Patakbo kaming lumabas ng Convention Center at tumigil sa tapat nito para tingnan ang palibot ng area. May ilang pulis ang nag-iikot din sa paligid. Tinawid ko ang open space na parking area sa harap palabas ng gate at pumagitna ako sa highway para silipin ang mga nagdadaang sasakyan. Kaliwa't kanan ang tingin ko sa paligid nang makarinig ako ng putok ng baril, bumagsak ako sa simento. "Aaaahhhh!" Daing ko. Tiningnan ko ang hita ko at nakita ko ang tama ng bala, daplis lang pero sobrang sakit, parang nagliliyab sa init ang balang bumaon sa hita ko. Patakbong sumugod sina JR at Lucho at naglabas ng baril. Inalalayan ako ni JR samantalang pinaulanan ng bala ni Lucho ang papalayong humaharurot na kotseng itim. Sapul ang dalawang gulong nito sa likod at mukhang pati ang tao sa loob kaya umek

