Bumalik kami agad sa HQ pagkahatid kay Andrea sa apartment para alamin ang tattoo na mayroon ang mga tauhan ni Roberto Salas pero mukhang nagkakagulo, may mga ambulansya pa sa labas at nagkakagulo ang mga pulis. Nagmamadali kaming bumaba ng kotse at tinakbo ang HQ. "Ano'ng nangyari?" Nag-aalala kong tanong kay Victor na mukhang nakipagbugbugan ang itsura. May mga pasa ito sa braso at mukha. "Si Facundo Hererra a.k.a. Dencio Macario, pinatay sa sakal ang tatlong kasamahan niya sa selda." Humihingal na sagot ni Victor. "He's already contained sa solo niyang selda." "What?!" Natanaw ko ang mga katawan ng ibang preso na pinatay ni Facundo, inilalabas ang mga ito ng presinto. "It's really weird, kinaya niya ang mga preso do'n. We even had to forcefully strangle him, as in walo kami na nagtu

