"H-Hannah, anak...." ito ang mga namutawi sa labi ng babaeng nasa harap namin. "M-Mama...." Tiningnan ko si Hannah, nagtatanong ang mga mata ko. Bakas sa mukha niya ang pangungulila sa ina, namumuo ang mga luha sa magkabilang mata nito. "A-ano'ng nangyari sa mukha mo?" Lumapit ito ng unti-unti sa kanyang ina, tila hindi makapaniwalang nasa harap na niya ang babaeng nagluwal sa kanya. Tinangkang hawakan ang mukha nitong may sunog pero umiwas ang babae. "S-Siya ang Mama mo, Hannah?" Tanong ko dito saka bumalik ang tingin ko sa babaeng may bandana. "Erlinda Victorino." Pagkagimbal ang gumuhit sa mukha ng babae, takot at pag-aalala ang sumilay sa mga mata nito. "Wesley? No, she's my Mom, Eloisa Delgado." Tumingin sa akin si Hannah saka nagtatanong ang mga matang tumingin sa ina. Tatakbo n

