse," nag-isip pa ako, "saka kung saan sila madalas magpunta, kung lahat ng biktima ay may iisang lugar na pare-parehong napupuntahan, then we can also investigate that." Tiningnan ko ang mga hawak niyang rosas, "if my intuition is right, I will see the same thing with other roses." Kinuha ko ang mga rosas sa kanya at tiningnan ko isa-isa. Pare-pareho nga ng style, magkakaiba lang ng profession o kaya pick-up point ng mga biktima. Yung pangalawa ay inabangan sa tapat ng veterinary clinic niya, yung pangatlo ay sa tapat pa mismo ng city hall, yung pang-apat ay sa grocery, yung pang-lima yung nakita ko na noon na sa simbahan inabangan samantalang yung huli ay Ex-OFW. Wala akong makitang common denominator sa kanila bukod sa single silang lahat. "Magaganda silang lahat, pero hindi tayo basta dapat mag-base do'n. Mukhang pinag-aralan muna ng killer ang biktima bago pinatay. Alam niya ang oras ng uwi at saan aabangan eh. Let's search kung may sumusunod sa kanila o nagmamanman before they died." May point ako kay dumiretso ng tayo si Hannah at ibinalik sa lalagyan ang mga ebidensya. "Tara, bumalik tayo sa conference room." Mabilis na naglakad si Hannah patungong conference room. Nagmi-meeting pa rin sila at si Donnel ang speaker. "Wesley found a probable clue about our lady victims." Napa-'wow' na naman sila. Para namang complicated yung isinuggest ko e normal namang iniimbestigahan 'yon. "Victor, check those victims' whereabouts kung saan sila nagpupunta 1-2 weeks before the incidents happened. Magsama ka ng isang empath. Si Violet na lang. Ask their friends and check the CCTVs. Winston, check their call and message logs, credit card or debit card transactions, pati emails for the past 2 weeks before they were killed. Alamin mo kung may pagkakapareho ang mga biktima. Magpatulong ka kay Cris. Maghiwalay muna kayo ni Baldo. Baldomaro," tiningnan ni Hannah ang sidekick ni Winston, "check the brands of their cars and colors, then check all the CCTVs within the area kung saan itinapon ang katawan ng mga biktima. Dun ka magtanong sa mga private establishments. Magpatulong ka sa ibang kasama natin sa ibang department para mas mapadali ang paghahanap n'yo. Puntahan n'yo rin ang Rosalia Florist Shop at magrequest ka ng copy ng CCTV nila for the past 2 months. Tanungin mo rin sila kung may bumibili do'n ng naka-face mask." Tumango naman ang mga naatasan at nagsitayuan na para gawin ang mga naatang na trabaho sa kanila. Tiningnan ni Hannah si Donnel. "Ttulungan mo kaming gumawa ng comparison table." Ilang oras din ang lumipas bago namin nakolekta ang ilang basic information tungkol sa mga biktima. Tinawagan namin isa-isa ang contact person at kaibigan nila para malaman ang gawi ng mga ito at kung may nobyo ba. Isinulat ni Hannah ang comparison table sa White Board. "So, their surnames have similarity-- San Juan, de Jesus, San Diego, Santos, Cruz, De Dios. They are all single and dating, petite at mahilig sa skirt or dress." Observation ni Hannah. "Alin dito ang nag-trigger sa killer para biktimahin sila?" I crossed my arms while analyzing the table. "We will know once malaman natin kung nakilala na ba niya beforehand ang mga biktima. We just have to wait for their reports."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD