We went to Gregorio Gumapao's rented apartment to investigate. May ilang pulis na galing sa ibang presinto ang nasa crime scene. Sila ang unang tinawagan ng nakadiskubre sa katawan ng biktima. Nilapitan namin ang babaeng kasalukuyang ini-interview ng isang pulis sa labas ng apartment. "Excuse me. We're from PCU-UCIPG. Siya ba ang person of interest natin?" Bungad na tanong ni Donnel sa pulis. "Sir, PO1 Gerardo, Sir." Sumaludo ang PO1 kay Donnel na tinugon naman nito. "Yes, Sir. Siya po ang kinakasama ni Gregorio Gumapao." Hinarap ni Donnel ang babae. Mukhang teenager pa 'to. "Mga ano'ng oras mo siya natagpuan?" Nagpahid ng luha ang babae bago sumagod. "Mga 6:30 ho. Galing po ako sa trabaho. Pag-uwi ko, nakita ko siya sa sala. Tadtad ng saksak." Patuloy na humikbi ang babae. Nilingon n

