Wesley's Point Of View Hindi ako maaaring magkamali, iyon ang sugat na iniwan ni Gregorio sa isa sa mga pumatay sa kanya! "Boss, okay ka lang ba?" Pukaw ni JR sa kanya. "Para kang namaligno." Hindi ako makapaniwala, siya ang pumatay kay Gregorio Gumapao! Ano ang kinalaman niya sa Black Mask Gang? Lalo rin akong naguguluhan sa sitwasyon. Magkaaway ang dalawang pamilya at ayon kay Papa Johnson, sinisisi no'ng Darwin ang kinagisnang ama ko sa pagkamatay ng kanyang ama pero casual lang kung banggitin nito ang pangalan ni Kuya Leo. Hinayaan pa niyang magkaroon ng relasyon si Kuya at si Ate Cedes? Parang malabo. "Halika, bayaran na natin ito." Nagpatiuna na akong maglakad para sundan sina Ate Cedes sa counter 22 kung saan sila magbabayad. "Teka Boss, wala pang underwear ang bisita n'yo." Pi

