Wesley's POV Dinukot ko ang baril ko at inihanda para sa paglapit sa building. "Wesley..." napabuga ng hangin si Hannah. Lumingon ito sa mga kasamahan, "cover us." Tumango sina Victor. We ducked and walked slowly as we entered the compound. Sira-sira na ang bakod na gawa sa itinulos lang na kahoy at chicken wire kaya duon kami dumaan. Medyo madilim na rin dahil pasado alas-sais na at walang ilaw ang compound. Hindi kami gaanong mapapansin ng mga kidnaper. Patakbo kaming lumapit sa gilid ng building, nauuna ako at kasunod si Hannah. Nakalapit kami sa gilid na bahagi, may mga sira-sira pang kahoy ang naroon at ilang sako ng simento na mukhang nabubulok na. Nilingon ko si Hannah. "Cover me, Inspector." Tumango naman siya sa akin. Huminga ako ng malalim saka hinawakan ang pader. Katulad s

